11: Contestant #6

Magsimula sa umpisa
                                    

“Sir Rye pa rin ako. Kaya lang, kailangan ko pa rin gawin ang tungkulin ko, gets?” at tinarayan niya agad yung nakapansing nakapink rin siya. Hindi naman na ako magtataka kung bakit.

Nang malagpasan na naming ‘yung nasalubong naming group ng supporters ni Sir Rye, dumiretso na kami sa isang room na especially reserved para sa gagawing ensayo ng mga instructors. May pitong vacant rooms para sa pitong contestants.

Nasa room number 6 kami.

Sa loob ng room, wala pang tao. Kailangan pang i-move ‘yung mga chairs para magkaroon ng malaking space sa gitna. Yun na rin ang gagamiting ayusan, if ever, at practice kung sakaling may kailangang pag-practice-ang sayaw or any presentations para sa talent portion.

Shems. “Anong gagawin ko para makatulong?” nabigla ako nang matanong ko ‘to. Hindi ako pala-Sali ng mga pageants eh, kaya wala akong alam talaga.

“Siguro Roxanne, dun ka na muna sa question and answer portion. I’ve heard na galing raw sa mga estudyante ang magiging tanong sa mga instructors, and I know you can handle that part,” sabi niya.

“Uh-huh…” ang blangko ng sagot ko.

Lumabas muna kami ni Pamela sa loob ng room dahil pinaayos niya na sa mga boys ‘yung mga upuan. Lahat sila nag-participate kahit halatang pilit na pilit dahil takot sila kay Pamela. Siya lang talaga ang amazona sa school na ‘to eh. Hahaha.

Napatingin ako sa sumunod na room. Room number 7. Kay Sir Rye. Nasa labas rin ng room ‘yung mga katulad rin naming estudyante na tutulong sa kanya.  Kaya lang, may parang hindi naman estudyante na kasali roon.

“Pwede palang tumulong ang teachers?” tanong ko kay Pamela.

“Oo naman. As long as isa lang ang tutulong. Volunteer lang rin sila tulad natin.”

Sa kabilang room naman, room #5, naroon naman si Ma’am Anna kasama ang ilang estudyante. Papasok sila ng room. May dala silang damit, maraming stuffs, na kailangan siguro nila para sa contest. Actually, may cabinet na ata silang dala. Uhmmm.

Napatingin pa rin ako sa kabila eh. Si Ma’am Chloe kasi nandun. Ano kayang magiging reaction ni Rebecca kapag nalaman niya? Nako… ‘Wag naman sana. Naawa ako sa kakalagyan ni Ma’am Chloe. Sana kasi pinipili niya yung inaaway niya. Ayan na naman tayo, Bec, mukhang may babanggain ka na naman eh… :’(

***

Maghapon na ata akong naglalaway sa mga damit na sinusukat ni Sir. De joke lang. Ako kasi ang nag-aassist sa kanya sa mga susuotin niya. Ngayon nga, tinatanong niya sa akin kung bagay ‘yung longsleeves na polo na suot niya. Naka-tuck in ‘yon sa black pants niya. With matching belt pa, kaya sobrang nakakapaglaway.

“Bagay ba?”

“O-opo, S-sir… Jael. Bagay na bagay po.”

Hindi ko alam kung nananadya ba si Sir, pero lahat ng isusukat niya, bumabagay sa kanya. Ngayon, may suot siyang salamin sa mata kaya naman mas lalo akong nagagwapuhan sa kanya. Malakas kasi ako magkacrush sa mga taong nakasalamin. Idagdag mo pa yung pabango ni Sir. Sobrang nakakakilig. Ang swerte ko talaga at nandito ako. :3

“Parang medyo masikip kasi sa banda rito, paki-ayos mo nga,” itinuro niya ‘yung gawi sa bandang collar. Hindi ko alam kung paano ayusin ‘yung ganong simpleng problema sa mga damit, pero ang alam ko, chance ko nang makalapit kay Sir.

Hinawakan ko muna ‘yung bahagi ng damit na itinuturo ni Sir. Una, nahihiya pa kong i-flat iyon sa katawan niya, pero habang tumatagal, nararamdaman ko na rin pati kurba ng katawan ni Sir. Uhmmm…

“Sir, ayos na po,” hindi ako makatingin kay Sir kasi nahihiya ako sa magiging reaction niya. Palibhasa hindi rin ako sigurado kung naayos ko ba talaga ‘yung sinasabi niya o hindi.

“How about the tie? Is it okay?” tsaka nya hinigpitan kuno ang neck tie niya. Hindi ko maiwasang mapatitig nang mas matagal pa kay Sir. “Roxanne? Are you with me?” Ay. Ay. Sabi ko na, lutang na naman ako.

“Sir, medyo higpitan lang po natin ang  tie niyo,” sagot ni Pamela. Dalawa kasi kaming kasama ni Sir.

Maya-maya, bigla namang nag-ring ang phone ni Pam. Kaya, “Roxanne, pakiayos naman ‘yung neck tie ni Sir, sagutin ko lang ‘to,” at itinuro niya na hawak niya yung phone niya.

Napalunok ako.

Nakakahiya eh. Katulad ngayon, sobrang conscious akong lumapit kay Sir. Hinawakan ko ang tie niya. Marunong naman ako sa pag-addjust nito. Ang hindi ko lang alam ay kung paano umiwas sa tingin ng mga mata ni Sir.

“Your hands are shaking,” he said.

Definitely. It is really shaking. Nakakahiya dahil napansin ni Sir.

“At parang nagbablush ka?” dugtong pa niya.

Gust ko nang mawala ng parang bula. Ang lapit ko kasi kay Sir. Siguro, isang dangkal lang ang layo ko mula sa dibdib niya. Mas matangkad si Sir sa akin kaya ang abot lang ng mukha ko ay ang bandang dibdib at balikat niya.

“Sir, hindi naman po. Nakakahiya lang po kasi… Kasi—“ at bago ko pa maituloy ang sasabihin ko bigla niya na lang hinawakan ang ilalim na bahagi ng baba ko. Gamit ang kamay niya, inalalayan niya akong tumingin lang sa kanya…

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit?

“Kanina mo pa ako kinakausap, pero hindi ka naman nakatingin sa akin. Tell me Roxanne, are you okay?”

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon