"May oras din para dyan, halika na, nandito na tayo", hinawakan niya ang braso ko at pumasok kami sa portal, bigla akong nahilo, dahil siguro di ako sanay, inalalayan niya ako mag lakad hanggang sa nasa harap na kami ng isang magandang bahay, kinuha niya ang susi sa paso at pinag buksan ako.

"Sana tama ang desisyun mo, itatago ko ito mula kay Yves para hindi ka muna niya guluhin, sorry Nichole, sabay  sabay tayong lumaki, pinalaki tayong parang mag kakapatid pero wala akong nagawa, at wala akong magawa para matulungan ka ngayon", sabi niya at yumuko ako.

"Hayaan niyo na muna ako dito, salamat sa lahat Cyrus, salamat talaga", sabi ko at pumasok sa bahay na pinahiram saakin ni Rachelle.

Yve's POV

'Alpha, she left', narinig kong sabi ni Hix sa mind link, kaya pala biglang nawala lahat ng nararamdaman kong sakit na nag mumula sakaniya, bigla kong naramdaman na parang may sakit akong nararamdaman sa aking dibdib, pagkatapos ng gera ay hindi ko siya kinausap ng maayos, kahit na pinapahirapan niya ang kanyang sarili ay pinipilit kong pigilan ang sarili kong alagaan siya, oo sinisisi ko siya dahil sa pagiging maka sarili niya, kung nakinig lang sana siya saakin noon, pero alam ko may kasalanan din ako hindi ko siya na protektahan ng maayos, at ngayon umalis siya dahil di niya na kaya. Pero bakit di ko na siya maramdaman? Posible bang...

Hindi, hindi niya naman siguro papatayin sarili niya, pero bakit hindi ko siya maramdaman?

'Where?' Tanong ko kay Hix.

'Dhampir's territory' sabi niya kaya agad akong umalis sa meeting na nagaganap, wala akong pakeilam sa mga nag tatanong kung bat ako aalis, galit ako.

Pag ka apak na pag ka apak ko sa territoryo nila ay nakita ko sa may gate si Cyrus na mukhang may pinuntahan.

"Cyrus!!!", sigaw ko at nilingon niya ako agad, pag ka lapit ko sakaniya naamoy ko agad si Nichole.

"Nasan siya?" Tanong ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"NASAN SIYA!"sigaw ko at naging ginto ang mga mata niya.

"Umalis na siya", sabi niya at kumolo dugo ko.

"DALHIN MO AKO SAKANIYA!", sigaw ko at inismeran niya ako.

"You really think i would do that?" Tanong niya sakin, at kinuwelyuhan ko siya.

"She's my mate!" Sigaw ko at tumawa siya

"Mate na pinabayaan mo!" Sigaw niya at di ko napigilan ang sarili kong suntukin siya.

"Wala kang alam!!!" Sigaw ko at tumawa ulit siya.

"Wala akong alam?, ikaw ang walang alam! " sigaw niya at binigyan nya din ako ng isang suntok.

"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko at sinuntok niya ako ulit.

"Hindi mo alam?!, hindi na ako magugulat na hindi mo alam",  sabi niya at tumayo ako .

"Anong pinag sasabi mo?" Tanong ko ulit sakaniya.

"Hindi mo alam na hindi siya kumakain ng maayos?, na yung hilig niyang mag luto, mag basa, mag turo, lahat ng yun ay nawalan na siya ng gana?, hindi mo alam na ang boung pack mo ay hindi na siya kinikilalang Luna?, na wala siyang ibang ginawa kundi saktan sarili niya dahil sinisisi siya ang sarili niya?! Hindi mo alam o wala ka lang talagang pakeilam?!", sigaw niya sakin.Hindi ako makapag salita.

"Pumunta siya sakin Yves, nakikiusap na ilayo ko siya dito, na hayaan ko muna siyang mapag isa, hindi mo alam na mas nasasaktan siya, hindi mo alam nang makita niya si Kianna na karga ni Rachelle ay hindi niya ito magawang tingnan dahil nasasaktan siya, kung gusto mo pang gawing miserable ang buhay niya nasa mundo siya ng mga tao, sundan mo, para pahirapan siya gawin mo!" sabi niya at tinalikuran niya ako, nakatanga lang ako doon, hindi ko alam na nahihirapan siya, nung magising siya hindi ko siya kinakausap, hingi siya ng hingi ng tawad sakin pero hindi ko siya pinapakinggan, kahit na alam kong pinag sabihan siya ng pack doctor na kumain ng maayos at mag pahinga, hindi ko parin siya inalagaan, nawalan na nga ako ng anak pati ang mate ko iniwan din ako.

The long lost Dhampir Queen Where stories live. Discover now