Chapter 30: War Preparations

Magsimula sa umpisa
                                    

"hey, tama na, hindi ko na sasabihin ang ganung bagay please" pag mamakaawa niya pero kahit anong pag pilit ko sa sarili ko ay tuloy tuloy parin ang pag tulo ng luha ko.

"Janelle please, your killing me, ok i promise i won't die just please stop crying" sabi niya kaya biglang umaliwalas mukha ko at biglang tumigil pag luha ko.

"you did that on purpose!" akusa niya pero kahit gusto ko matawa hindi ko magawa

"alam kong malaking gera ang pag dadaanan natin at meron at merong mamamatay pero sana lumaban ka, kahit para sating dalawa nalang Paul ayaw kong makitang mawala ka sakin ikamamatay ko" sabi ko at parang nagulat siya pero ako ang mas nagulat ng hilain niya ako at niyakap ng mahigpit.

" i won't ever" sabi niya at gumanti ako sakaniya ng yakap.

"Your Highness! nag aaway po si Prince Javier at Prince Jade" Istorbo samin ng isang kawal pero imbes na magalit ako napabuntong hininga ito.

"sino yun?" tanong ko at parang bigla siyang napagod.

"mga siraulo kong pinsan na walang ginawa kundi manira ng araw" sabi at hinila niya ako sa pupuntahan niya,
Naalala ko palang, lahat ng kamag anak niya ay isa isang dumadating, dahil sila ang namamahala sa mga bampira sa iba't ibang bansa, kaya crowded ang palasyo ngayon at hindi ako masyadong lumalabas kasi iba daw ang ugali ng iba niyang kamag anak.

Pumasok kami sa isang private library na ako lang ang pinapagamit ni Paul kaya maraming personal items ako dito, kunbaga parang saakin na itong library na ito, ako ang nag design, nag linis, bumili ng mga sofa, carpet at tables meron din ditong sulok na nandoon ang mga special materials ko kaya ng mga scyring bowls, Ingredients for potions, books of shadows at mga herbs na pang gamot.

Nang pumasok kami parang gumuho mundo ko nang makita ko ang nangyari, wala ang atensyon ko sa dalawang lalakeng nag kaka pisikalan at halos mag patayan, kundi sa mga personal kong gamit na basag, sira at punit punit pati na ang mga sofa na binili ko pa sa Italy at iba pang mga binili ko sa China ay sira sira na.

Uminit ang sulok ng mga mata ko at tuloy tuloy ang pag luha ko hindi pa ito napansin ni Paul dahil sinesermunan niya ang mga pinsan niya habang ako ay nakaluhod sa harap ng mga spell books kong punit punit ba at wala nang buhay.
Ang mga Scrying bowls ko na lagi akong kinakausap kapag hinawawakan ko ay basag narin at parang namatayan ako ng matalik na kaibigan. Ang mga special tarot cards ko na ginagamit ko sa iba't ibang readings ay sira na sa loob ng kanilang mga case at hindi nakaligtas ang mga potions na ginawa ko in case of emergency na halos isang buwan ang pag gawa ng isa, mula sa pag hahanap ng mga sangkap, pag halo ng mga ito, enchantment at ang purifying upang makasigurong ligtas itong gamitin.

Lahat ng pinag hirapan ko ay wala na, parang gumuho talaga mundo ko.

"Siya nauna kuya!"sigaw ng isang lalakeng dilaw ang buhok at may accent ang pag tatagalog at pilit sinusugod ang isa pang lalakeng itim ang buhok at sumusugod din sa dilaw na buhok pero pumapagitna si Paul kaya hindi sila makapag sakitan ulit.

Biglang uminit dugo ko, Hindi ko alam pero nawala na ako sa sarili ko, at naramdaman ko nalang ang pag yanig ng kinakatayuan ko at ang malakas na hampas ng hangin na nakapag pa basag ng mga bintana, ang malakas na pag kidlat at ang mabilis na pag dilim ng langit ang nasa utak ko lang nang mga oras na iyon ay parusahan ang mga walang modong lalakeng itong napakalakas ng loob para sirain ang mga gamit ng isang Seer na tulad ko.

Lahat ng Seer na tulad ko ay takot na takot hawakan man lang ang mga gamit ko dahil alam nilang bilang isang Seer ay mahalaga ito at napaka personal, kaya napakataas ng respeto sakin ng mga mas mababang uri Seer dahil ni minsan ay hindi ako nag palit ng mga gamit, at lahat sila ay ayaw makitang magalit ang isang Seer, takot na takot na silang makitang magalit ang pinaka mababang uring Seer kahit mas mataas pa ang uri nila rito dahil delikado ito. Kaya mas matatakot silang makitang ang pinakamataas at nag iisang klaseng Seer na tulad ko ay magalit.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon