C H A P T E R - F I F T E E N

Start from the beginning
                                    

"K-kuya Rham..." sabi nito pero tuluyan nang tumulo ang luha ko. Pumasok na lang ako sa kotse. Sumunod naman sya. "Alam kong may gusto sayo si Kuya Neil. Sinabihan ko na din sya na baka nakoconfuse lang sya. Di ko alam na gagawin nya yun." Paliwanag nya. Mayamaya biglang may kumatok ng kotse ko. Si Rey at Love.

"Ayos ka lang Amy?" biglang tanong ni Rey. Tumango naman ako.

"Amy?" tanong ni Michaela. "Akala ko po Rheam ang totoo mong pangalan, Ate." Napalingon ako sa kanya.

"Matagal mo ng alam?" tanong ko sa kanya.

"Ang totoo... Kailan lang din. Aksidente ko kasing nabasa ang files mo sa school na may bura, imposible naman kasing magpasa ang estudyante ng may bura hindi ba? Nabalitaan ko pa na ang principal ang nagbura nito at hindi naman ikaw. Ilang araw po kitang inobserbahan at narealize ko na m-mukha ka naman talagang babae kahit na pogi ka at the same time. Sorry po."

"Anong ginawa mo kay Neil?" tanong ni Rey.

"Iniwan." Tanging sagot ko

"Tulungan mo naman si Neil... Binuwis nya ang gender nya sa buong campus para lang sa feelings nya. Nasayo na yun kung gusto mo syang iligtas. Tell them the truth na babae ka... Bukod sa maaamin mo na ang totoo mawawala yung chismisan na bakla kayo ni Neil." Litanya ni Anthon.

"Ang tagal kong iningatan ang sikretong to. Di ko alam na mawawala lang to dahil sa..."

"Wag mong sabihin dahil sa pag-ibig. Di kita nakita na nakikipag-interact sa iba bukod kay Neil. Actually gusto kong magthank you sa kanya kasi binago ka nya. Siguro ikaw pa rin yung kapatid ko na cold pero ngayon pinahahalagahan mo na lahat ng tao sa paligid mo. Paghinahawakan ka sa balikat di ka na nanununtok wala na yung reflex mo na manununtok ka pagnagugulat." Ngumiti ng saglit si Anthon habang may inaalala. "Okay na sa akin yung paglevel up mo na you care about us kasi friends mo kame. Pero nung nabalitaan ko na may niligtas kang tao sa kamay ng mga fans mo. Nagbago ka na Rham. At si Neil ang malaking dahilan non. Nagsimula ang lahat sa headphone. Alam ko yun. Kapatid kita eh. Kakambal pa."

Umiiyak naman akong nakikinig sa kanya. Pinahid pa nga nya ang luha ko eh. "S-sorry kung g-ganun pala ko dati."

"You have grown up lil' sis." Sabi pa nya bago ako niyakap.

"Sa mansion muna ako titira. Doon muna ako. Siguro mag-aabsent muna ko ng ilang araw. Gusto kong pag-isipan ang sinabi ni Neil... Kasi..."

"Kasi naguguluhan ka pa? Nabibigla ka pa?" Love. Tinamaan ako sa sinabi nya.

"Rey ako ng magdadrive kina Michaela... Siguro kay Neil muna kayo matulog nila Sky at Ace kami naman ng mga girls sa mansion nyo." Love

"Girls bonding?" tanong ni Michaela. "Kyah~!" At nag-iritan naman sila ni Love.

"Okay. Sasabihan ko na lang din sina Sam na sumunod." Sabi pa ni Anton bago lumabas ng kotse ko. Lumipat naman ako sa passenger sit bago umupo si Love sa driver sit at sa likod naman si Michaela.

"Pwedeng dito muna tayo?" sabi ko bago pa man iistart ni Love ang makina. Tumango lang sila. Sumilip lang ako sa bintana at nakita si Gabeng at Jass na magkausap. Mukha ngang seryoso ang pinag-uusapan nila eh. Pinagmasdan ko na lang sila hanggang sa nakita kong hinahampas na sya ni Jass.

"Hala! Kawawa naman si Gabeng." Sabi naman ni Love nang makita nya yung eksenang pinapanood ko.

"Minsan mas masakit yung sakit na nararamdaman mo sa puso kesa sa pisikal na nararamdaman mo." Bigla na lang kaming napalingon sa nagsalita, si Michaela. Nangangalikot lang ng phone nila. Ang daming hugot ngayong araw. Napatingin ulit ako kina Gabeng at Jass. Yakap yakap pa nga sya ni Gabeng eh habang pumipiglas si Jass sa yakap nya hanggang sa napagod na din si Jass. Saka naman sya binitawan ni Gabeng. Umiling pa ito bago naglakad paalis. Lalo namang umiyak si Jass. Lalabas na nga sana ko para damayan sya pero pinigilan ako ni Love. Umiling pa sya bago muling tinuro si Jass, kaya napatingin ako. Si Kiel inaabutan sya ng panyo... "Umalis na tayo... lagi na lang one-sided love. Sawa na ko." Narinig kong bulong ni Michaela bago ito inukupahan ang buong likod na upuan para humiga. "Pagising na lang po sa akin pagka nasa mansion na po tayo ha." Nakita ko naman ipinikit na nya ang mata nya. Akala ko wala ng lalala pa sa nararamdaman ko, marami pa palang iba.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now