CHAPTER TWELVE

Depuis le début
                                    

Nandito kami ngayon ni Elvis sa Rest House ng family ko. Kasalukuyan siyang natutulog sa kwarto habang ako naman ay nandito sa sala. Boredom strikes!

Tawagan ko na nga lang ang Bestfriend kong si Danica.

Calling Danica...

[Hello sis, napatawag ka ata?] Bungad na tanong niya.

"Nako! Pa'no naman kasi, ang boring dito sa rest house. Tapos 'tong si Elvis, di man lang ako kinakausap. Kahit nga sex ayaw niya e. Ako pa ang nag-yayaya sa kanya! Kainis!"

Narinig kong bumuntong hininga si Danica sa kabilang linya.

[Eh, bakit mo pa kasi pinagpipilitan ang sarili mo kay Elvis? Hindi mo naman talaga siya mahal, 'di ba? So why bothering lied your self na mahal mo siya?]

"Hellyeah, Danica. Nandun na nga tayo! Alam mo naman na kailangan naming gawin 'to dahil narin sa udyok ng mga Grandparents namin. Kung ako lang naman ang masusunod, hindi ko ipipilit ang sarili ko kay Elvis. Kilala mo naman kung sino ang mahal ko. But we need to do this. I need to do this!"

[Eh, pa'no naman si Jonel? 'Di ba, mahal mo siya? At mahal ka rin niya. Hanggang kailan mo itatago 'yan kay Elvis?]

Napabuntong hininga ako sa tanong niya. Mahal din naman niya si Krissa e. Nung nakilala ko siya, lagi niyang kwinekwento ang bestfriend niya sa'kin. Tapos, nakita ko pa sa kwarto niya 'yung mga pictures ni Krissa. Lahat ata ng mga binibigay nito, tinatago niya. Kaya alam kong napilitan lang din si Elvis sa kasunduan ito.

"What will I'm gonna do, sis? Pagod na kong maging mean kay Krissa, which means hindi ko naman talaga gawain. Hay!"

[Sis. This is your faith! Accept the fact na magpapakasal kayo ni Elvis. Whether you like it, or not!]

"S-sige na. Baka magising na si Elvis e. Bye!" At in-end ko na ang call.

You heard it right! I'm a good person. Hindi naman talaga ako mean gaya ng nababasa niyo sa ibang chapters ng story na 'to. Paraan ko lang 'yun para malayo si Elvis kay Krissa. Gusto kong matutunang mahalin ako ni Elvis. Kami na kasi ang magpapakasal at dapat sa akin lang ang atensyon niya. Kahit mag-bestfriend pa sila ni Krissa.

Tsaka, nag-merge na kasi ang mga company ng mga magulang namin kaya dapat na gawin namin 'to.

But in the twist of life, pareho kaming may mahal na iba. Si Elvis kay Krissa at ako kay Jonel.

Nakilala ko si Jonel bago pa kami pinakilala sa isa't-isa ni Elvis. Madami na kong naging Boyfriends, pero iba talaga si Jonel. Nasa kanya kasi lahat ng hinahanap ko sa lalaki e.

Nung nagkita nga kami sa Tagaytay, pasimple kaming nagkikita. Di kasi alam ni Elvis na ex ko si Jonel.

Nakipag-break ako kay Jonel dahil dito sa pakshit na kasunduan ng mga Lolo namin. Tatanggalan daw kasi ako ng mana kapag di ako nagpakasal kay Elvis. Nakakainis nga e! I want to spend the rest of my life with Jonel. But, I'm spending it now with Elvis. -___-

**

Krissa Chen's Point of View:

Tapos na kami sa meeting for our booth at kanya kanya na kaming uwian. Pero ako, kasama ko ngayon si Francis dito sa mall. Bibili daw kasi siya ng gift para sa Mommy niya.

"Sa tingin mo, magugustuhan kaya 'to ni Mommy?" Tanong niya sa'kin habang pinapakita ang kwintas na may pendant na star.

"Oo naman. Ang ganda kaya! I'm sure, basta galing sa'yo magugustuhan ng Mommy mo."

"Sige. Bibilhin ko na 'to." Nilagay niya sa box 'yung kwintas at inabot sa sales lady. "Miss, bibilhin ko na siya."

"Sige po Sir."

Nang matapos kami sa pagbili ng gift, nagtungo na kami sa parking lot.

"Pwede bang sumama ka sa'kin sa bahay namin? Kami lang kasi ni Mommy ang mag-cecelebrate ng birthday niya. Kung okey lang sa'yo."

"Oo sana. Kaso, late na rin kasi e. Baka pagalitan ako ni Yaya Melba."

Ngumiti siya sa'kin at tinignan ako saglit.

"Don't worry, napaalam na kita sa Yaya mo! Pumayag naman siya, basta ihatid lang daw kita pauwi." Nagtatakang tumingin ako sa rearview mirror.

"P-pa'no ka nakapagpaalam kay Yaya?"

"Tumawag ako sa bahay niyo kanina nung nasa school tayo."

Napatango nalang ako. Buti naman at pumayag si Yaya Melba. Bihira lang kasi ako nung payagan kapag di niya masyadong kilala ang kasama ko. Binilin kasi ni Mama sa kanya na 'wag akong ipapasama sa kung sino lang.

**

Nang makarating kami sa bahay nila, naabutan namin ang Mommy niya na naghahanda ng mga pagkain kasama ang mga Yaya nila.

"Oh anak, nandyan na pala kayo. Hello iha, I'm Ysabelle, ang Mommy ni Francis." Bati niya sa'kin at bumeso.

Nice meeting you po Tita. I'm Krissa."

Naupo na kami at nagkwentuhan ng kung ano ano. Mabait ang mommy ni Francis. Down to earth at hindi tulad ng mga mayayaman na puro yaman lang ang alam na ikwento. Parang pamilya rin namin. Simple lang. ;)

"Ikaw pala ang nililigawan ng anak ko? You're so beautiful. Kaya pala panay ang kwento nitong babyboy ko tungkol sa'yo." Ngumiti si Tita Ysabelle at makahulugang tumingin kay Francis. Lihim akong natawa sa tinawag ni Tita Ysabelle kay Francis. :D

"Ma naman!" Saway ni Francis na halatang namula na.

Natatawa lang sa kanya ang Mommy niya at kahit ako din. Binebaby pa pala ng Mommy niya si Francis? Sabagay, nag-iisang anak lang siya. :)

Maya-maya ay nilabas narin ni Francis ang regalo niya para sa Mommy niya.

"Ma, pikit ka." Utos ni Francis sa Mommy niya.

"B-bakit?"

"Basta po!" Sinunod naman ng Mommy niya ang utos.

Pumunta sa likod si Francis at sinuot sa Mommy niya ang necklace na binili namin kanina.

Dumilat na ang Mommy niya at pinagmasdan 'yung kwintas na suot niya.

Nakangiting naiiyak ang Mommy niya habang nakatingin kay Francis.

"Thankyou anak. Hindi mo naman na kailangan gawin 'to. Pero ang ganda niya anak."

"Actually Ma, si Krissa po ang pumili niyan." At tinuon naman ng Mommy niya ang tingin sa'kin at ngumiti.

"Salamat iha."

"You're welcome po Tita. Mahilig po kasi ako sa mga necklace, kaya nung makita ko po 'yan, nagandahan ako. At talagang bagay po sa inyo." Sabi ko. Ngumiti sa'kin si Tita at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo ba, para kang si Ellaiza. 'Yung ex girlfriend ni Francis. Mahilig din siya sa mga kwitas at kasing ganda mo rin siya. Ang kaso, kinailangan nilang maghiwalay dahil magpapagamot ito sa States. Napakabait na bata ni Ellaiza. Parang katulad mo rin siya."

Napatingin ako kay Francis. Tahimik lang siya habang nakayuko at nakikinig sa Mommy niya.

May Ex pala siya? Siguro, mahal na mahal niya si Ellaiza. Sino kaya 'yun at parang bigla nalang tumahimik si Francis?

---

Jepot's crap

Salamat sa comments at votes. Kung may time kayo, recommend niyo rin po sa iba. Maraming salamat talaga. ü

Read niyo rin po ang She's Mine. Story ko rin po 'yan. Punta nalang kayo sa profile ko then tingnan niyo sa works. Pero naka-hiatus pa po 'yun. Pero ulit, haha. Malapit ko na siyang tapusin. :D

Thanks ulit. I love you all. :*

ㅡ Jepot *

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant