"Tamaaaa! Kung sino man 'yang Ivan, God bless to him. Kaya, let's eat na ulit. Super tom jones na akech eh!" Natatawang sabi ni Rhie.

Ngumiti na rin si Lalaine. "Salamat mga bes!"

Pagkatapos naming kumain at maggala, nagkanya-kanya na kaming uwi.

**

[Western University]

Kasalukuyang nag-didiscuss si Ma'am nang iopen up niya ang tungkol sa Foundation Day ng School.

"So class, pipili lang ako dito ng pwedeng magrepresent ng Bakery Booth this coming Foundation day. Mamayang uwian, pupunta kayo sa School Pantry para mapag-usapan natin ang tungkol sa booth." Huminto si Ma'am at may kinuhang papel sa desk niya. "5 lang ang kinuha ko dito sa subject ko, at sila ay sina Lalaine, Krissa, Jeremy, Katrina and Patrick."

Nagkatinginan naman kaming lima at nagngitian.

"Basta mamayang uwian, magpunta kayo sa patry. So for now, class dissmised." Lumabas na si Ma'am at nagtayuan na kami.

"Magkakagrupo na naman pala tayo?" Tanong sa'min ni Pat habang naglalakad.

"Oo nga e! At sobrang saya koooooo." Malanding pagkakasabi ni Rhie at umangkla kay Pat. Natawa naman kasi sa kanya.

Dumiretso na kaming tatlo sa Canteen, pero si Rhie at Pat ay magmomoment pa daw. Mwehehe. Bagay silang dalawa. PatRhie ang loveteam. :D

"Bakit parang hindi ko nakikita sina April at Elvis? Nasa honeymoon stage na ba sila? Ang bilis naman." Usisa ni Katkat.

"Hay nako! Parang di ka naman nasanay sa bitch na 'yun e. Hayaan mo na nga lang sila. Nag-eemo na naman 'tong isa e." Tumingin naman 'yung dalawa sa'kin. Binigyan ko sila ng nagtataka-look.

"Wala na lang ba sa'yo kapag pinag-uusapan namin si Elvis at April?" Tanong sa'kin ni Lalaine kaya tumango ako.

Napapalakpak naman si Kat at ganun din si Lalaine.

"Wow naman! We're so happy for you our bes! Ganyan dapat ang fighting spirit para bongga!" Sabi ni Kat.

Actually, hindi pa naman ako nakaka-move on kay Elvis e. Tinanggap ko na sila na talaga, at labas na ko sa picture. Kahit na paulit-ulit kong sabihing ang tanga ko dahil nahuli ako ng dating, wala ring mangyayari. Tadhana na ang sumagot sa paulit-ulit kong mantra!

"Tanggap ko na mga bes. Itutuon ko nalang kay Francis ang sarili ko. I think, he deserves me, and I deserve him too." Sabi ko. Ngumiti naman sila at saktong padating si Francis.

"Hey, mukhang ang saya niyo ngayon?" Tanong niya at tumabi sa'kin.

"Itong kasing si Krissa, masaya e." Sagot ni Katkat. Tumingin naman sa'kin si Francis.

"Bakit masaya ka?" Tanong niya. Umiling lang ako at tumango-tango naman siya. "Pwede mo ba akong samahan mamaya sa Mall? Birthday kasi ni Mama at gusto ko siyang bilhan ng gift."

"Oo naman. Kaso, baka mga gabi na kami makauwi. Pinapapunta kasi kami ni Ma'am Abby sa Pantry e. Makakapaghintay ka ba?" Tumango naman siya.

Pagkatapos, nagkwentuhan nalang kami ng kung ano-ano. Nagbell narin kaya nagtungo na kami sa next subject namin, at ganun din si Francis.

**

April Mariano's Point of View:

Ako nga pala si April. Ang soon-to-be-wife ni Elvis Ortega. I'm 17. Mayaman. Maganda. End of story.

Nang Mainlove Kay Bestfriend.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ