Chapter Twenty Eight[I am not!]

8 0 0
                                    


(Kumi's POV)

"'Wag kayong mahihiya. Feel free to do anything you want." Saad ni manager nang makapasok kami.

"Salamat po."

"Nasa itaas ang mga kwarto. Kayo na lang ang bahalang pumili. Maiwan ko muna kayo."

Inilibot nila Fraga at Leona ang paningin nila pagkaalis ni manager. Manghang-mangha sila.

"Grabe. Ang ganda naman dito. At ang laki pa." Saad ni Leona.

"Oo nga. Pero bakit parang tayo lang ang nandito?" Tanong ni Fraga.

"Private beach resort kasi 'to na pag-aari ni manager kaya ganon."

"Ang bait talaga ni Mr. Zed. Inimbitahan niya tayo dito para maging mas masaya ang summer break natin." Sabi ni Kai.

"Hindi lang naman 'yon ang dahilan 'no." Saad naman ni Mei.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Teka! 'Wag mong sabihing nakalimutan mo na?!"

"Ang alin?"

Bumuntong hininga siya. "Ngayon ang birthday ni Mr. Zed."

"Ha?!" Gulat na saad namin.

"Hindi ako makapaniwalang nakalimutan mo, Miku." Sabi ni Luka. "You of all people shouldn't forget that."

Kaya pala. Naku, nakakahiya naman. Nakalimutan ko ang birthday ni manager. Hindi tuloy ako nakabili ng regalo para sa kanya.

******

(Zedrick's POV)

Iniwan ko muna sila Kumi para puntahan si Sandler. Dumiretso agad siya sa kusina pagdating nila para magluto ng tanghalian namin.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

"Hindi na, sir. Salamat na lang po. Patapos na naman ako."

"Ganon ba?"

"Maaari po ba 'kong magtanong?"

"Ano 'yon?"

"Nakilala niyo na po ba 'yung dalawang kaibigan ni Miss...Hatsune?"

Sila Miss Riria at Miss Marchi siguro ang tinutukoy niya. Bakit kaya?

"Nakilala ko lang sila base sa mga kwento niya sa 'kin. Ngayon ko lang sila nakaharap ng personal. Bakit? May problema ba?"

"Wala naman po, sir."

******

(Kumi's POV)

Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko. Maraming kwarto itong beach house ni manager kaya may sari-sarili kaming kwarto.

Nakarinig ako ng katok sa kwarto ko kaya binuksan ko ang pinto.

"Kayo pala, manager."

"Handa ang tanghalian. Kumain na tayo."

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at tumungo. Hindi pa rin ako maka-get over na nakalimutan ko ang birthday niya.

"Is something wrong?" Tanong niya.

"Sorry po. I'm very sorry."

"For what?"

"Na... Nakalimutan ko po na birthday niyo ngayon. Pasensya na po. Wala po akong regalo sa inyo."

Hinawakan niya 'ko sa balikat. "'Wag mo nang isipin 'yon. Sapat nang regalo sa 'kin ang mapaunlakan niyo ang imbitasyon ko. At tsaka isa pa, maraming bagay ang nangyari sa 'yo kaya hindi kita masisisi kung nakalimutan mo na kaarawan ko ngayon."

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now