Chapter Twenty[I can't focus...]

5 0 0
                                    


(Kumi's POV)

Maaga akong gumising dahil sinabi ni manager na kailangan kong pumunta ng maaga sa set kung saan namin gagawin 'yung music video. Hindi pa naman ngayon 'yung actual shooting. Rehearsal pa lang ang gagawin namin ngayon. Medyo nahirapan ako sa pag-practice ng kanta pero nakuha ko rin naman.

Kakatapos ko lang mag-almusal nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello, manager."

"Mabuti naman at gising ka na. Kaaalis lang ng driver ko para sunduin ka."

"Salamat po."

Pagkatapos naming mag-usap, pumunta ako sa banyo para maligo. Pagkabihis ko, kinuha ko ang lahat ng kailangan ko tsaka 'ko lumabas. Tumigil muna 'ko para lingunin ang unit ni Kai.

Gising na kaya siya? Buong araw kami magkakasama ngayon at hindi ko alam kung makakapag-focus ako. Hindi ko alam kung magagawa ko 'to nang maayos.

Lumabas na 'ko ng building. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil dumating na rin agad 'yung driver ni manager.

******

(Kai's POV)

Pina-practice ko pa rin 'yung kanta habang nag-aalmusal. Hindi naman sa hindi ko pa makuha. Nagre-refresh lang ako.

Pagkatapos kong mag-almusal, naghanda na 'ko para umalis. Pagkalabas ko ng unit ko, nag-doorbell muna 'ko sa unit ni Kumi pero mukhang tulog pa siya.

Gusto ko munang magpaalam sa kanya pero kailangan ko nang umalis. Maaga pa 'ko sa set at baka ma-late pa 'ko.

******

(Zedrick's POV)

Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Mr. Frey, manager ni Mr. Shino. Nagpalaam ako sa kanya para abangan ang pagdating ni Kumi.

Ilang sandali pa, isang itim na kotse ang pumarada sa harapan ko. Bumaba siya mula doon.

"Mabuti at nandito na kayo."

Tumango lang siya. Napansin ko na parang kakaiba siya ngayon. Masigla siya pero hindi ko 'yon nakikita sa kanya ngayon. At ang isa ko pang napansin ay may suot siyang kwintas. Hindi ko pa siya nakikitang may suot na ganon. I wonder if she bought it for herself or someone gave that to her?

Niyaya ko na siya sa loob ng studio. Dumiretso siya sa dressing room habang binalikan ko naman si Mr. Frey. Naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Mr. Blanco. Isa siyan dance instructor at siya ang magtuturo ng mga steps kila Kumi at Mr. Shino para sa music video.

******

(Kai's POV)

Nakarating na 'ko sa set makalipas ang ilang minuto. Agad akong pumunta sa kinaroroonan ni manager. Ang sabi niya, nandito na raw si Hatsune Miku.

"Hey, guys." Bati ko sa kanila pagpasok ko sa dance studio.

"Ngayong kumpleto na tayo, simulan na natin ang rehearsal." Saad ni manager.

Lumapit sa 'min 'yung dance instructor. "Una ko munang tuturuan si Mr. Shino pagkatapos, si Miss Hatsune."

Pumwesto na kami. Bago kami magsimula, sumulyap muna 'ko kay Hatsune Miku. Nakatungo lang siya habang nakaupo sa tabi ni Mr. Zed. Parang may malalim siyang iniisip. Hindi niya ba 'ko papanoorin?

******

(Kumi's POV)

Mabilis na natapos si Kai dahil konti lang ang mga mali niya. Magaling siya at mabilis matuto.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now