Chapter Eight[It's not like that!]

5 0 0
                                    

(Author's Note: Click the right side to see photos of Rina and Lenny)

(Rina's POV)

Kasalukuyan akong nasa mall kasama si Lenny. Kailangan naming bumili ng materials na gagamitin namin sa project namin.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nag-transfer kami at masasabi kong maayos naman ang lahat... Except for some other things.

"Sorry, miss. Hindi ko sinasadya." Sabi ni Lenny sa babaeng nakabanggaan niya. Halos kaedad lang namin. Galing siya sa cr at 'yun agad ang nangyari pagkalabas niya.

"Ayos lang. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi naman ng babae bago umalis. Nagte-text siya habang naglalakad. 'Yun siguro ang dahilan.

Nang matapos na kami sa pamimili, kumain kami sa isang fastfood. Umalis sandali si Lenny para kumuha ng straw dahil nakalimutan niya.

"Uhm, excuse me. Pwede mo ba 'kong tulungan? Isang tray lang kasi ang kaya kong dalhin, eh." Sabi sa kanya ng isang babae. Again. Mas matanda lang sa 'min ng konti.

"Uh, sige. Walang problema." Kinuha ni Lenny 'yung isa pang tray at dinala sa mesa nung babae. May kasama pala siyang dalawang bata.

How dare she?! Bakit hindi siya sa crew nagpatulong?! At ito namang si Lenny, sige lang.

Hindi ko na lang pinansin 'yung una pero parang nainis na 'ko sa pangalawa. I don't know why but I can't help myself to get jealous.

******

(Lenny's POV)

Kanina pa walang imik si Rina hanggang sa makauwi kami. Hindi ko alam kung bakit. May toyo na naman siguro 'to.

"Rina. Siya nga pala, may..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi niya 'ko pinansin. Tuloy-tuloy lang siya papasok ng kwarto niya.

Ano kayang problema nun? Kapag may sumpong siya at hindi ako ang may gawa, sinasabi niya sa 'kin. Pero dahil sa hindi niya 'ko pinansin, iisipin kong ako ang may gawa. Hindi ko lang alam kung bakit. Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman akong ginawa na kahit ano para toyoin siya.

Naupo ako sa sofa at ipinatong ang mga braso ko sa sandalan. Pambihira naman kasi. Ako lang ang nagdala ng mga pinamili namin.

Matagal na siyang ganon at hindi ko alam kung bakit. Ang sabi nila ate Luka, overprotective lang daw sa 'kin si Rina.

Over tapos, lang?

Kahit na ganon nga siya, hindi ko pa rin maintindihan. I mean, bakit siya overprotective? Anong dahilan?

At kung minsan naman, masyado siyang nag-aalala sa 'kin. Pero kung gaano siya nag-aalala, ganun din siya kasungit kapag may toyo siya.

Hay... Bahala siya.

******

(Rina's POV)

Hanggang ngayon, wala pa rin akong ganang kausapin si Lenny. Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi, parang nilalandi siya ng mga babae kapag kausap siya. I know it's a strong word for me pero parang ganun kasi 'yun, eh.

Ang ikinaiinis ko kay Lenny, parang gusto niya pa 'yon. Masyado siyang magiliw sa mga babae to the point na parang gusto ko nang isipin na nakikipaglandian din siya.

Nasa music room kami ngayon dahil music ang subject namin. We were divided into groups with 5 members. Much to my dismay, hindi ko kagrupo si Lenny.

"Bawat grupo ay dapat magkaroon ng representative na magpe-perform, ok?" Saad ng teacher habang nakaupo sa harap ng piano. 'Yun ang gagamitin namin ngayon.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now