Chapter Four[Let's have fun!]

6 0 0
                                    


(Kumi's POV)

Sabado ngayon at walang pasok. Kanina pa 'ko gising pero nakahiga pa rin ako sa kama. Ang boring kasi, eh.

Wala sila Luka at Mei dahil pareho silang may recording session.

Kung lumabas muna kaya ako? Mamamasyal lang ako saglit para maging pamilyar ako dito.

Ding! Dong!

Katatapos ko palang magbihis nang may nag-doorbell. Pagbukas ko ng pinto, sila Fraga at Leona pala.

"Hi, Kumi." Bati sa 'kin ni Fraga.

"Kayo pala. Anong ginagawa niyo dito?"

"Ang boring kasi kaya naisip namin ni Fraga na pumunta dito. Teka, may pupuntahan ka ba?" Saad ni Leona.

"Ang totoo niyan, lalabas sana 'ko para mamasyal."

"Talaga? Pwede ba kaming sumama?"

"Syempre naman."

"So, saan mo gustong pumunta, Kumi?" Tanong ni Fraga pagkalabas namin ng building.

"Hmmm... Saan ba maganda pumunta?"

"Sa Shopping District. Maraming pwedeng gawin doon." Sagot ni Leona.

"Kung ganon, tara na."

Naglakad-lakad lang muna kami pagkadating namin sa Shopping District.

"So, anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong sa 'kin ni Fraga.

"Alam ko na. Doon tayo sa mall. " Saad ni Leona.

"Ok."

Pagkadating namin sa mall, dumiretso agad sila Fraga at Leona sa isang botique.

"Heto, Kumi. Isukat mo 'to." Sabi ni Fraga habang hawak ang isang sleeveless collared shirt.

"Ito rin. Isukat mo rin 'to." Iniharap naman sa 'kin ni Leona ang isang frilly skirt na checkered ang design.

"Ha? Ahh... Ehh..."

"Sige na!" Sabay pa sila.

"Well... Ok."

Pumasok ako sa changing room pagkaabot nila sa 'kin ng mga damit. Pagkatapos kong magbihis, pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Whaaa! Hindi ako makakalabas ng ganito!

"Tapos ka na ba?" Tanong ni Leona.

"Ahh... Ehh..."

"Ano ba? Ang tagal mo naman."

Nagulat ako ng bigla niyang hinawi ang kurtina.

"Wow. Ang cute." Saad ni Fraga.

"Oo nga, Kumi. Bagay sa 'yo."

"S-sa tingin niyo?"

"Oo naman."

Pagkatapos non, pumunta naman kami sa may arcade. Una kong napansin 'yung crane catcher.

"Wow. Ang cute naman nito."

"Alin?" Tanong ni Leona.

"Ito, oh." Sagot ko habang nakaturo sa...

"'Onion leek?"

"Why don't you give it a try?" Sabi ni Fraga.

"Ok."

Naghulog ako ng barya at ang first try ko, fail. Ganon din sa pangalawa at ikatlo.

"Ang hirap naman."

"Well, may be you should give up on it." Sabi ni Leona.

I really like that leek plushie but I guess Leona's right.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now