Chapter One[Nice to meet you!]

13 1 0
                                    

(Kumi's POV)

*Rrriiingngng!!!*

Aww, morning already? Well, I better get up.

Bumangon na 'ko at hinawi ang kurtina sa bintana ng kwarto ko. Sinalubong ako ng sikat ng araw.

"Wow. What a beautiful day."

Pumunta ako sa banyo para makapaghilamos at magbihis. Ngayon ang unang araw ko sa Sekiranun High.

Excited na 'ko!

Pagkatapos kong magbihis, bumaba na 'ko at pumunta sa kusina para makapag-almusal. Quick breakfast lang. Hehe.

Oh, I almost forgot. I'm Kumi Tsuneha. 16 years old. Actually, kalilipat ko lang dito dahil nandito ang school na gusto kong pasukan.

Pero...hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit lumipat ako dito. I have other reasons but I can't tell for now.

Well, time for me to go!

******

(Luka's POV)

"Dumating na ba siya?" Tanong sa 'kin ni Mei. Nandito kami ngayon sa Sekiranun High.

"Hindi pa. Kanina ko pa siya tine-text pero walang reply. Hindi ko rin siya matawagan."

"Hay! Nakalimutan ba niya na ngayon ang unang araw niya dito!" Iretableng saad niya.

"Teka. Easy ka lang, Mei. Hindi ba't kalilipat niya palang dito? Baka naman---ah, ayun na siya!"

Nakita namin ni Mei ang isang babaeng tumatakbo. Nakasalamin siya at may mahabang buhok na abot hanggang binti.

"Sa wakas, dumating din siya. Bakit kaya siya late?" Tanong ni Mei.

Ding! Dong!

"Tara na, Mei. Baka ma-late din tayo." Yaya ko sa kanya.

******

(Kumi's POV)

Whaaa! Late na 'ko! Sana, umabot ako! Sana, umabot ako!

Binuksan ko agad ang pinto pagdating ko sa room. Grabe! pagod na pagod ako!

"Yes, miss? May kailangan ka ba?" Tanong sa 'kin ng teacher. Lalaki siya.

"Pasensya na po...na-late po ako... Ako po 'yung...transfer student." Sabi ko habang hinihingal.

"Well, mabuti na lang at umabot ka. Actually, magsisimula palang kami. Please, come in."

At pumasok na nga ako. Pumunta ako sa unahan at tumabi sa kanya.

"Ok. Would you mind introducing yourself?"

"Uhm... My name is Kumi Tsuneha. I just moved here last week and yet, I still don't know this place. Uh, nice to meet you."

"Hmm... Ang sabi mo, kalilipat mo palang dito. Is that the reason why you're late?" Tanong ng teacher.

"Uhm...yes, sir."

"Well, you heard her. Treat her nicely, ok, class?"

"Yes, sir!"

"By the way, I'm Zeke Rowell(Zi-ki). I'm your homeroom teacher this year." Dagdag pa niya.

"Nice to meet you po."

"Now, you can take your seat over there." Itinuro ni Sir Zeke ang isang upuan sa second to the last row, second column.

"Yes, sir."

Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko, naririnig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.

"Ang cute niya, 'no?"

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now