Chapter Twenty Seven[Take it easy!]

2 0 0
                                    


(Kai's POV)

Nakahiga lang ako sa kama habang pinagmamasdan ang kamay ko. Mga ilang minuto na 'kong ganito.

Nahawakan ko ang kamay ni Kumi. Ang lambot ng kamay niya. Well, nahawakan ko na rin naman ang kamay niya nung gumawa kami ng music video pero iba nung date namin.

Pakiramdam ko, hawak ko pa rin ang kamay niya kahit na saglit lang 'yon. Sila Mei kasi, eh. Mas matagal sana kaming magka-holding hands ni Kumi kung hindi lang sila umepal.

Hah! Mabuti na lang at naagaw ko 'yung cellphone niya kaya nabura ko 'yung picture namin. Gusto ko sanang kunin 'yon pero alam kong hindi niya ibibigay 'yon kaya minabuti kong burahin na lang.

Well, it's getting late. I should go to sleep now. Kahit na may mga interapsyon sa date namin ni Kumi, sigurado naman ako na magiging maganda ang tulog ko.

******

(Kumi's POV)

Kanina pa tapos ang date namin ni Kai pero kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

Hawak ko ang kamay ko na hinawakan niya kanina. Hindi pa rin maalis sa isip ko na naka-holding hands ko siya.

Siya ang unang boyfriend ko. Sa kanya ko rin naranasan ang unang date ko at siya rin ang unang naka-holding hands ko. Baka sa kanya ko rin maranasan ang unang...kiss ko.

It's really embarrassing but the thought of that makes my heart beats faster. Lalo akong kinikilig.

I better go to sleep. Baka mahirapan akong makatulog kung patuloy ko 'yong iisipin. But I must say, it's one of the most memorable events of my life.

******

*Rrriiingngng!!!*

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Kinuha ko 'yon nang nakapikit at pinatay.

*Rrriiingngng!!!*

Pinatay ko na 'yung alarm clock, ah? Bakit tumutunog pa rin?

Bumangon na 'ko at nagkusot ng mata. Tsaka ko lang nalaman na cellphone ko pala ang tumutunog. Kinuha ko 'yon mula sa bedside table.

"Hello?"

"Mukhang kagigising mo palang, ah? Pasensya na. Naistorbo ba kita?" Sabi ni manager sa kabilang linya.

"Ah, hindi naman po. Bakit po kayo napatawag?"

"Gusto kong imbitahin ka at ang mga kaibigan mo sa isang beach resort. Gusto kong lubus-lubusin niyo na ang bakasyon niyo."

"Talaga po?" Parang nagising ang diwa ko.

"Yes. And this is my way of thanking you for your great efforts."

"Tama lang po na ibigay ko ang lahat sa mga performances ko."

"That's not what I meant."

Naguluhan ako sa sinabing 'yon ni manager. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Anyway, aasahan ko kayo." Dagdag niya.

"Ah, sandali lang po. Pwede ko rin po bang isama sila Fraga at Leona? They're my classmates and also my friends."

"Pwede naman. Pero kung isasama mo sila, you need to go as Hatsune Miku."

"Naiintindihan ko po."

******

(Zedrick's POV)

Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap ni Kumi.

Maaaring hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin. Gusto kong gawin 'to dahil sa mga bagay na nagawa niya bilang siya at hindi bilang si Hatsune Miku. Syempre, kasama na rin 'yung ginagawa niya ang lahat sa mga performances niya gaya ng sinabi niya pero ang nauna kong sinabi ang main reason.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now