Chapter Twenty One[It's because of my past...]

4 0 0
                                    


(Zedrick's POV)

Nasabi ko na kay Kumi ang matagal ko nang gustong sabihin. Alam ko na darating talaga ang panahong ito. Binigyan ko siya ng kondisyon noong nagkaroon kami ng kasunduan dahil gusto ko siyang tulungan.

She had been in many struggles up until now and I admire her for being strong. Handa siyang tiisin ang kahit na ano para sa iba. She's one of a kind.

Pero ngayon, napapaisip na 'ko kung tama ba ang naging disisyon ko. Hindi ko maikakaila na ako ang responsable sa mga nangyari at nangyayari sa kanya.

Kung ako ang tatanungin, gusto ko na sanang itigil na niya 'to. Hindi ang kanyang career ang tinutukoy ko kundi ang paglilihim ng katauhan niya bilang isang pop star diva. Pero gaya ng sinabi ko sa kanya, nasa kanya ang disisyon. Kahit ako ang manager niya, may mga bagay na hindi ko siya dapat pangunahan.

Ngunit kahit ano pa man ang kahahantungan nito, mananatili lang akong nakasuporta sa kanya.

******

(Kumi's POV)

Kagaya kahapon, maaga akong pumunta sa set. Ngayon na talaga ang actual shooting para sa music video na gagawin namin.

Pagkatapos kong magpalit, lumabas na 'ko sa dressing room at pumunta sa set. Sa ibang kwarto naman kami ngayon.

Pagpasok ko, ang una kong nakita ay si Kai. Nakatalikod siya sa 'kin at nang humarap siya, natulala ako.

Parang mas gumwapo siya at ang kisig niyang tingnan. Para siyang prinsipe sa suot niya.

"Wow. You look beautiful. Bagay sa 'yo ang suot mo." Sabi niya.

"Uhm, ahh... S-salamat."

"Ok, let's start." Abiso ni Mr. Blanco.

Pumusisyon na kami ni Kai. Tumingin ako sa kanya ng diretso. Kailangan kong mag-focus. Ayoko nang bigyan pa ng problema si manager.

Hindi naman ibig sabihin na kabisado na namin ang steps ay wala na kaming mali. Isang araw lang naman kami nag-practice kaya hindi na kataka-taka 'yon.

Natapos kami ng 4:00pm. Hindi pa talaga tapos 'yung mismong music video dahil kailangan pang ayusin 'yon at i-edit.

******

(Kai's POV)

Hihintayin na lang namin na matapos 'yung music video. Ang sabi ni manager, matatapos daw 'yon the day after tomorrow. Mga professional naman kasi ang kinuha nila.

Eksaktong paglabas ko, nakita ko si Hatsune Miku na kalalabas lang ng dressing room.

May nahulog siya pero mukhang hindi niya 'yon napansin dahil nagmamadali siya. Nakalabas na siya ng studio.

Nagulat ako nang makita 'yung nahulog niya. Pinulot ko 'yon at pinagmasdang maigi.

Paanong napunta sa kanya 'to? Kay Kumi ko 'to binigay.

******

(Zedrick's POV)

Pinauna ko na si Kumi na sumakay ng kotse. Kapag sa mga ganitong klaseng project, kailangan niyang umuwi as Hatsune Miku pero kapag sa mga concert, ok lang kahit hindi na.

Katatapos ko lang kausapin si Mr. Frey tungkol sa music video. Siya na raw ang bahalang mag-asikaso noon.

Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng studio. Paliko pa lang ako sa isang pasilyo ng makita ko si Mr. Shino. Bahagya siyang nakatalikod sa 'kin at may hawak siya na kung ano. Pinagmasdan ko ang hawak niya at nalaman kong isa 'yong kwintas. Mukhang kay Kumi 'yon.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now