Chapter Eighteen[Because I'm a girl.]

3 0 0
                                    


(Kai's POV)

Mukhang maaga na namang pumasok si Kumi dahil walang sumasagot 'pag nagdo-doorbell ako sa unit niya. Iniiwasan niya pa rin kaya ako?

Mag-isa na naman akong naglalakad papasok sa school. Pagdating ko, nakikipagkwentuhan si Kumi kila Fraga at Leona. Tumigil sila nang lumapit ako.

"Kumi, pwede ba tayong mag-usap?"

Tumingin muna siya kila Fraga at Leona bago tumango. Dinala ko siya sa rooftop.

"May...gusto sana 'kong sabihin sa 'yo."

"Uhm, ako rin meron. Pwede bang mauna 'ko?"

"A-ahh, sige." Ano kaya 'yung sasabihin niya? Parang kinakabahan ako.

"Uhm, p-pasensya ka na. Alam kong alam mo na iniiwasan kita. Pero hindi ko naman gusto 'yon. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa 'yo kaya... pasensya na ulit."

Ngumiti ako. "Ayos lang. 'Wag kang mag-alala. Hindi ako galit. Kung ano man ang dahilan mo, sigurado akong reasonable naman 'yon."

Gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya kung bakit niya 'ko iniiwasan pero ayoko siyang pilitin. Mas maganda kung siya mismo ang magsabi sa 'kin.

"Ahh, ano nga pala 'yung sasabihin mo?" Tanong niya.

"Uhm, ano... ahh..."

Naku, mahirap pala 'to 'pag aktuwal na. Paano ko sasabihin sa kanya?

Pumikit ako at huminga ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko. Ok, ready na 'ko.

"Kumi, I..."

*Ding* *Dong*

Napatigil ako dahil sa tunog ng bell. Bumuntong hininga ulit ako. My chance just got spoiled.

"Uhm, Kai?"

"A-ahh... W-wala 'yon. Kalimutan mo na. Tara, baka ma-late pa tayo."

On second thought, hindi pa nga siguro ito ang tamang oras para sabihin sa 'kanya. May be next time.

******

(Kumi's POV)

Kanina bago magsimula ang klase, balak ko na sanang sabihin kay Kai ang nararamdaman ko. Pero naisip ko, dapat muna akong humingi ng tawad sa ginawa kong pag-iwas sa kanya. Hindi magandang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko matapos ng ginawa ko sa kanya.

Ngayong lunch, kasabay ko sila Rina at Lenny. Nasa cafeteria kami. Wala sila Luka at Mei dahil busy sila sa club. May meeting naman sila Fraga at Leona. Member sila ng Student Councile.

"May problema ba, Kumi?" Tanong ni Rina.

"Ha? Ah, wala naman. Bakit mo naitanong?"

"Ang tahimik mo kasi. At tsaka parang matamlay ka. Ayos ka lang?"

"O-oo naman. Ok lang ako. Hehe." Tumawa at ngumiti pa 'ko. Kahit pilit.

Nagkatinginan silang dalawa. Alam kong nag-aalala sila sa 'kin pero ayoko silang bigyan ng problema.

"Ah, anyway, nabalitaan ko kay Mr. Zed na may project ulit kayo ni Kai." Bulong ni Lenny.

Binanggit niya ang pangalan ng taong nasa isip ko. Nagi-guilty pa rin ako sa ginawa ko kay Kai. Maaari ngang hindi siya galit sa 'kin. Pero masama siguro ang loob niya. Paano ko pa masasabi sa kanya?

"Oo. Gagawa kami ng music video sa weekend. Request 'yon ng manager niya."

******

(Rina's POV)

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now