Chapter Twenty Three[Everyone knows...]

5 0 0
                                    

(Play the video when you see the second Author's Note)

(Kai's POV)

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa sobrang saya pero maaga pa rin akong nagising.

Sobrang saya ko na hindi lang kami nagkaayos ni Kumi, nasabi ko rin sa kanya na mahal ko siya. To top it all, mahal niya rin ako. Nakakahiya man pero kinikilig ako.

Bakit? Babae lang ba ang may karapatang kiligin?

Anyway, naghanda na 'ko para pumasok. Ang saya ko talaga. This is the first day na mag-on kami ni Kumi.

Pagkalabas ko, nakita ko si Kumi na nakatayo sa tapat ng unit niya. Parang inaabangan niya 'ko.

"G-good morning." Bati niya sa 'kin.

"Good morning din."

"May itatanong sana 'ko sa 'yo." Sabi niya habang naglalakad kami.

"Ano 'yon?"

"Nung gabi na sinabi ko sa 'yo ang totoo, ano na ang tingin mo sa 'kin? Gusto kong malamaan."

Tinanong din 'yon sa 'kin ni Mei. At pareho lang ang magiging sagot ko.

"Hindi nagbago ang tingin ko sa 'yo. Wala namang dahilan para magbago 'yon." Tumigil ako sa paglalakad. "Makinig ka, Kumi. Wala 'kong nakikitang problema sa ginagawa mo. Sa katunayan, hanga ako sa 'yo. Napakamapagkumbaba mo at hindi mo ipinapamukha na...alam mo na."

Ngumiti siya. "Maraming salamat."

******

(Kumi's POV)

Alam ko ang ibig sabihin ni Kai. May mga sikat na sinasabing sikat sila pero base sa mga sinabi niya, hindi raw ako ganon.

"At tsaka isa pa, kahit ano pa ang mangyari, nandito lang kami para sa 'yo. Especially me. Even the world turn it's back on you. You still have us." Dagdag niya.

Masaya 'ko sa mga narinig ko sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko na nakatagpo ako ng mga taong nakakaintindi sa 'kin.

"Mabuti naman kung ganon." Sabi ni Mei habang papalapit sila ni Luka.

"Taandaan mo 'yung sinabi ko sa 'yo, Kai. 'Wag na 'wag mong kakalimutan 'yon." Dagdag niya habang nakatingin ng masama kay Kai.

"Ah, s-syempre naman."

"Teka, ano 'yon?" Tanong ko.

"Ang sabi ni Mei---hmm!" Biglang tinakpan ni Mei 'yung bibig ni Kai.

"Wala 'yon. Sige, mauna na kami."

"Teka, hindi ba kayo sasabay sa 'min?"

"Hindi na. Baka masira na naman namin ang moment niyo." Sabi ni Luka.

"Hay... Akala ko, magbabago na si Mei kapag naging tayo na pero mukhang lumala pa yata siya." Saad ni Kai.

"Pasensya ka na. Concern lang sila sa 'kin."

"Alam ko naman 'yon. At naiintindihan ko sila." Sabi niya habang nakangiti.

Pagdating namin sa school, humiwalay sa 'kin si Kai dahil may tumawag sa cellphone niya. Sinalubong ako nila Fraga at Leona pagpasok ko sa room.

"Uh... Bakit ganyan kayo?"

Nakangiti silang dalawa sa 'kin at hindi ko alam kung bakit.

"Ikaw, ha. May hindi ka sinasabi sa 'min." Saad ni Leona.

"Ha? Anong ibig niyong sabihin?"

Lumapit sa 'kin si Fraga para bumulong. "Kayong dalawa na pala ni Kai."

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Where stories live. Discover now