Exception ♥ 8 - The Kid

Start from the beginning
                                        

Pero wala naman akong natatandaan na may picture kaming ganito?

.

.

.

HALA! ITO YUNG BATANG LALAKI KANINA SA PANAGINIP KO! OO! SIYA NGA!





*Blag*

Tumingin ako sa taas, biglang sumara ang pintuan ng kwarto ni Steff.

Nakatayo siya dun sa may terrace at nagkakamot ng mata, bagong gising.

Napatingin siya sa direksyon ko, tapos tumingin naman sa hawak hawak kong picture, gulat?

Bigla naman siyang tumakbo sa baba tapos hinablot sa kamay ko ang hawak hawak kong picture. Tapos bakit parang galit yata siya?

"BAT NASA'YO TOH?!" ayy, galit nga siya.

"Uhmm sorry, nalaglag kasi yan nung tumitingin ako sa album.. teka? Bat ka ba nagagalit? Ano ba meron diyan? Tsaka sino pala yung lalaking nakaakbay sayo dyan ha? Ayiee!" sabi ko. Hala, mas lalo ata siyang nainis sa sunod sunod kong tanong tsaka dun sa ayiiee?

"Tsk, sa susunod ayoko na papakialam mo ang ibang gamit dito sa bahay." sabi niya tapos walkout.

Galit ba siya sakin? O sadyang nasa red days lang siya ngayon?


*Ring ring riiing*

Teka, may tumatawag sa'kin!

Si Tita Monica (Steffani's Mom)? Bat naman siya tatawag sa'kin ng ganitong oras? Ang aga aga pa ah!

Nasa vacation kasi siya simula pa kahapon, 1 week rin siya doon. Tsaka heto pa ha, ang weird ng mga akto niya sa akin. Yung parang masyado siyang maalaga, maalahanin etc. In short, parang anak! Hehe.

"Hello?" sabi ko.

"Hello Jamie, kakagising mo lang ba iha. Sorry kung naistorbo kita ha?" sabi niya.

"Ah hindi po tita, kanina pa po ako gising." sabi ko tapos humawak sa batok ko.

"Oh okay, nagbreakfast ka na-- I mean, kayo ni Steff?"

"Kakagising lang po ni Steff, pero nakapagbreakfast na po ako." sabi ko

"Good, okay I need to go na ha. Just contact me whenever you're in need okay?"

"Ah sige po tita, thank you po."

"Just call me Mom, okay?"

Eh? Mom? Di pa pang sosyal yun?  "Uhmm, tita na lang po hehe."

"Ohh, okayy. Bye na, may aasikasuhin pa ako." sabay baba ng phone.

See? I told you, she acting very very weird! Parehas sila ni Steff. Nakakapanibago tuloy sila.

Teka?

.

.

.

.

Nakadrugs ba sila?

Naabutan ko si Steff dun sa dining table, kumakain ng breakfast niyang bacon, egg, fried rice at hot choco niya.

Ang sosyal diba? Yung almusal ko nga lang dati, tuyo na isda tapos sinangag na kanin eh. Tapos sa kanila may pabacon bacon pa at hot choco.

Milo lang katapat niyang hot choco mo teh.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa katabi ng inuupuan niya. "Ah Steff, sorry pala kanina ha." sabi ko.

Tiningnan niya ako at tumigil sa pagkain niya. "Okay lang yun bal. Basta ayoko lang pagusapan yun okay?" tumango ako at ngumiti siya sakin tsaka tumuloy sa pagkain niya.

Eh? Ngayon lang naman ata siya ngumiti?

CONFIRMED, nakadrugs nga siya.

"Hmm! Since weekend naman," sabi niya at tumigil siya sandali tapos uminom sa hot choco niya. "Gusto mo ba magmall?"

"Ah sige sige, anong oras ba?" sabi ko.

"Maya-maya, may hinihintay lang tayo." sabay ubos sa hotchoco niya.

"Okay, sino ba yun?"

Bago sumagot, tumayo muna siya.

"Si Justin."


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Steff's POV

Iniwan ko na siya doon sa baba, hayaan ko muna siya maexcite at matuwa. Obvious naman sa itsura niya yung saya at gulat pagkatapos kong sabihin kung sino ang kasama namin. Alam ko naman na may gusto siya kay Justin eh.

.

.

.

Tsk, kung alam mo lang Jamie. Kung alam mo lang.

As much as I wanted to tell her, ayoko lang sabihin dahil alam kong magugulo lang ang lahat.

And all these years? At yung nakita niyang picture kanina? Hindi manlang pa rin ba siya nakakapansin o nakakaalala?

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now