Chapter 24: Say What

30 2 0
                                    

"Ash naman, eh!"

"Saglit lang ako!" Natatawa akong tumakbo palabas ng dorm at kumaway. Nakita ko pang sumimangot si El bago tuluyang sumara ang elevator.

Kakalabas ko lang kagabi at ikinukulong na naman nila ako. Natatawa na lang ako sa kanila dahil alagang-alaga ako na parang baby. Sinabi ko ng okay ako, eh.

"And where do you think you're going?" Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko namalayan na tumigil pala ang elevator. Nginitian ko si Zack at si Jake.

"Uhm, dyan sa labas. Baba na ako ha? Bye!" Pipindutin ko na sana ang button pababa kaso pumasok silang lahat.

"At bakit?" Taas kilay kong tanong sa kanila.

"Bababa din kami, Baby Ash." Nakangiti pang sabi ni Josh.

Napabuntong hininga na lang ako. Babantayan na naman nila ako ng mga lalaking to.

"Pwede ba guys, hindi na po ako bata. Kaya ko pong mag-isa." Itinutulak ko sila palabas pero malalakas ang mokong.

"At sino nagsabi sayong babantayan ka namin?"

"Asa ka. Hindi ka na baby para bantayan."

Napairap na lang ako. Itong dalawang to ang pasimuno sa pagkakakulong ko, eh.

"Defensive. Magsama kayo." Pinindot ko na ang button pababa.

"Saan ang punta mo, Ash?" Hindi ko na nilingon dahil alam kong si Leo yon. Nasa unahan ako at nasa likod yung limang lalaki.

"Kay Vincent." Naramdaman ko agad ang masamang tingin sa akin kahit nakatalikod ako. Perks of being a Nen User.

"At anong gagawin mo kasama siya?" Yan na naman po siya. Monster na naman.

"Zack, may date ako." Seryosong sabi ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga date. Pero kasi, birthday ni Vincent at kailangan ko siyang mabati.

"Sinong may sabi na pwede ka makipagdate, Ashley?"

"Diba sabi namin huwag ka na lalapit doon?"

"Masamang tao siya."

"Hindi mo pa siya masyadong kilala."

"Baka—"

"Kayo na ang nagsabi na hindi na ako baby para bantayan. At hindi niyo rin naman siya kilala. Kaibigan ko din siya katulad niyo at wala kayong karapatan palayuin ako sa kanya."

Wala na akong narinig mula sa kanila. Nakakainis kasi. Okay lang sila maging protective pero sobra na. Parang sinisiraan na nila yung tao.

Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako at hindi na sila nilingon pa. Nagtatampo pa rin ako sa kanila.

"Aga-aga nakabusangot ka?" Agad akong napangiti at lumapit sa kanya.

"Okay ka na?" Tanong niya at yumakap sa akin.

"Oo naman, bakit hindi?" Takang tanong ko pero nakangiti pa rin. Kumalas siya sa yakap at ginulo ang buhok ko.

"Arggh huwag mong guluhin!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya. Ayoko talaga ginugulo ang buhok ko, sakit ko na ata yon.

"Tara na nga. Ililibre mo pa ako." Hinatak niya ako kaya nagpatianod na lang ako.

Dinala niya ako sa 'mini' mall dito. Sa laki nito mini pa ba to? Eh parang mas malaki pa to sa mega mall. Kumpleto siya gaya ng normal na mall. Naglibot-libot kami habang nagkukwentuhan.

"Tara doon tayo?" Sabay turo niya sa isang stall.

"Anong gagawin natin dyan?" Sumimangot naman siya bigla. Ang cute grabe. Hindi ko tuloy napigilan na kurutin ang pisngi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon