Chapter 17: Gehou

34 6 7
                                    

"Can't sleep?"

Papungas-pungas na bumangon si El. Umiling lang ako bilang sagot. Hindi na ako nakatulog dahil sa nangyari kanina. Hindi rin naman ako inaantok. Nagsilbing taga-bantay lang ako ng mga kaibigan ko kung sakaling may magtangka na namang manghimasok dito.

"Bakit hindi ka matulog? It's freaking 3 o'clock in the freaking morning, Ash. Take some rest." she said.

Humiga siya ulit at nagsimulang sumiksik at yumakap sa akin. Ang laki ng higaan pero nagsisiksikan kami. Hindi talaga nila ako binibitawan. Konting galaw ko lang, magsisidilat na sila. Napapabuntong-hininga na lang ako. It's okay, though.

Kahit nasa sala ang boys, hindi pa rin ako mapakali. Tinawag kasi nila Dianne ang boys kagabi na umakyat. Wala kasi kaming balak lumabas ng kwarto non sa pangambang baka may lumipad na naman na dagger sa kung saan.

Pagkadating nila, hinalughog agad nila ang buong floor namin pero wala naman silang nakitang bakas ng tao. Ipinaliwanag ko sa kanila na ang isa sa mga kasamahan ni Jin or si Jin mismo ang marunong gumawa ng portal kaya malaya siyang nakakapasok dito.

Ang ipinagtataka ko lang, kung kaya nilang gumawa ng portal, sana pinasok na nila itong kwarto namin at kinuha ako.

Nang malaman nila yon, nag-volunteer na ang boys na magstay na lang sa sala ngayong gabi. Sinuggest ko na sa kwarto ko sila matulog pero tumanggi sila. Mas mabuti kung makikita daw nila ang mismong paglitaw ng kalaban. Hard-headed.

Tiningnan ko ang orasan at 4:30am na. Napagdesisyunan ko ng tumayo at magluto ng umagahan dahil hindi na rin naman ako makakatulog.

"Ash, where are you going?" humigpit parehas ang braso ni El at Penny na nakayakap sa akin.

"Mommy El, Mommy Penny, I'm going to cook breakfast. Please let go of me." nagpabata ako ng boses habang nagme-make face.

"No, Baby Ash. Stay here. The monsters outside might eat you." sabi ni El habang yumakap na naman sa akin at pumikit.

"Kasi naman, eh. Dyan lang yon sa kusina, oh." pagmamaktol ko.

"I'll go with you." sabi ni El at bumangon na.

"El, maaga pa. Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita mamaya. " hinila ko siya pahiga at natumba naman siya.

"No, I'll go." hindi ko na siya pinigil ng hinatak niya ako papalabas.

"Morning, girls." napalingon kami kay Josh na nakasandal sa glass door.

Lumapit kami sa iba pa sa sala at nakita naming seryoso ang mga ito na naglalaro ng chess. Tiningnan ko sila isa-isa at mukhang hindi sila natulog.

"Hindi kayo natulog?" tanong ko kay Josh.

"Nah. Sleep is for the weak." he cocked his head and smiled at us.

"Saan punta niyo? Sama ako." tumayo si Ken at lumapit sa amin.

"Dyan lang sa kusina, Daddy Ken. Balik ka na don." pagtutulak ko sa kanya.

"No, Baby Ash. Daddy is going with you. Your Mommy Dianne will kill me if I let monsters touch you." sabi niya at umakbay sa akin. Inirapan ko siya at mahina kong kinurot.

"Don't you call me names again, Ken, or I'll surely kill you."

Napalingon kami sa likod at nakita namin ang nagsusungit na naman na si Dianne. Agad nawala ang akbay sa akin ni Ken. Good.

"Good morning, Mommy Dianne. Want a kiss from Daddy Ken?" he said at ngumuso pa kay Dianne habang nakataas ang kilay.

"Shut up, playboy."

HUNTERWhere stories live. Discover now