Chapter 8: Training

64 5 8
                                    

Bago ako pumunta sa Training Room, dumaan muna ako sa cafeteria at nagtake out ng pagkain. Sa daan ko na lang kakainin dahil magtatime na. Hindi ko kasi namalayan yung oras kanina habang nag-iisip ako sa library.

Sumakay na ako ng mini bus. Mabuti talaga at mura lang ang pamasahe dito dahil nauubos na ang ipon ko.

Nagmamadali akong lumabas sa sasakyan at tumakbo papunta sa elevator. Wapakels kung pinagtitinginan ako.

Papasara naang elevator kaya hinarang ko ang braso ko para hindi sumara.

"Wait!" Ouch, masakit pala.

Bumukas naman ito. Pumasok agad ako at pinindot ang second floor. Hindi ko napansin na may tao sa likod kaya nung umatras ako, natapakan ko yung paa niya.

"Damn, don't be so clumsy!" Napaharap naman ako sa kanya at nagulat ako dahil si Zack pala iyon.

Yes, I already know his name. I heard it from the gossip girls at the cafeteria.

"S-sorry." I bowed at lumipat sa kabilang side.

Akala ko kasi nasa isang tabi siya. Kahit wala siyang manners, kasalanan ko naman. Tahimik lang kami. Nang unti-unting bumukas ang elevator, lumapit agad ako dito at nananalangin na bumilis ang pagbukas.

Nagmadali akong lumabas dahil ayokong makita ako nila Jake na nakasabay ko si Zack. I don't know kung bakit, feeling ko lang na hindi maganda tingnan.

Pero nagkamali ako dahil nakaupo na sila sa sahig at ang pagbukas ng elevator ay naging dahilan para mafocus sa akin ang kanilang atensyon. Kasama na doon ang makahulugang ngiti ni El at nakamamatay na tingin ni Jake kay Zack sa likod ko.

Nagpanggap ako na walang pakielam at humingi ng tawad kay sir. Pinaupo naman niya ako kaso sa likod dahil walang space sa unahan.

At kung mamalasin ka nga naman, si Zack pa ang katabi ko. Wala talagang manners, basta upo na lang. Hindi man lang nagpaalam kay sir.

"As I was saying, you'll train today. Kailangan ipakita niyo sa akin ang natutunan niyo sa tagal ng inilagi niyo dito." Tumango naman sila.

Pero ako? Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman ako nakaranas ng training mula pagkabata.

"Your training partner will be your seatmate."

Seatmate? Nilingon ko itong katabi ko na pagkalaki-laki ng ngiti. Mga ngiti na ayaw kong makita kailanman dahil alam kong walang maidudulot na maganda.

Ang magkakapartner ay:

Jake - El
Leo - Ken
Dianne - Penny
Ako - Zack
Josh - wala

Gusto ko sanang irequest na ako na kang yung waiting kaso nahihiya ako. Ayaw ko rin namang training partner tong si Zack.

"Sir, pwede po bang palit kami ni Ash ng partner?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Jake. Mukha naman siyang seryoso. May pakielam din pala sa akin to.

"Why?" tanong ni sir. Nakatingin na din ang iba kay Jake. Bakit nga ba?

"Hindi po siya nag-undergo ng training. Baka wala pang isang minuto tumumba agad siya."

Should I be happy on what he said?

Tumawa sila bukod sa akin, kay Jake at kay Zack. Pati si sir napatawa. Akala ko pa naman may matinong maidudulot yung itlog na yon.

"Very well, Mr. Stanford. Your training partner will be Zack, and El's is Ash." he chuckled.

Nang magkasalubong kami, babatukan ko sana kaso nakaiwas.

"Ikaw na nga tinulungan, mananakit ka pa. Napaka-sadista mo talagang babae ka." pinitik pa ako sa noo.

HUNTERWhere stories live. Discover now