Chapter 1: End

157 8 3
                                    

"Mom!" tawag ko kay Mommy.

"Bakit, anak?" rinig ko ang kalampag ng mga kaldero sa kusina.

"Nakita niyo po ba yung kwintas ko?" pababa na ako ng hagdan at nakita kong nasa sala si Dad, natutulog.

Nilapitan ko muna si Dad at nakita ko na naman ang tambak na trabaho niya sa lamesa. Pagod na pagod na naman siya, buti at nakatulog. Kinumutan ko muna si Dad bago pumunta sa kusina.

"Hindi ba suot mo yun kanina?" ani ni Mom habang nagluluto.

Lumapit ako sa kanya at yumakap, mamimiss ko sila.

"Aba at nanlalambing ang baby namin ah!" natatawang sabi ni Mom.

"Mom, syempre aalis na ako bukas, mamimiss ko kayo ni Dad. Lalo na ang masasarap na luto niyo." Pilitin ko mang maging masaya, hindi ko ata kaya.

Humarap sa akin si Mom at kitang-kita ang lungkot sa mukha niya. Alam kong napilitan lang din silang ipadala ako sa bagong school dahil ayon sa nakakataas, para daw ito sa ikabubuti ng lahat.

Pilit ngumiti si Mom at niyakap ako.

"Mag-iingat ka doon anak ha? Tatawag ka palagi, gustuhin man naming dumalaw, di naman namin kaya. Wag mong pababayaan ang sarili mo, tsaka wag ka munang magboboyfriend ha?" napangiti na lang ako.

Naramdaman kong umiiyak na siya at ayaw niyang ipakita sa akin na nalulungkot siya. Niyakap ko na lang ulit siya ng mahigpit. Kahit mahirap, kakayanin ko para sa kanila ni Dad. Para rin sa amin to.

"Oo naman, Mom. Tsaka di naman ako magboboyfriend, kayo lang ni Dad okay na!" Nagtawanan na lang kami at kumalas sa yakap.

"Basta anak, wag mong kakalimutang mahal ka namin ha? Lagi mong iisipin na kahit malayo ka, nakabantay kami sa iyo."

Naramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa pisngi ko. Di ko alam na naiyak na pala ako.

"Am I missing something?" Napatingin kami sa boses at ang nakangiting si Dad ang tumambad.

Lumapit siya sa amin at niyakap kami ni Mom. Kahit walang sabihin si Dad, alam kong mahal niya kami ni Mom. Sa yakap pa lang nila, ayos na ako. Sana ganito na lang lagi.

"Hon, do you smell what I smell?" Napakalas ng yakap si Mom at nagmadaling humarap sa nilukuto niya.

Napatawa na lang kaming tatlo.

"Nako nako kasi kayo, sunog na ang pagkain natin!"

Nakayakap pa din ako kay Dad at naalala ko ang kwintas ko.

"Dad, nakita mo ba yung kwintas ko?" Bumaba ang tingin niya sa akin at kumunot ang noo.

"Hindi ba suot mo yun kanina? Tingnan mo sa kwarto mo." sabi niya.

"Hmm, sige Dad, Mom, balik lang po ako sa kwarto, tawagin niyo na lang po ako kung kakain na." Tumango sila at umakyat na ako.

Naghalungkat na ako at di ko pa din makita. Kinalkal ko na ang mga bagahe ko pati drawers at ila-ilalim pero wala. Napahiga na lang ako sa kama.

"Nasaan na kaya yun?" Inabot ko ang phone ko sa bedside table ko at tiningnan kung may text.

1 message received.

From: Jake

Hey, Ash. Naiwan mo dito yung kwintas mo. Punta ka daw dito sabi ni Papa, dalhin mo na mga gamit mo para wala ka ng dadalhin bukas. Bilisan mo at naiinip ako.

Bossy bestfriend. Buti at nasa kanila lang. Kinuha ko na ang bagpack ko at ang maleta. Don't get me wrong, ang nasa loob ng bagpack ko ang damit, ang nasa maleta puro abubot. Ganito talaga ako.

HUNTERWhere stories live. Discover now