Chapter 2: Head Start

86 9 4
                                    

"Is she okay?"

"Yes. Her condition is stable. By the time she wakes up, pwede na siyang lumabas."

Puro boses ang naririnig ko. Mahirap magmulat ng mata pero pinilit ko pa din. Nasilaw ako sa liwanag. Medyo malabo pa ang paningin ko pero unti-unting lumilinaw.

Ang mukha ni Jake ang unang sumalubong sa akin. Nasaan ako?

"Hey, Ash."

Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Malalim din ang kanyang mata. Pinipilit kong itaas ang kamay ko para hawakan ang mukha niya.

"Hey, don't move. Be still."

"Goodmorning, Ms. Draece." Bati ng doctor sa tabi ko. Doctor?

"Am I in a hospital?" Halos paos na sabi ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko na tila ilang araw di nakatikim ng inumin.

"Yes, you're in a hospital, Ms. Draece." sabi ng doctor.

Di ako nagsalita. Humarap ang doctor kay Jake at lumabas sila. Ako na lang mag-isa dito. Nilibot ko ang paningin ko. Anong ginagawa ko dito?

Pinipilit kong alalahanin pero wala akong maalala. Tumingin-tingin ako sa paligid. Maluwang ang kwarto. Malinis at maaliwalas. May sofa sa tabi ng kama ko. May TV na nakasabit pero nakapatay. Ang tahimik. Masyadong tahimik.

Napapikit na lang ako. Ang sakit ng ulo ko. Medyo kumirot ang ang braso ko. Tiningnan ko at may mga galos ako. Kinapa ko ang mukha ko, meron din bandage. Ano bang nangyari? Bakit di ko maalala?

Bumaling ako sa katabi kong lamesa. Nauuhaw ako. Mabuti at may tubig. Inabot ko ito nang mabaling ako sa picture frame sa tabi nito. Nabitawan ko ang baso at nahulog ito sa lapag na nagdulot ng ingay sa nakakabinging katahimikan.

Inabot ko ito at di ko napigilan ang luhang tuluyang dumaloy sa pisngi ko.

"Mom, Dad.."

Naalala ko na. Nanikip bigla ang dibdib ko.

Bumukas ang pinto ng napakalakas. Tiningnan ko siya habang patuloy ang agos ng luha at sakit sa aking dibdib. Tiningnan niya akong nag-aalala. Nabaling ang tingin niya sa hawak kong picture frame at bumalik aa mukha ko.

"Jake."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko napigilan at yumakap na din ako sa kanya. Tahimik niyang hinahagod ang likod at wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

"Jake, b-bakit? A-anong kasalanan n-namin? B-bakit?"

Umiyak lang ako ng umiyak. Kailangan ko lang ng dadamay sa akin ngayon. Ngayong wala na sila. Ngayong mag-isa na lang ako.

"I'm here, Ash. I'm here for you."

Hinarap niya ako sa kanya. Wala na akong pakielam kung anong itsura ko.

Pinunasan niya ang mga luhang kanina pa umaagos. Hinawakan ko ang kamay niya kahit nanlalambot ako. Pumikit ako at pinilit na inaalala ang mga mukha ng magulang ko.

"Be happy and be strong."

How could I be happy and strong, Dad? How could I?

Hindi ko namalayan at nakatulog ako.

"Hey, sleepyhead. Wake up."

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Ang nakangiting Jake ang sumalubong sa akin.

"Jake, bakit mo ginising si Ashley? Nagpapahinga yung tao."

Nilingon ko sila Tito Arthur at Tita Beth at marahang ngumiti.

HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon