Chapter 18: Shopping

51 3 2
                                    

"That's enough for today. You may go."

"Osu!"

Bagsak kaming napahiga lahat sa sahig. Hingal na hingal ako at pagod na pagod. Nanlalambot ang katawan ko.

"Grabe! Ang hard ni sir!" sigaw ni Ken habang habol habol ang hininga.

Pagkatapos kasing mabuksan ang nodes nila, sinimulan na kami ni sir na itrain. What training? Combat training with him.

Sa loob ng isang buwan, ang training na ginagawa sa amin ay combat training against sir. Sa third floor na kami nagtetraining at hindi na sa training room.

Dito sa third floor ay isang malaking battle ground. Kasing laki na ata ng field. Hindi ko nga alam kung paano nangyari samantalang hindi naman ganito kalaki ang buiding sa labas.

Sa gitna ng Battle Ground, may isang malaking ring na gawa sa semento. 800 x 800 meter ang lapad niya at 200 meters above the ground. Once na pumasok ang mga maglalaban, napapalibutan ng isang laser ang buong paligid at ang anumang magbabalak na papasok o lalabas ay agad nasusunog.

Noong unang araw namin, akala namin ay magiging madali lang ang training namin. Ang combat training kasi namin ay ang manatiling nakatayo sa loob ng isang oras sa loob ng ring habang naka-maintain ang Ten. Para daw iyon masanay kami at mapalakas ang stamina namin.

But we are very wrong. First week, talagang siniseryoso kami ni sir. Sobrang bilis at lakas ng sipa at suntok niya na tumatalsik talaga kami.

Isang beses ngang tumalsik ako at muntik ng makalabas ng barrier, buti nasipa agad ako ni El para mapunta ako sa ibang direksiyon. Nasunog ang bandang parte ng training uniform ko sa likod non at nagkalapnos ang balat ko. Kung nahuli ng isang segundo si El sa pagsipa sa akin, malamang sunog na ako.

Ganoon ang training namin sa loob ng dalawang linggo. Habang tumatagal, nakakahabol na kami sa bilis ni sir. Pero habang tumatagal din, mas lalong bumibilis at lumalakas ang mga atake ni sir. Sabi pa niya, kailangan daw naming mapilit siyang gamitin ang 100% raw power niya.

Pagkatapos ng ganoong training, pagpapahingahin na niya kami. Pero after two weeks, nagulat kami ng ginamitan na niya kami ng Nen. Sabi niya:

"Your progress is very unexpected. Akala ko aabutin tayo ng ilang buwan. I'm proud of you. Now, make me more proud and show me what you've got."

Natuwa kami non. Lalo kaming nagpursigi na magtraining. Kahit Nen punches at Nen kicks lang ang ginagamit niya, na alam naming wala pa sa kalahati ng lakas ni si sir, ay napupuruhan kami. Hindi naman kasi kami napoprotektahan ng Ten sa mga Nen attacks.

Nagpatuloy ang ganoong training. Lagi kaming uuwi ng pagod na pagod at puro pasa at sugat. Worth it naman ang training.

At last week lang, naramdaman namin ang malaking pagbabago namin sa loob ng tatlong linggo sa Battle Ground. Pinabalik kami ni sir sa Training Ground at nilagay sa Level 30 ang difficulty ng weapon training. Hindi yon ang pinakamataas dahil Level 50 ang pinakamahirap.

Akala ko nga lalabas akong sugatan pero nabigla ako dahil nakikita at nararamdaman ko ang ilang libong weapon na papunta sa akin. Paglabas namin ng Training Room, lahat kami nabigla sa mga nagawa namin. Sabi ni sir:

"You don't have to feel bad if you can't even land a single punch on me. You've made a lot of progress, you just don't realize it. Now, you have a lot of training to be stronger. Next time, I want to feel your kicks and punches."

I can't imagine na ganoon na kami kabilis pero hindi pa rin namin maabutan si sir. Ang dami namin laban sa kanya pero hindi man lang namin siya matamaan.

HUNTERWhere stories live. Discover now