Chapter 12: Initiated

50 6 3
                                    

Jake's Point of View

Napabalikwas ako ng bangon ng may narinig akong mga pagsabog. Tiningnan ko ang orasan at maga-alasais na ng umaga.

Hindi ko alam pero kusang tumayo ang katawan ko at pupungas-pungas kong kinuha ang shirt ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto. I don't know why I have this bad feeling. Dinaan ko lang ang ibang boys na nakita ko sa sala.

"Saan ka punta bro?"

"Ash." sagot ko kay Ken

"I'll go with you." narinig kong sabi ni Zack.

Hindi na ako sumagot at pumasok na sa elevator. Pumasok na din silang lahat.

"Did you guys heard that explosion?" tanong ni Josh.

"Oo naman. Sa lakas ng pagsabog na yon, feeling ko lahat ng tao sa buong academy magigising." Ken explained.

Narinig din pala nila. Nang bumukas ang elevator, nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Ash. Pagbukas ko ay wala akong nakitang bakas ni Ash. Malinis ang higaan at ang phone niya ay nakapatong sa kama.

"Shit!" Where the hell is she?

Tiningnan ko lahat ng parte ng kwarto niya na pwedeng niyang pagsuotan pero wala. Agad-agad akong lumabas ng kwarto. Tiningnan ko ang kusina, ang dining area, pati cr pero wala. Nakita kong nagtataka silang tiningnan ako.

"Bro, ano bang ginagawa mo?" Leo asked.

"Nasaan si Ash?" I asked looking at the three girls na nakaupo sa sofa.

"Hindi namin alam." Dianne said.

"Hindi niyo alam? Eh hindi ba kayo ang kasama niya dito tapos hindi niyo alam?" What's with these people!.

"Hindi nga namin alam, okay? Ang tanda-tanda na niya para alalahanin pa namin!" Dianne looked at me. Halatang naiinis siya sa pinagsasabi ko.

"Fuck! Ilabas niyo si Ash!" Nagulat naman silang lahat nang sumigaw ako.

Tahimik lang ako at hindi masyadong nakikisalamuha. Tanging kay Ash lang ako nakikipag-usap kaya siguro nagulat sila.

Napakapit ako sa ulo ko at napasabunot ako. I don't know. I have a bad feeling about this. Kahit hindi kami magkapatid ni Ash, we have this bond katulad ng sa magkakapatid. Alam namin sa isa't-isa kapag ang isa ay nasa kapahamakan.

"Bro, ano bang problema mo? Baka naman lumabas lang." I looked at Josh.

"Minsan lumalabas siya para magjogging, don't worry about her." Penny said at tumayo na sila at mukhang babalik na sa kwarto nila.

"I know she's in danger. I can feel it."

Marahas kong tinanggal ang kamay ko sa ulo ko. Natigilan naman sila sa sinabi ko at tiningnan lang ako at tila nagtataka sa ikinikilos ko. Nagmamadaling naglakad papunta sa elevator.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Zack pagkapasok ko sa elevator.

"I'm going to find Ashley."

Isa-isa silang naglakad sa patungo sa akin. Hindi na ako nagsalita. Bumalik ako sa kwarto ko at madali kong kinuha ang susi ng kotse ko. Kasya kaming lahat doon.

Habang pababa ang elevator, hindi ko mapigilang mag-isip. Ano na naman bang ginawa niya? Lagi na lang niya ako pinag-aalala.

I almost run ng bumukas ang elevator door. Nakapark lang ang kotse namin sa tapat ng dorm building. Tiningnan ko ang buong field pero walang ibang tao.

Nagsipasukan na kaming lahat sa kotse ko. Katabi ko si Zack at yung iba ay sa likod.

Dalawa lugar ang pinanggagalingan ng usok. Ang isa ay galing sa West side ng academy where the building of the school officials are resting. And the other one is from the parking lot. My instinct said to go for the parking lot.

HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon