Chapter 19: Plain Talk

25 2 4
                                    

Tawanan kami ng tawanan habang pababa ng burol.

"Kapag nakita ko talaga kung sino, yon. Ibabato ko to lahat sa kanya!" inis na sabi ni Josh habang buhat-buhat yong basket na puno ng kutsilyo.

Pag-akyat kasi namin kanina, ang tahimik ng paligid at ang ganda ng tanawin. Overlooking siya at kita ang buong academy.

Nagsisimula na kaming magkainan at magkasiyahan ng may nagbato sa amin ng bato. Tiningnan namin ang paligid, pero wala naman kaming nakita. Nagkibit-balikat na lang kami.

Ilang minuto lang, may nagbato na naman. Natamaan nga yong plato ko, eh. Babaliwalain na sana namin kaso maya't maya may nagbabato. Hanggang sa maging kutsilyo na yong binabato sa amin. Buti na lang at hindi kami natatamaan.

Patuloy lang kami sa pagkain kahit may nagbabato. Wala naman kasing logo ng Black Association yung mga kutsilyo kaya pinabayaan na namin. Baka daw si Sir Knox lang at pinagtitripan lang kami. Isipin na lang daw namin na nasa training kami sabi ni leader.

Si Josh naman, naiinis na. Napapansin kasi niya na sa aming lahat, laging siya yong pinupuntirya nong nagbabato. Hindi naman siya natatamaan kaso yong damit niya ang nadadaplisan.

Ngayon nga, nanggagalaiti na siya sa inis. Hindi daw siya papayag na hindi ibato lahat ng kutsilyo na nasa kanya sa kung sino man ang nagbabato kanina.

Pinapabayaan na lang namin siya. Naging masaya naman ang picnic. Gusto pa sana naming magstay hanggang gabi kaso pinasundo kami ni sir sa isang school staff.

Habang naglalakad kami, pinagtitinginan si Josh. Nagpipigil na nga ako ng tawa dahil baka lalo siyang mabadtrip. Punit-punit na kasi yong damit niya. Although, gwapo pa rin naman.

"Bro, pigilan niyo ko. Dudukutin ko mga mata ng mga lalaking yan." sabi ni Josh kay Ken.

"Okay lang, Bro. Sige dukutin mo na. Para wala ng ibang titingin kay Mommy Dianne ko at Baby Penpen mo." seryosong sabi ni Ken at umakbay kay Dianne.

Natawa naman kasi sa dalawang babae dahil parehas silang namula kahit nakasimangot sila.

"Tanggalin mo yang kamay mo, puputulin ko yan." sabi ni Dianne.

"Huwag muna Mommy, kakailanganin ko pa to para madala kita sa altar." nakangising sabi ni Ken.

Nagtuksuhan na sila. Nakikiride na lang ako sa kanila. Boto kasi ako sa lovebirds na yan.

"Buti naman at wala ng titingin sa abs ko. Ayoko pa namang nagseselos si Baby Penpen ko." sabi ni Josh habang hinihimas ang abs niya.

Nakapasok na kami sa elevator. Sa lobby kasi, pinagtitinginan kami lalo na si Josh. At ang fangirls niya ay nagwawala.

"Kupal. Mas may abs ko sayo, eh." irap na sabi ni Penny.

"Sige nga, patingin!" ani ni Josh.

Nagsmirk si Penny at unti-unting itinataas ang laylayan ng shirt niya. Nanalaki naman ang mata ni Josh at tinakpan ang mata niya.

"Huwag muna, Baby Penpen. Saka na kapag kasal na tayo. Baka upakan ako ng utol mo." sabi ni Josh at tumalikod pa sa amin.

Nagtawanan kami dahil parehas namula si Penny at Josh. Si Leo naman nakikisakay lang. Ang cool niyang brother.

Pagbukas ng elevator, nakita agad namin si sir na nakatalikod sa amin.

"Sir Knox, bakit po?" tanong ni El habang papalapit kami kay sir.

Nilingon naman niya kami at kumunot ang noo niya ng mapagawi ang tingin niya kay Josh.

"Oh, anong nangyari sayo? Para kang hinabol ng mga babae." sabi ni sir at pinaupo na niya kami sa sofa.

HUNTERWhere stories live. Discover now