"Hindi ako prinsesa." Walang ganang sagot nito at kumain na lang.

Mas inintindi ko na lang ang gutom ko kaysa sumagot pa. Kakain ako. Pagkatapos ko rito, iiwan ko agad siya.

Maganda sana si South, eh. Anyone can actually fall for her blue eyes framed with thick and long eyelashes, a small pointed nose katulad ng sa kapatid niya, and her pinkish and glossy lips. Wavy ang brownish na buhok nito ngunit makintab, halatang malambot, at talagang nag-compliment ito sa heart-shaped niyang mukha. She's an innocent beauty.

She's brainy and talented, too. An almost complete package—kung hindi lang masama ang ugali. Mukha ring may hate siya sa lahat ng tao because of her lack of interest to everyone. Nagsisimula na nga akong magtaka kung paano sila naging magkaibigan ni Rubio.

As usual, wala pa yatang sampung minuto ay tapos na siyang kumain. Masyado itong mabilis kaysa pangkaraniwang babae.

"Ang bagal mo, Ma'am."

"Tulad mo pa ako sa'yong sundalo kumain." Pasungit na sagot ko. Nakakaasar kasi yung pagmumukha niya. She's grinning at me playfully. Makakatikim na ang batang 'to one of these days.

"Hindi ako sundalo. Bahala ka riyan."

Hinayaan ko na lang siyang umalis.

Hay, nako. Mapapailing na lang talaga ako. Mabait naman si North, medyo may kasungitan nga lang at pagka-strict. Si West naman ay medyo seryoso at nakakausap naman ng maayos pero in born na yatang matipid siya magsalita. Si East ang pinaka-hyper sa apat. She's friendly and approachable. All in all, astang tao naman sila.

Pero bakit mukhang naligaw yata si South? Ewan ko lang. Hindi kaya ampon 'yon? Possible rin na nasalo niya yung bad genes ng family nila.

Mapapatay ako ni North kapag nalaman niya 'tong iniisip ko.

Mabilis lang lumipas ang oras. Namalayan ko na lang ang sarili kong nagtuturo na naman sa mga estudyante. Araw-araw na akong sanay na ganito ang ginagawa. Kabisado ko na nga lahat ng dapat kong sabihin. Ang nagbibigay na lang siguro ng thrill sa'kin ay ang iba't ibang ugali ng mga students na nakaka-encounter ko at siyempre yung mga...babae. Not that I lust after girls, mas nakaka-inspire lang talaga kapag nakakakita ng maganda. Appreciation lang.

Kung nandito lang si North sa tabi ko ngayon malamang nasipa na ako no'n palabas ng room dahil sa pinag-iisip ko. Buti na lang talaga at may klase rin siya ngayon. Pero parang gusto ko siyang kulitin sa klase niya.

"Naiintindihan ninyo ba, class?" Tanong ko after mag-discuss ng naka-assign na reporter. Tumango naman sila. Pinaupo ko na yung mga estudyante at napatawa na lang sa isip-isip ko. Naiintindihan daw pero sigurado naman ako na kalahati ng tao rito sa classroom ay hindi nakikinig.

Napalingon ako sa glass window at natigilan. Sa harap kasi mismo ng salamin ay nakadungaw si South mula sa labas at nakatitig sa'kin pero nang mapatingin ako sa kanya ay umalis agad ito na parang wala lang.

Ang weird talaga ng batang 'yon.

Natapos ang klase na nakasimangot ang mga estudyante ko dahil hindi lahat ay pasado sa binigay kong quiz. Tama ako. Hindi lahat nakikinig.

May time pa para mangulit kay Professor North Hansen. Alam ko sa taas lang iyon nagtuturo, eh. Dali-dali kong pinuntahan yung floor kung saan siya nagro-room at hindi naman ako nabigo. Ang serious talaga niya.

"Okay, this theory states that—"

Sumitsit ako nang malakas.

Napatingin siya sa'kin at halatang nayamot nang makita ako. Nakatingin din sa akin ang mga estudyante niya kaya nag-smile ako sa kanila. May ilang bumati, tumango, at sumipol.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin