Seventy eight

Começar do início
                                    

Hihirit pa sana si Kei pero siniko ko siya, yung malakas na pagsiko. Tumingin ako sa kanya. "Oh, narinig mo ah? Tabby daw. Tabby, hindi Kei. Ako yung kausap, hayaan mo kong magsalita ano ba kanina mo pa ko pinuputol eh." Nung nasabi ko 'yun, pinigilan ko agad yung sarili ko. Pano ba naman kase nakatingin sa akin yung mga magulang ni Kei.

Natawa naman si Kei. "Haha, siguro kuha ako ng pang-meryenda no, Tabby?" sabi niya sa akin at tumayo. Hindi pa nga ako nakakapagsalita iniwan niya na ako kaagad. Loko talaga yung unggoy na 'yun. Nako! Nako lang talaga mamaya patay siya sakin.

Naiwan pa tuloy ako dito kasama yung parents niya. Ang awkward kaya.

Tatayo na sana ako para sundan si Kei at idala na siya sa kabilang-buhay nang marinig kong nag-"ahem" si Mr. Dela Vega. Napahinto tuloy ako at naupo ng tuwid.

"Tabby... diba?" umpisa niya. Tumango lang ako kaya nagpatuloy siya. "You know... I am still in shock after what happened the last time we saw each other. I'm certainly astounded."

Tinakpan ko ilong ko. Baka umagos ang Red Sea eh.

Nakatingin sakin yung dad niya. Naku po. Ipapakulong na ata ako. Mabubulok na ako sa kulungan. Wala bang lasagna o carbonara dun? Baka puro gulay ang ipakain sakin dun. Hindi pwede, mangangayayat ako dun sa kulungan.

"And I must say.... you are quite a stunner, hija. Such a strong personality and a wonderful looking young girl. My son does really have taste." dagdag pa ng dad niya.

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya eh. "Weh? Ako po ba kinakausap niyo? O mamaya may tinutukoy kayong iba? May nakikita po ba kayong hindi ko nakikita?" tanong ko sa kanya.

He laughed. Tumawa siya?! Tapos nakitawa rin yung mom ni Kei. Ako naman naguguluhan pa rin kaya nakitawa na lang ako kahit wala akong ideya ba't sila tumatawa dyan. May sapok ata mga magulang ni Kei. May pinagmanahan siya ah.

"You're really funny." sabi naman ni Mrs. Dela Vega. "I really like you, maganda, mayaman, matapang... medyo mataba ka nga lang pero it doesn't matter. You still look gorgeous hija."

Tumango naman yung dad ni Kei. "Oo nga, okay lang kahit mataba ka, papayat ka pa naman baby fats lang yan. I'll be so glad to have you in our family."

Tinitigan ko silang dalawa. Nakangiti sila, tapos yung mga pinagsasabi pa nila? What happened? May sumapi ba sa kanila? Epektib ba ang prayer ko kay Lord? Mahal talaga ako ni Lord. Pero parang nakakabigla naman masyado. Hindi ba fresh pa rin yun sa isip nila yung nangyari nun? Ang gulo. Ang gulo.

Napatayo ako. "Mamaya kung anong plano niyong gawin eh, mamaya sakalin niyo ko o kaya iaresto, kaya maghahanda na ako sa pagtakbo. Mahirap makulong, walang masarap na pagkain dun."

Tumayo naman si Mrs. Dela Vega at hinawakan pa ako sa balikat ko. "No, hija, wala kaming balak na masama sa'yo. We're just happy that Kevin chose someone like you. We really like you kase."

Naningkit yung mga mata ko. "Huh? Glad glad? Pero diba... po... um, finix marriage niyo na si Kei kay pang- I mean, kay Daphne Manalastas? Yung pinsan ni Shanize?"

Tumayo naman si Mr. Dela Vega at hinawakan naman ako sa isa ko pang balikat. "You see... Miss Manalastas called off the engagement. Sabi niya wala daw siyang interes na maikasal kay Kevin namin... and she told us that you're richer than her."

Hay nako. Mga mukhang pera talaga poreber 'tong mga magulang ni Kei. Pero... ginawa ni Daphne yun? Akala ko ba... akala ko ba aagawin niya si Kei sakin? Diba mortal enemies kame? Weh di nga? Baka naman nasapian lang din si Daphne ng santo kaya siya nagkaganun... pero hindi talaga ako makapaniwala. Parang imposible.

Niyakap pa ako ni Mrs. Dela Vega. "And besides, 21st century na nga diba? Hindi na trending ang fixed marriage na 'yan. Wala ngang hashtag na ganyan na trending worldwide sa twitter eh."

The XL Beauty (PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora