CHAPTER THIRTEEN (HBD XL Part Two: The Secret Kiss)

Zacznij od początku
                                    

Bigla namang pinamulahan si Luisa bilang confirmation sa tinanong ni Geo.

"Okay na?"
"Yup," sagot nito then inikot na ulit ang bote.

Habang tumatagal ang laro ay napaparami narin kami ng iniinom. Si Nicko na madaling matamaan ng alak ay nag-uumpisa nang dumaldal.

"Ano ba, Nicholas? Ang sagwa ng hitsura mo, huh!" ani Alexandra.
Dumako nga ang bote kay Armina na 'di man lang yata tinitikman ang basong may lamang punch drink.

"Armina, truth or dare?" tanong ni Geo.

"Truth na lang."

"Okay. Kung 'di mo ba naging step-brother itong si Luis. . . may pag-asa ba kayong maging dalawa?"

"Huh?" Nagulat pa si Armina sa tanong nito.

Napaubo naman ako sa narinig kong tanong ni Geo.
"Bakit naman ganiyan ang tanong mo? Wala bang iba?" sabad ko naman dahil ramdam kong hindi komportable si Armina sa tanong nito.

"Ikaw naman, birthday celebrant! Nag-truth si Armina kaya dapat sagutin niya ang tanong nitong si Geo," ani Alexandra habang tumutusok ng slice ng pinya.

"Tama naman si Alex, Xander," ani Vanessa habang lumilingon ito sa akin. Tila may kung anong iniisip ito.

"Okay, sasagutin ko." Napalingon ako kay Armina. Ang seryoso niya.

Bigla'y parang 'di ako makahinga. Naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Nagkasalubong ang mga mata namin at . . .

"H-hindi," maiksi niyang sagot.
Pagkasabi ni Armina ng mga salitang iyon ay tila naman nilamukos ang puso ko. Nanatili akong hindi makaimik pati na rin ang ibang mga kasama namin. Tulad din ba nila ako na nag-e-expect din na iba ang sasabihin ni Armina? Yumuko na lang si Armina at inumpisahang ikutin ang bote pagkatapos.
Habang umiikot ang bote ay tila nawawalan naman ako ng gana. Muli ay agad kong sinalinan ang baso ko. Tahimik akong pinagmamasdan ng aking katabing si Vanessa. Hanggang sa tumutok nga kay Luisa ang bote.

"Truth or daire?" tanong ni Armina.

"Dare na lang," ani Luisa.

"Sige nga! Hug mo nga si Bob, girl."

Tila namilog nga ang mga mata niya.

"Ayaw mo?" tanong ni Armina.

"Nakakahiya!" ani Luisa na sinabayan pa ng iling.

"Ayos lang 'yan kay Bobby! 'Di ba, Bob?"

"Yup, laro lang naman."

"See?"
"Sige na," marahan pa siyang itinulak ni Mikaela. Dahan-dahang lumapit ito at niyakap niya si Bob.

Agad din namang bumalik sa
puwesto si Luisa. Iniikot agad ang bote, tumapat naman ito kay Vanessa na katabi ko lang.

"Truth or dare?"

"Dare na lang," ani Vanessa.

"Hmmm. . ." Tumingin naman ito sakin at tila ako pa ang gagawin niyang subject sa dare para kay Nessa.

"Kiss mo nga sa pisngi si Xander."
Namula at kumislap naman ang mga mata ni Vanessa. Tila natuwa ito sa naisip na ipagawa ni Luisa. Agad na tumayo ito sa tabi ko.

Palihim kong tiningnan si Armina pero nanatiling nakatingin lang siya sa buhanginan.

"Do you mind?" ani Vanessa.

"Not at all," I said.
Then bumaba ang lips niya sa pisngi ko. Muntikan pa sa labi ko. Ito naman kasing si Nicko, medyo tinabig pa ako.
Ngingiti-ngiting umupo si Vanessa.

"Nicko!" galit kong sita rito.

"Peace, bro."
Nag-umpisa na namang umikot ang bote at agad na tumapat ito kay Bettina.

Dahil sa halos kalahating oras na rin naming nilalaro ang spin the bottle ay medyo tipsy na ring nagtanong ito. Madali lang kasing malasing si Vanessa, kahit punch drink lang.
"Truth o dare?"

"Truth na lang," sagot ni Betty.

"Si George ba? Siya na ba gusto mong makasama sa panghabang-buhay?"

"Oo naman! Kung iyon nga ang kaloob ng Diyos. . . why not?"
Dahil sa narinig ay naghiyawan kami. Si George na tahimik ay nangingiti naman sa isinagot ng nobya.

"Ang sweet n'yo naman!" ani Alex

"Sagutin mo na kasi ako," ani Nicko habang napapasandig naman kay Alex. Lasing na lasing na ang loko.

"Ano ba, Nicholas, doon ka nga! Lasing ka na!" pagtataboy ni Alex.

Nagtawanan na lang kami hanggang sa umikot na naman ang bote. Kay Bob naman ito tumigil.

"Truth or dare?" ani Betty

"Truth na lang."

"Okay, tanong ko lang, huh? Mahal mo ba talaga si Armina?"
Dahil sa itinanong ni Betty ay napatingin ako kay Armina. Gusto ko kasing makita ang reaction niya sa sasabihin ni Bob.

"Oo naman, mahal na mahal. Hinding-hindi ko siya pakakawalan!" seryosong sabi ni Bobby na sa akin naman nakatingin.

Tila kumulo ang dugo ko sa narinig. Si Armina ay 'di na lang umimik.
Nang matapos ang laro ay isa-isa naming iniligpit ang mga gamit namin at agarang pinatay ang bonfire. Nag-umpisa na kaming umakyat sa kaniya-kaniya naming mga kuwarto. Bale ang mga babae ay nagsama-sama. Kaming mga lalaki naman ang magkakasama. Malalim na ang gabi, mahimbing na ring natutulog sina Nicko at George.
Si Bob ay 'di pa bumabalik sa kuwarto namin. Ang dami-dami kong iniisip sa mga oras na iyon kagaya ng kung nasaan ito o kung magkasama ba sila ni Armina. Dahil parang masisiraan na ako ng isip ay minabuti ko na lang ding lumabas. Pababa na ako sa may kusina nang maulinigan ko ang mga nag-uusap na boses nina Bobby at Armina.

"Alam ko Armina, kaya ko pa naman maghintay," bigkas ni Bobby at dumako ang tingin niya sa aking kinaroroonan.
Mabilis akong nagtago sa pader at naikuyom ko ang sarili kong mga kamay.

'Di yata't ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang pagsagot ni Armina kay Bobby. Dahil sa sobrang emosyon na aking nadarama ay nagdesisyun akong pumunta na lang sa mini bar at lunurin na lang sa pag-inom ng alak ang aking isip. Matagal-tagal na ako sa aking kinaroroonan nang tumabi si Bobby.

"Alam kong narinig mo ang mga pinag-usapan namin ni Armina, Xander," umpisa niya habang umiinom na rin siya ng alak.
Matalas akong napatingin dito.

"Pasensiya ka na, birthday mo pala ngayon pero mukhang masisira ang araw mo," patuloy na pang-uuyam niya.
Ilang beses akong napabuntung-hininga. Tila doon ko nailalabas ang lahat ng hinanakit sa taong katabi ko lang.

"Wala akong pakialam sa relasyon ninyo ni Armina kaya kung puwede lang ay umalis ka na."

"Xander. . . Xander. . ." mahina niyang banggit sa pangalan ko. Nag-uumpisa na siyang tumayo habang hawak-hawak pa rin ang basong may lamang alak.

Dahan-dahan ko siyang tinitigan, tila nakatawa siya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Hindi mo alam, sabagay wala kang kaalam-alam."
Agad siyang naglakad palayo. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-inom nang . . .

"Hindi ka pa ba aakyat, Xander? Mag-uumaga na. Tama na 'yan."
Malambing na sabi ni Armina na tila nanuot sa aking kalamnan. Mahigpit niyang hinawakan ang boteng tinutungga ko. Nang akma na niyang ilalayo ito sa akin ay mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at mabilis siyang hinila palapit sa akin dahilan para siya'y mapayakap sa akin at mapakandong.

Nagulat ito dahil sa mapangahas na aking ginawi dahil na rin sa dami ng ininom ko.

"Xander?!" gulat nyang sabi.
Sinuyod ko ang kabuuan niya gamit ang namumungay kong mga mata at dahan-dahang kong binitiwan ang mga salitang iyon.

"As of now, m-my s-stepsister, all I want to do is this. . ."
Mahigpit kong hinawakan ang batok ni Armina. Sa napakabilis na pangyayari ay mainit ko na siyang hinahalikan.
Isang munting singhap ang kumawala sa mga labi niya nang itinigil ko ang pag-angkin sa mga labi niya. Unti-unting nagtagpo ang aming mga mata. Hanggang sa nagdilim na ang lahat sa paligid.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz