Habang nagde-daydream ako, napa-wow ako kasi.

NGUMITI SIYA SA AKIN!

KUMAWAY PA!

Tinuro ko tuloy ‘yung sarili ko kung ako ba yung tinatawag niya. “Sir, ako ba?” syempre, lip-talk lang. Kasi nasa isang room sila na glass ang dingding pero nakikita ko pa naman na may kasama siyang teachers habang kumakain.

Ayan na, pinapalapit na ako ni Sir. Gumagamit siya ng hand gestures para tawagin ako.

Kaya lang,

“Excuse me,” sabi ng babae sa likod ko.

Nawala ang excitement ko nang malaman kong hindi pala ako ang tinatawag niya.

 

 

Yung babae palang kakapasok lang ng canteen.

Hindi na ulit ako tumingin sa kanya. Ang ginawa ko, kinuha ko ang milk tea ko at lumabas ng canteen. Syempre, nakakahiya. Hindi naman kasi magandang pakinggan na nakikisabat ako sa pagtatawag niya dun sa kaibigan niya. Kahit pa halos feeling ko ako ‘yung tinatawag niya kasi nasa isang direksyon lang naman kami ng kaibigang tinatawag niya. Medyo disappointing.

Nagmamadali akong lumakad papalabas ng school. Shocks. Hindi ko alam kung mamumula ba ang pisngi ko o magiging green dahil sa sobrang hiya. Hindi deserving ang isang tulad ni Sir na kausapin at kawayan rin nga ganon. Bakit ba kasi ako tumambay sa canteen. Hindi na sana ako napahiya. Lagi na lang akong napapahiya sa harapan ni Sir. Pangalawang beses na ‘to. Kasama na ‘yung kay Rebecca.

Nasa hintayan na ako ng FX na sasakyan ko pauwi ng bahay. Habang naghahantay, nakita ko si Sir. Tila may hinahanap siya. Nasa likod na ako ng ibang pasahero para hindi niya ako mapansin. Ayoko na. Hindi na ata ako makakapasok sa Friday. Nakakahiya. Lalo pa at ang daming tao sa canteen. Shocks.

Nagulat ako nang nagtama ang mata namin. “There you are,” he said.

Lumingon pa ako sa likod ko. Mamaya, nag-assume na naman akong ako ‘yung tinatawag, mahirap na. Ang labo!

“Ikaw. Miss Roxanne, ikaw nga,” he emphasized.

“Ako talaga, Sir?” madilim na. Bakit nakita niya pa rin akong nakatago. Hindi kaya may pagka-vampire si Sir? Bagay. Ang kinis at ang puti niya naman eh.

“Miss Roxanne. Ikaw nga po. You forgot your bag. Naiwan mo sa table mo sa canteen. Nagtataka ako kung bakit ka umalis,” at nakikita ko nang inaabot niya ‘yung bag ko. As in, bitbit niya ‘yung bagpack ko. Shocks. Anong plano.

“Uhmm. Sir… S-Salamat,” hindi ko namalayang naiwanan ko na miski ang bag ko. Gusto kong sisihin ang kahihiyang inabot ko kanina. Kaya lang, wala na. Wala akong masisi dahil andito na si Sir at nakaharap pa sa akin. Inaabot niya na yung bag ko. Inaabot niya na.

“Miss?”

Nang tawagin niya ulit ako. Bumalik ako sa ulirat ko. Kinuha ko ‘yung bag ko at non-stop na nagpasalamat. Hindi ko naman kasi alam kung papaano ako magrereact sa ganitong pagkakataon. Experience ang nagtuturo ng lesson para sa ganitong bagay. Kasi, kahit mga textbooks walang kakayahang sabihin kung ano ang dapat nating gawin sa kanya-kanya nating buhay.

“Uuwi ka na ba?” tanong niya.

“Yes po Sir,” sagot ko.

“Sabay na ko. Dito rin ako sumasakay eh,”

Bakit ba gusto kong tumili ng malakas, gumulong sa gitna ng kalsada, at magnobena bigla nang marinig kong pareho kami ng sinasakyan ni Sir? Sa palagay ko, nagpapaambon si Bro ngayon ng napakaraming blessings. Thanks Bro.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi gano’n kabilis nang una akong nagkagusto kay Sir Rye. Erase. Erase. Hindi pwede ‘to. Sabi ko kasi, liligawan ko si Sir Jael kapag graduate na ako. So, bukas na. XD

EH wala pa naman eh! Roxanne! Sasabay lang siyang sumakay. Anong problema mo?

“Roxanne. Naghapunan ka na ba? Parang wala ka ata sa sarili?”

“Sir, w-wala po ‘to. Ayos lang po ako,” anu ba yan. Parang high school ang sagot ko,

“Mabuti naman at okay ka lang. Namumula ka kasi,” at napansin kong bahagya siyang pangiti.

Nang may dumaan nang FX, sumakay na kami. Dun kami nakaupo sa bandang gitna. Nasa dulo ako, tapos nasa middle naman si Sir. Apat kami sa row na ‘yon. Medyo siksikan kaya hindi maiwasang nagdidikit ang balat namin.

Airconditioned naman ang FX, pero bakit ako pinagpapawisan?

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now