CHAPTER THIRTY-SIX:

Start from the beginning
                                    

"We are planning to go out of the town tomorrow dad." narinig kong sabi niya habang kausap ang mga ito. Sinulyapan niya ako saglit habang nagpapatuyo ako ng buhok.

Narinig kong kinakausap niya ang mga ito sa French kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya habang nagsusuklay ako ng buhok. Pagkatapos kong magsuklay ay umupo agad ako sa tabi niya.

"Good evening po." bati ko kaagad kay lolo Morgan at tito Greg.

"Good evening, Kaede." sabay na bati naman nila sa akin.

"Kamusta po?" nakangiting tanong ko.

"Eto naghihintay na ng apo." natatawang sagot ni tito Greg kaya natawa din ako.

"Daddy talaga." nakasimangot na sabi naman ni George.

"Kelan niyo ba kasi balak magkaanak?" tanong naman ni lolo Morgan. "Baka naman malagutan na ako ng hininga ng hindi ko nakikita ang magiging apo ko sa tuhod ha."

"Bukas na po namin uumpisahan. Papaspasan ko po para makarami." natatawang sabi ko kaya bigla na naman akong kinurot ni George sa tagiliran.

"Dapat pagbalik niyo may goodnews na ha?" nakangiting sabi pa ni tito Greg.

"Opo tito. Sigurado po yun." sabi ko naman.

"Saan niyo ba balak magspend ng anniversary niyo?" maya-maya ay tanong ni tito Greg.

"Secret po muna tito." nakangiting sagot ko. "Hindi din po kasi alam ni George."

"Ayaw niyang sabihin sa akin Dad." nakasimangot na sagot ni George kaya natawa ang daddy niya.

"Maybe it's a surprise." nakangiting sabi ng Daddy niya. "Malalaman mo din naman yun bukas pagdating niyo doon."

"Yeah right." sabay sandal sa akin ni George saka napahikab.

"Bakit hindi pa kayo magpahinga. Baka maaga pa kayo bukas." sabi nalang ni tito Greg. "Goodnight to the both of you and enjoy your honeymoon, okay?"

"Okay Dad. Goodnight Dad and Lolo." sabi nalang ni George. "I love you both." sabay flying kiss nito.

"We love you, Georgeina." sabay na sabi naman ng dalawa saka pinatay ang video call.

Sinara ko naman agad ang laptop habang nakasandal pa din sa akin si George.

"Tired?" tanong ko .

"Hmmm hmmm." aniya habang nakapikit.

"Sayang. Akala ko pa naman makakaisa tayo ngayong gabi." biro ko kaya natawa siya.

"Ikaw, nagiging mahilig ka na talaga sa ganun ha." aniya.

"Nakakaadik ka kasi eh." natatawang sabi ko nalang. "Halika na nga at magpahinga na tayo." sabay buhat ko sa kanya papunta sa kama.

Pinatay ko agad ang ilaw pagkalapag ko sa kanya sa kama saka ko siya dali-daling tinabihan at niyakap.

"Goodnight, honey. I love you." bulong niya habang nakapikit at halatang antok na antok na.

"I love you too. Goodnight hon." sabay halik ko sa labi at noo niya.

Kinabukasan, we both woke up around 6 AM para maligo at magbihis. Maaga kasi ang alis namin dahil plano kong maggrocery muna kami bago pumunta sa antipolo para may stock kami doon ng pang isang linggo.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya pagkatapos ng ika-anim na beses niyang paghikab. "Bakit bumili ka ng barbeque stick?"

"Secret muna. Malalaman mo din mamaya kapag nakarating na tayo doon." nakangiting sagot ko habang isa-isang nilagay sa compartment ng kotse ang mga pinamili naming groceries.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Where stories live. Discover now