CHAPTER THIRTY-FIVE:

Start from the beginning
                                    

Ang daming nangyari this past few months. Halos magkakalahating taon na si George na naghohost sa isang noontime show. Dumami din ang projects na hawak siya sa firm maging ang mga guestings at commercials ay nadagdagan din. Napapadalas na din ang pagpunta niya sa ibang lugar para sa photoshoot ng ilang magazines, where in madalas pinipilit kong sumama pero minsan conflict talaga sa schedules ko.

Magdadalawang buwan na din simula ng manganak si Margaux sa pangalawang anak nila ni Matthew kaya tuloy tinatanong na din kami ng daddy ni George at ni Dad pati ni Granny kung kailangan ba namin balak bigyan sila ng apo. Madalas ang sagot namin ay ineenjoy muna namin ang company ng isa't isa at wala pa sa isip namin ang magkaroon ng anak dahil sa dami ng ginagawa namin.

Kung ako lang, gusto ko na ding magkaanak kami ang kaso madami pang projects ang kailangan tapusin si George. Pinaplano niyang unti untiing huwag tumanggap ng projects lalo na mula sa showbusiness para mabawasan ang schedule niyang gawain.

"Malapit na ang 1st wedding anniversary niyo, ano ba an plano niyo?" tanong ni Granny habang naghahapunan kaming tatlo.

Napatingin agad sa akin si George. Hindi pa din kasi namin napapag-usapan ang tungkol sa bagay na yun pero may plano na ako para sa anniversary namin at hindi ko pa nasasabi sa kanya. Balak ko kasing maging surpresa iyon.

"Huwag niyong sabihing wala pa kayong plano?" maya-maya ay tanong pa ni Granny. "Isang linggo nalang anniversary niyo na, hindi niyo pa ba napapaghandaan?"

"Baka maghanda nalang ng kaunting salo-salo dito sa bahay, Granny." nakangiting sagot ni George.

"Kaunting salo-salo lang?" nagtatakang tanong ni Granny. "Ayaw niyo bang magtravel papuntang ibang bansa for honeymoon?"

Parang gusto kong matawa dahil alam ko naman na gusto lang ni Granny na makabuo kami ng anak ni George kaya niya pinipilit na matuloy ang honeymoon naming mag-asawa.

"Gabi-gabi na ho kaming naghohon--ouch." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong hinampas ni George sa braso kaya tuloy lalo akong natawa habang siya ang sama ng tingin sa akin ang namumula ang pisngi sa hiya.

Totoo naman ah. Gabi-gabi naman talaga kami kung maghoneymoon.

"Kung gabi-gabi naman pala kayong naghohoneymoon o bakit wala pa din akong apo sa tuhod?" natatawa tanong ni Granny habang nakatingin sa aming dalawa ni George.

Napaawang nalang ang labi ni George sa tanong ni Granny kaya lalo akong natawa.

"Di bale ho Granny, mamaya uumpisahan na namin ang pagbuo. Kambal pa kung gusto niyo." biro ko kaya muli akong hinampas ni George sa braso na lalo kong kinatawa.

"Nakakaasar ka alam mo yun? Sa guestroom ka matutulog mamaya makita mo." masungit na sabi niya.

"Eto naman hindi mabiro." malambing na sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Nakakatuwa kayong tignan dalawa." nakangiting sabi ni Granny habang nakatangin sa amin ni George. "Ganiyan na ganiyan ang mga magulang mo noong bagong kasal." sabi pa nito sa akin kaya napangiti nalang ako.

Pagkatapos naming kumain tumulong muna kami kay Manang at Granny na magligpit ng pinagkainan bago kami sabay na umakyat sa kwarto para magpahinga.

"Not now, honey." mahinahong sabi niya ng dahan dahan kong hinahalikan ang leeg niya habang nakaupo siya sa kama, patalikod sa akin at naglalagay ng lotion.

"Bakit?" tanong ko habang pinagpapatuloy ang paghalik sa batok niya at pagmasahe sa bewang niya.

"Meron ako, hon. First day." aniya.

Kaya pala medyo masungit siya ngayong araw dahil may dalaw siya.

Napaisip tuloy ako. Kung first day niya ngayon, next week pa siya fertile dahil 8 to 19 days ang fertililty calendar niya, sakto sa 1st wedding anniversary namin.

"Magleleave nga pala ako ng isang linggo next week." maya-maya ay sabi niya habang nakahiga kami sa kama. Unan unan niya ang kanang braso ko habang nakapulupot ang kaliwang kamay ko sa bewang niya.

"Talaga?" sabay tingin ko sa kanya habang nakatingala siya sa akin. "Ibigsabihin makakapaghoneymoon tayo ng isang linggo?" biro ko bigla niya naman akong hinampas ng mahina sa braso.

"Ikaw, puro honeymoon ang nasa utak mo. At saka anong isang linggong honeymoon? Baka mamaya hindi na ako makalakad pagbalik natin dito." natatawang sabi niya.

"Okay lang yun. Handa naman akong buhatin ka." sabay tawa ko.

"Loko ka!" sabay mahinang kurot niya sa tagiliran ko kaya napaiktad ako. "Nagiging manyakis ka na kamo." natatawang sabi niya pa.

"Sayo lang." sagot ko naman. "Pero hindi nga? Isang linggo kang nakaleave next week?"

"Oo. Nagpaalam na ako kay Direk at sa management na magbabakasyon ako ng isang linggo. Sinabi ko din kay Matthew at Theo na hindi muna ako pupunta sa site next week. Hindi din ako nagpaschedule ng photoshoot at commercials." nakangiting sabi niya. "Iyong iyo ako next week." sabay halik niya sa labi ko kaya napangiti ako.

"Aba handang handa ka na sa anniversary natin ah." natatawang sabi ko.

"Oo naman no. I want to spend one whole week kasama ang asawa ko." aniya. "Pwede na din tayong mag-umpisa sa paggawa ng baby." sabay hagikgik niya.

"Ready ka ng magkababy tayo?" gulat na tanong ko. Tumango naman siya agad. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko pa.

"Oo nga. Ayaw mo ba?" aniya kaya kinintalan ko agad siya ng halik sa labi.

"Syempre gusto. Kung wala ka nga lang dalaw ngayon baka ngayon palang nag-umpisa na tayo para makarami eh." nakangising sabi ko.

"Loko loko ka talaga." sabay pisil niya sa ilong ko kaya natawa ako.

"I love you, hon." seryosong sabi ko sabay halik sa noo niya.

"I love you too." bulong niya naman habang nakasubsob sa leeg ko.

Hindi ko na pala itatago ang iniinom niyang pills mula nextweek dahil ready na pala siyang magkababy kami. Balak ko pa namang itago ang mga iyon para makabuo kami agad.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang iniimagine siyang nagpapalakad lakad sa bahay habang kitang kita ang baby bump niya.

I don't want to celebrate our 1st wedding anniversary abroad dahil masyado ng typical ang ganun kaya naisip kong dadalhin ko nalang siya sa mountain house namin sa Antipolo kung saan makakapagtrekking at camping kaming dalawa, para maiba naman. Tutal alam ko naman na mahilig siya sa adventure at alam ko na masmarerelax siya doon dahil tahimik ang lugar at malayo sa polusyon.

"Sama kami. Gusto ko din magtrekking at magcamping." ani Migs ng malaman nila ang plano ko para sa 1st wedding anniversary namin ni George.

"Tumigil ka nga Migs." suway naman sa kanya ni Duane. "Alone time nga nilang mag-asawa yun sasama ka pa."

"Oo nga naman Migs. Malay mo doon na makabuo sila Kaede ng Junior niya." nakangising dagdag naman ni Arlo.

"Yun oh!" sabay sabay na pang-aalaska nila Duane, Darius, Swisso, Keiji, Theo, Matthew, Migs at Ash ng matawa ako sa sinabi ni Arlo.

Talagang alam ng mga lokong to kung ano ang binabalak ko. Mga walangya.

"Galingan mo ah. Para naman magkaroon na ako ng pamangkin." natatawang sabi ni Darius sabay tapik pa sa balikat ko.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Where stories live. Discover now