Sumama din sa amin si papa at nakikain,ang sarp ng kwentuhan namin dahil medyo may pagkakalog din itong si gail at tuwang-tuwa si papa.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang driver ni gail kaya naman nagpaalam na rin sya sa amin,nangako pa sya kay papa na babalik muli sya at ipagluluto nga daw kami.

Nang sumapit ang gabi ay dito ako tumambay sa tabi ng lake,humiga ako at saka tumingin sa mga bituin.

Masaya ako na nagkaroon na ako ng kaibigan nankatulad ni gail,akala ko kasi noon walan nang makikipagkaibigan sa akin,pero nang dumating sya dalawa na sila ni papa ang nagpapalakas ng loob ko.

Napatingin ako sa stars,ang dami nila.napangiti ako.

"Thank you po dahil binigyan nyo ako ng mabait na kaibigan."



Exited akong pumasok ngayon kasi alam mong hindi na ako nag-iisa,naglalakad ako ngayon sa malaking kalsada sa school,natuto na rin akong tumabi dahil baka masigawan ako ulit ng mga nagdadaang nakakotse.

"Jaivee sumakay ka na!"

Napatingin ako sa sasakyang tumigil

Si gail pala ito na nakadungaw pa ang ulo sa may bintana ng kanyang kotse.

"Halika na,mahaba pa ang lalakarin mo."

Wala naman akong magagawa,sabagay medyo mahaba pa ang lalakarin ko mula dito sa pwesto ko.

Sabay kaming pumasok ni gail sa room,at saka umupo sa tabi ko.

Naalala ko,dito sa room namin sa drafting,si terrence ang nakaupo sa inupuan nya.

Pero,hayaan ko nalang,marami pa namanh ibang bakanteng upuan at doon nalang siya uupo.

"Maganda yung napili mong pwesto ha,nasa likod at malayo sa mga bruha sa harap."

Napangiti nalang ako habang inaayos ang mga gamit ko,

Maya-maya lang ay pumasok si terrence at dumeretso sa amin.

"Hoy!ba't nandyan ka?nauna ako sayo dyan kahapon!"

Nagulat ako sa ginawa ni terrence,sinigawan nya si gail,akala ko pa naman mabait sya.mukang nagkamali ako sa pagkakakilala sa kanya.

"Ayoko nga! Dun ka nalang sa isang bakante!wala namang nakaupo eh!"

Nagulat ako dahil parang wala lang iyon kay gail.

"Ayoko!gusto ko sa gitna nyo!" At hinila nya si gail patayo.

"Wow ha!grabe ka rence!kapal,gusto pa talaga sa gitna?"

O___0

I-ibig sabihin magkakilala sila at s-siya si rence?si terrence?

Umupo siya at tumingin sa akin at saka nginitian ako.

"Diba dito naman talaga ako?"

"A-ah-e"

"Hay naku! Sige na dyan ka na. Dami pang Satsat."

Umupo na rin si gail dahil wala narin naman syang nagawa.

"Bakit ka nga pala nandito?nagshift ka ba?"

"Hindi,gusto ko lang pumasok dito,pero iyon pa rin ang course ko."

"Ahhhh..ay nakalimutan ko palang ipakilala ka sa kaibigan ko.jaivee sya si terrence,pinsan ko,at rence ito naman si jaivee"

Nagkamay kami,nakakatawa kasi kahapon pa kami magkatabi pero hindi pa kami nagkakilala ng lubusan.

"Hi,jaivee pala name mo,cute.nakakatawa kasi kahapon magkatabi tayo pero hindi kita kilala"

Maya-maya ay kinuha nya ang sketch pad nya at nagdrawing ng kung anu-ano.

"Yan ang libangan nya,ang magdrawing ng magdrawing,boring nga yan eh."

Natawa ako kasi inirapan sya ni terrence,dumating na din ang prof namin at nagsimlang magklase,nang matapos ay lumabas na kami para tumambay,ganito naman dito dahil hihintayin pa ang susunod na klase,kaso mahaba nga lang ang mga pagitan.

Sumama sa amin si terrence kasi mamaya pa naman daw ang start ng klase nya.

"Wait lang jaive.."

Napatingin si gail sa nakapaskil na bulletin board.

"Naku,start na ng audition para dun sa theater club,kailangan makapunta tayo dun,tiyak marami ang pupunta para mag audition,tara na jaivee."

Kinabahan akong bigla,sigurado ba ako na sasali ako sa theater club?

Baka pagtawanan lang nila ako,at baka hindi mababait ang mga makasama namin doon,

Kaso nasabi ko na kay gail na sasali ako.

"Sasali kayo dun?alam ko si gail magaling umarte,peeo si jaivee marunong ba sya?"

Oo nga,hindi ko rin alam kung marunong akong umarte.

"Alam ko rence ang pag-arte,nasasanay yan,alam mo ba kung ano ang meron dito kay jaivee kaya pinipilit ko sya? Magaling sya kumanta.at ang alam ko parang musical ang tema ngayon sa theater."

Tumingin sa akin si terrence na nakatawa
"Talaga marunong ka kumanta?sana minsan marinig ko yung boses mo."

Yumuko nalang ako,hindi ko alam..pag nakatingin sya sa akin parang matutunaw ako.



To Be With YouKde žijí příběhy. Začni objevovat