"Mahal ang bayad neto ha!" tapos humalakhak siya at inayusan ang mukha ko. "Ay kahit magpulbo ka lang, ayos na pala. Wala nang dapat ayusin sa mukha mo kasi ayos na!"

Loko talaga itong si Kibum. Umiling nalang ako at lumabas na kami ng kwarto. Nauna nang umalis silang apat papunta sa venue daw ng kasal, kasabay ko kasi sina Mommy at Daddy na nakaabang sa sala namin.

Nakita kong naiiyak si Mommy pagkababa ko. Si Daddy naman, tahimik lang. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa, mga magulang ko. Agad namang tumayo si Mommy at niyakap ko tapos tumulo na ang mga luha niya. Ano ba yan, bakit may ganitong iyakan? Hindi naman kabaong yung pupuntahan ko, kasal diba?

"Anak, ikakasal ka na." sabi niya. "Gusto ko, maging responsableng asawa ka kay Jaehee. At syempre, responsableng ama sa mga magiging anak niyo sa FUTURE. Sa future muna ha. Wag muna masyadong excited."

Natawa naman ako doon.

"Thank you, Mom."

"Thank you, Dad." Tumayo si Dad at lumapit sa amin at bigla nalang din akong niyakap. Gulat naman ako doon.

"I never thought na ganun kabilis darating ang araw na ito. You were just an innocent little boy na naglalaro ng high jump... And in a snap, heto't ikakasal ka na." sabi ni Dad.

Ngumiti lang ulit ako. Wala akong masabi. Shocks.

"We want you to know how proud we are to have you, Taejoon. You're the biggest miracle given to us by God..." dagdag ni Dad. "You've made your own miracles, lalo na sa high jump. Pero ngayon, it's about time to make your own miracle in life, kasama si Jaehee."

Tae. Naiiyak na ako.

"Mom and Dad love you so much, anak."

Tumulo na ang luha ako.

"I love you, more. Mom and Dad..."

***

Nakarating kami sa simbahan. Marami nang tao doon. Mga kaibigan namin ni Jaehee, mga classmates, mga tao sa Genie High, si Kuya Daniel at si Coach! Si Coach Johnny. Nabunutan ako ng tinik, akala ko kasi mauunahan ako ni Jaehee dito sa simbahan. Nakakahiya naman yun diba? Kapag yung groom ang na-late.

Pinalibutan ako ng mga kaibigan namin. Ang mag-asawang Eungyeol at Hanna. Ang apat na baliw kong kaibigan. At ang apat na babaeng kaibigan din namin. May mga bumabati pa rin sa pagkapanalo ko sa World Junior Championship pero mas maraming bumabati dahil syempre sa kasal namin ni Jaehee sa surprise.

Promise! Wala akong alam dito. Halos hindi pa nga ma-process ng utak ko, buti nalang at medyo maayos ang estado ng utak ko ngayon at hindi naman ako ganun ka-bangag. Dahil siguro nakatulog ako kanina kahit papano.

"Taejoon, nandyan na ang bride mo." sabi ni Hanna. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil sobrang kinakabahan ako. Ito na ata ang pinaka-nakakakabang pangyayari sa buhay ko. Parang isang-daang World Junior Championship ang pinasok ko.

The next thing I know, nakatayo na ako sa may altar at pinapanood ang babaeng pinaka-mamahal ko na nagmamartsa sa gitna ng simbahan, kasama ang kanyang mga magulang. Diretso ang tingin niya sa akin, ganun din ako sa kanya. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Ang ngiti niyang napaka-ganda, at nakakahumaling. Yun na yun pa rin yung ngiting nakapagpatibok ng puso ko noon, na siya pa ring nagpapatibok ng puso ko hanggang ngayon.

Nakatayo na sila sa harap ko. Niyakap ako ni Tito Minwoo at ni Tita Sojeong bago nila tuluyang ibigay ang kamay ni Jaehee sa akin. Nakita ko pang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Tita Sojeong. Talaga bang ganyan ang mga ina kapag ikinakasal ang mga anak nila? Nagiging emosyonal? Aish. Nevermind! Kasal ko ngayon! Focus!

Hinawakan ko nang mabuti ang kamay ni Jaehee. Baka kasi takasan ulit ako eh. Saka ko inilagay iyon sa braso ko bago kami humarap at naglakad papunta sa altar.

"Ito ba ang pinagkaabalahan mo nang isang buwan kaya hindi ka nagpakita sa akin agad pag-uwi mo?" pabulong kong tanong.

Tumango lang siya at ngumiti. "Surprise!" tapos tumawa pa siya.

"Na-surprise talaga ako. Hindi ko inexpect ito. Ni hindi pa nga ako nagpropropose sa iyo diba? May kasal agad?"

Hindi na siya umimik at tumitig lang sa akin.

"Mamaya na yang daldalan niyo! Magkasal na kayo!" rinig kong sigaw ni Eungyeol at nagtawanan ang lahat ng bisita. Loko rin talaga ang lalaking iyon.

"Sige, mamaya nalang Jaehee. May surprise rin ako sa iyo after ng wedding natin... sa honeymoon." Tapos kinindatan ko siya at namula naman siya. Hahaha. Ikakasal na nga kami at lahat-lahat, nagbblush pa rin siya.

Ngumiti lang ako at saka hinintay magsimula ang pari.

"We are gathered here today to witness the joining of two lives... of two hearts... The lives and hearts Kang Taejoon at Goo Jaehee..."



-fin-


——-

For the Book 2, juct click the "External Link".

Marrying My Ex [MinSul]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang