"A-alam naman po namin ang limitations namin, Mom. Tsaka, isang kiss lang naman yun. Alam niyo naman kung g-gaano ko namiss itong babaeng ito diba?"

Ngumiti si Mommy. Pagagalitan niya kaya kami? Grabe, parang isang kiss lang!

"I know. And I trust the both of you. Kaya nga pinatira kayo sa iisang bahay diba?" Whew. Nakahinga ako ng maluwag doon!

"Wait, akala ko ba inaantok ka, TJ? Bakit hindi ka pa magpahinga?"

"Oo nga po. Aakyat na po kami ni Jaehee." Hinila ko si Jaehee paakyat.

"Limitations, anak. Limitations."

"Yes, Ma."

Pagdating sa kwarto ko, agad kong isinara ang pinto at humiga sa kama ko. Sobrang antok na antok na ako eh. Ngayon ko nalang ulit nafefeel. Si Jaehee naman, nakatayo lang doon at nakatingin sa akin.

"Di mo ba ako tatabihan?" sabay tapik sa kama.

"H-ha?"

"Higa na, dali. Tabihan mo ako." sabi ko habang nakapikit. Ilang sandali lang ay naramdaman kong gumalaw ang kama at humiga sa tabi ko si Jaehee. Hinanap ko ang katawan niya saka siya hinila para mayakap ko. Niyakap niya din ako. Tahimik lang kami, rinig ko ang paghinga niya. Wala na rin akong lakas para makipagkwentuhan pa sa kanya.

Pero bago pa man ako nakatulog nang tuluyan, hinalikan ko muna siya sa noo at saka ibinulong, "Gusto ko, paggising ko, ikaw ang una kong makikita ha. Wag mo ulit akong iiwan..."

Humigpit ang yakap niya sa akin, at nakatulog na ako ng bongga.

***

Nagising ako dahil sa tunog ng pinto na bubukas tapos sasara. Paulit-ulit. Lalo akong nagising nang marealize kong nawala si Jaehee sa tabi ko. Napabalikwas ako pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kaibigan kong baliw sa loob ng kwarto ko. Puro sila naka-ayos. May party ba?

"Good morning, Kang-Kong!" sabay-sabay nilang bati.

"Anong.. Anong ginagawa niyo dito? At nasaan si Jaehee?!"

"Tumayo ka na diyan at maligo ka na, dahil kung tatanga ka pa diyan, magsisisi ka." sabi ni Jonghyun at hinila nila akong apat patayo. Nakakunot ang noo kong pumasok sa banyo pero feeling ko dapat ko silang sundin. Pero nasaan na naman si Jaehee?

Paglabas ko ng banyo at nakangisi silang apat at parang mga ewan na nakaabang doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang hawak ni Kibum.

"A-ano yan?" turo ko sa hawak niya. Nakangisi pa rin sila at base sa mga porma nila ngayon, alam ko na kung ano ang mangyayari.

"Isuot mo na yan." Iniabot ni Kibum sa akin ang suit na hawak niya. "Mamahalin yan. Ipinagawa pa ni Jaehee sa kakilala kong fashion designer sa France yan."

Napalunok naman ako at pinagmasdan ang suit.

"Dalian mo na kung gusto mo pang makasal kay Jaehee!" sigaw ni Taemin.

Agad naman akong nagbihis. Dahan-dahan kahit nagmamadali ako sa pagsuot ng suit ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin sa pader at kitang-kita ko kung gaano kabagay sa akin ang suot ko ngayon. Saktong-sakto ang size, para bang sinukatan ako gayung hindi naman talaga.

Nakangiti pa rin yung apat pagkakita nila sa akin.

"Ikakasal ka na talaga..." tanging nasabi ni Jinki. Ngumiti lang ako.

"Umupo ka muna at aayusan ko ang mukha mo." sabi ni Kibum.

"Make up artist ka na ngayon?" tanong ko.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now