F O R T Y - S E V E N

269 19 5
                                    






Rose's POV


"Rose!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Nakita ko si Jimin na palapit sa akin at bigla akong inakbayan, ngumuso naman ako at tiningnan siya ng masama

"Mamaya na Rose, kung gusto mo ng halik, raramihan ko mamaya." Bulong niya kaya nasapak ko kaagad siya.

"Yah! Sino ka para halika ako ah?!" Reklamo ko.

Nasa botanical garden kaming dalawa ni Jimin, nagpapalipas ng oras, Lunch kasi namin.

Tumayo na ako at naglakad paalis, hindi na ako nagpaalam sa kanya no.

Malapit na rin kasi ang Time.

Nakapasok na ako ng Campus ng may nakasalubong ako, si Jeric pala.

"Uy Rose, papunta ka na sa classroom?" Tanong niya sa akin, nginitian ko siya.

Kaklase ko si Jeric, kaso type niya si Cheska. Ahueahueahue

"Papunta na rin ako dun, ikaw?" Tanong ko.

"Ah wala, sabay nalang tayong pumasok?" Aya niya, hindi naman ako tumanggi.

Nagsimula na kaming maglakad nang mat umakbay nanaman sa akin at tiningnan ko kung sino yun,

ano nanaman ba ang kailangan niya? Hindi kami magkaklase ah.

"Hi babe." Sabi niya pa, napa irap ako.

Tumigil si Jeric sa kakalakad at hinarap kaming dalawa.

"Kayo na?" Sabi niya at tinuro pa kaming dalawa.

Sasagot sana ako nang hindi nang naunahan na kaagad ako ni Jimin.

"Oo kami na, kaya layas ka na." Harsh niyang sabi kaya siniko ko siya

Walang hiya siya.

"Ahm, s-sige rose, una na ako ah." Sabi niya pa

"Sige Jeric, pasensya na pala!" Sagot ko bago pa man siya tuluyang umalis.

Hinarap ko si Jimin at sinamaan siya ng tingin.

"At sinong may sabi na Boyfriend kita?!" Pagmamaktol ko, nilagau niya Lang ang kamay niya sa bulsa niya at cool akong tiningnan.

"Bakit naman hindi diba? Gusto mo ako, mahal kita. Papatagalan pa ba natin to? Tayo na uy." Sabi niya at tumawa

Bigla namang naginit ang pisnge ko.

"Anong pinagsasabi mo diyan?! Una na nga ako." Tinalikuran ko na siya at akmang hahakbang paalis nang hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Wala bang goodbye kiss diyan babe?"
Tinabig ko ang kamay ko.

Ew, mandiri nga siya. Yuck.

"Kiskisin ko yang mukha mo eh, wag mo nga akong tawaging babe!" Sabi ko at pinalayo ang mukha niya sa akin, masyadong malapit eh!

Tiningnan ko siya, at nag puppy eyes siya sa harapan ko, wtf? Hindi cute, hot.

"Eh ano ang gusto mong itawag ko sa'yo? Honeybunch?" Ani niya.

"Hindi"

"Jagi?"

"Hindi"

"Yeobo?"

"No"

"Sugar Pie?"

"Ew"

"Bebe ko 69?"

"Mandiri ka Park Jimin!"

"Ang taas naman niyan Babe."

"Ayoko nga ng babe!"

"Ano ba ang gusto m" hindi na siya natuloy nang nag ring na ang bell.

Nagpanic kaagad ako at nagmadaling pumunta ng classroom. Bago pa man ako makapasok ay hinarabgan nanaman ni Jimin ang daan ko.

"Ano ba Jimin?! Ma la-late ako!" Imbis na sagutin niya ako ay nagkibit balikat lang siya.

Tiningnan ko ang ibang kaklase ko na pumasok sa room, hindi manlang ako tinulungan!

Dumaan ako sa kaliwa niya pero umurong rin siya sa kaliwa, ganon rin sa kanan.

"Ano ba gusto mo Park Jimin?! Terror teacher namin ngayon ano ba!" Pagmamaktol ko sa harapan niya.

Wala nang tao sa hallway pero nandoon parin siya.

Tiningnan ko siya, nakita ko nalang na umurong siya at tinuro sa akin ang daan papuntang classroom.

"Salamat naman, baka malate pa a" hindi ako natuloy pumasok nang nakatayo lang siya sa harapan ko at nakatingin sa akin. Hindi ba siya papasok?!

"Pumasok ka na Jimin!" Sabi ko.

Umiling siya at napa face palm ako

"Ano ba ang gusto mo?" Tanong ko.

Tinuro niya naman ang pisnge niya, ano? Halik? Pwede ba? Ang corni niya na ah.

"Halikan mo sarili mo!" Papasok na sana ako nang nag salita siya

"Hindi ako papasok sa klase ko, at ma rereport ako sa guidance, ikaw ang bibintangin ko, sige ka."  Pagbabanta niya.

Seriously?

"Napaka childish mo Park Jimin!"

Imbis na sagutin niya ako ay, tiningnan niya lang ako at hindi kumibo.

Linapitan ko siya.

"Pwede ba? Mamayang dismissal nalang, promise. Papaliguan kita ng halik." Pagbibiro ko. Asa naman siyang hahalikan ko talaga siya no.

"Talaga?" Manghang sabi niya.

"Oo nga, promise." Nakakatawa siya, akala niya talaga hahalikan ko siya? Asa

Ngumiti siya ng malapad bago pa man tumakbo paalis.

"Halik ko ah?!" Sigaw niya galing sa malayo.

Napa iling nalang ako, mabuti nga at wala nang tao sa hallway.

Pumasok na ako sa classroom, pagtingin ko nakatingin na ang kahat sa akin, nakita ko si Cheska.

Nginitian ko siya, pero napawi ang ngiti ko nang nakita ko si mr. Benjamin na masamang nakatingin sa akin.

"Oh, late? Care explaining Ms. rose?" Napakamot ako sa batok ko.

"Kasi po si J--" hindi ko namanh pwedeng sabihin na dahil kay Jimin eh.

"What?"

"Sorry po sir, hindi na mauuli-"

"No, doon ka mag stay sa advisory  class ko."

Napanganga ako literal. Class ni Jimin ang handle niya eh.









>>
Ang lame ng update na to, mamaya, update nanaman ako pramis :>

New book cover :>> Ahue

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Where stories live. Discover now