T W E N T Y - N I N E

288 20 2
                                    




Jimin's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis si Rose sa bahay, iniwan niya ang mga gamit niya dito, sabagay may gamit naman din siya doon sa bahay niya.

Tinatawagan ko rin siya pero hindi naman ma contact, ganon na ba kalaki ang kasalanan na nagawa ko sakanya para iwasan niya ako?

Nagsimula narin ulit ang klase kaya heto ako ngayon naglalakad sa hallway at inaabangan ang mga ulol kong kaibigan nang nakita ko si Rose na kausap si Jungkook sa Garden, sila na ba ulit? Bakit ba kasi ang hina hina ko? Bakit ko ba kasi siya sinabihan na pinsan ko siya? Ganyan na ba ako ka tanga? At higit sa lahat, bakit ko siya hinalikan? Urgh problema mo na to ngayon Jimin, gago ka kasi.

Tumakbo ako papunta Garden at pumunta sa pwesto nila rose, nandoon sila sa bench at nagtatawanan. Ouch naman.

"Oh eto pa isang Joke."

"Tama na nga Jungkook, ang kulit mo eh HAHAHAHA."

"Hindi, may isa pa ako rose eh"

"Sige nga."

"Ano ang k-"

Hindi natuloy si Jungkook sa sasabihin niya nung sumingiti ako sa eksena, mahirap na, baka masuntok ko pa itong ilong na to, wala pa naman akong karapatan na suntukin siya.

"Ehem." Pag agaw pansin ko sakanila kaya napatingin naman silang dalawa sa akin, tsk gwapo ko talaga.

Tiningnan ko si Jungkook na nakangiti habang si Rose naman ay walang ekspresyon na pinapakita.

"Oh hyung! Kanina ka pa ba diyan? Upo ka" sabi ni Jungkook at tumayo para makaupo ako pero umiling lang ako kaya bumalik naman siya sa pag upo.

"Ahm, bago lang ako dito, Punta ka mamaya sa tambayan Jungkook?" Pag bibigay ko ng topic, wag nating diretsuhin si Rose.

"Hindi siguro hyung eh, pakisabi sa kanila may lakad kami ni Rose." Sabi ni Jungkook at lumapit kay rose para akbayan ito, aray naman.

"G-Ganon ba? Sige sasabihan ko sila hyung," sabi ko pero ngumiti lang siya, linagay ko ang kamay ko sa bulsa ko para cool parin ang tingin.

"So asan pala kayo pupunta mamaya?" Tanong ko na parang walang pake pero sa loob looban ko ay willing naman akong malaman ang sagot niya.

"Ah wala lang, pasyal pasyal lang hehe." Sabi niya at ginamit ang free hand niya para maabot ang batok niya.

"Eh kung hindi naman yun importante pumunta ka nalang muna sa tambayan mamaya? May sasabihin daw si Jin hyung eh." Pagpapalusot ko para hindi matuloy ang lalakarin nila. Jimin dumadamoves 101 ito uy.

"Ah, sige na hyung gusto ko l-" hindi natuloy ang sasabihin ni Jungkook nung pinigilan siya ni Rose

"Di, okay lang kookie, sige punta ka nalang sa tambayan niyo mamaya baka importante ang sasabihin ni Jin Oppa sayo eh."

Nga pala, close na rin si Rose sa barkada ko dahil dinadala siya ni Jungkook doon palagi, at doon narin ako nag sstay sa dorm namin mag ka-kaibigan since wala naman si Rose sa bahay, pero seriously, gusto ko siyang bumalik.

"Sure ka ba?" Tumango lang si Rose bilang sagot sa tanong ni kookie.

Ilang sandali ay lumapit dito si namjoon hyung at hinawakan ang magkabilang balikat ko galing sa likod.

"Jungkook, tawag ka ni Ms, Luchi! Punta ka daw sa office niya, ngayon na!" Yes naman salamat namjoon hyung you're mah hero.

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora