N I N E T E E N

526 37 2
                                    

N I N E T E E N


Third Person's POV

"Jimin/hyung." Sabay na banggit ni Jungkook at ni Rose nang nakita nila si Jimin na nakatayo sa harapan nila.

Hindi alam ni Jimin kung ano ang kanyang sasabihin dahil hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang damdamin, charnest.

"Jungkook." Yun nalang ang nasabi niya sa binata at binigyan ng walang emosyon na sagot.

Umalis si Jungkook sa tabi ni Rose at tumakbo papunta kay Jimin at niyakap ito, dahil sa saya na nakita niya na si Rose at sa lungkot na hindi siya ito nakikilala. Shet jikook.

"Hyung! Sawakas nakita ko na rin si rose! Hyung! Ang saya ko!" Sabi ni Jungkook habang nakayakap parin kay jimin samantalang si Rose ay nakatingin lang sakanilang dalawa.

Umalis na sa pagkayakap si Jungkook at hinarap na ang kanyang hyung.

"Hyung, pero bakit ganon? Bakit di' niya ako nakikilala?" Tanong ni Jungkook at nagbago ang ekspresyon nito, galing sa masaya ay naging malungkot. Bipolar na bata.

"Jungkook...." Hindi makasagot si Jimin dahil sa paulit ulit bumabalik sa kanyang isipan ang nakita niya kanina.

Ang sakit makita si Rose at Jungkook na halos magkahalikan.

Sabi ni Jimin sa utak niya.

Magsasalita pa sana si Jungkook pero inunahan na siya ni Rose.

"Jimin, pwede ba tayong mag usap?" Sabi ni Rose kay Jimin at bahagyang nilingon muna si Jungkook.

"Jungkook, pwede muna kami mag usap ni Jimin?" Pakiusap ng dalaga sa binatang may malaking ilong.

Bago sumagot si Jungkook ay tiningnan niya muna si Rose at Jimin na parang nalilito.

"S-Sige, a-akyat muna ako." Sabi ni jungkook pero huminto muna siya sa tabi ni Jimin at may binulong.

"Hyung, kwento mo mamaya sa akin ang napag-usapan niyo ah? Atsaka, akin yan hyung." Pabulong na sabi ni Jungkook sa may tenga ni Jimin at tama lang para hindi marinig ni Rose.

Tumango lang si Jimin at tuluyan ng umakyat si Jungkook sa kwarto ng pandak na unano. Nang nakarinig na sila ng sira ng pinto ay nagkatitigan lang sila sa isa't isa.

"Pwede doon tayo sa garden?" Request ni Rose kay Jimin at tumango lang si Jimin bilang sagot.

Nauna na si Rose naglakad papuntang Garden at umupo na sila doon sa may lamesa, nahiya ang Dalaga sapagkat nalimutan niyang ayusin ang mga gamit niyang ginamit nung nagpinta siya.

Habang inaayos ni Rose ang mga gamit niya ay tinitingnan lang siya ni Jimin, hindi manlang tinulungan -,-

"Nagpaint ka?" Tanong ni Jimin at pinulot ang painting palette na nahulog sa mesa.

"Ah, oo." Maikling sagot ni Rose habang pinupunasan ang mga tinta ng pintura sa mesa gamit ang tissue na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Nang matapos na silang, SIYANG maglinis ay umupo na sila ng maayos at nagharap harapan, interview kuno.

"Kailang ka nagpaint?" Pag open ng topic ni Jimin nung napansin niyang walang nag iimikan sa kanila.

"Ah, eh kanina lang." Sabi ni Rose at yumuko dahil hindi niya kayang makatingin sa mga mata ni Jimin dahil naiilang siya, ang rami niyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung saan magsimula.

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Where stories live. Discover now