F O R T Y - O N E

203 17 1
                                    






Natapos na kaming mag swimming pero wala parin si Jungkook at kasama ko si Jimin buong magdamag.

Ngayon, nakaupo kami dito sa pool counter, wala paring tao.

"Soooo." Pagbasag niya sa katahimikan kaya napalingon ako sakanya

"So what?" Tanong ko

"Pwede ba kitang matanong?" Tanong niya kaya tumango lang ako

Well, to be honest gusto ko sana siyang biruin eh pero parang seryosong seryoso siya kaya wag nalang. Mehehe.

"Wag kang mabigla ah?" Paghahamon niya

"Sige na! Baka magbago pa ang isip ko at sabihing wag mo na yang itanong." Natatawa kong sabi.

"Sure?"

"Wag nalang kaya? Bilisan mo na kasi! Ano ba yang tanong mo?!" Napa sigh naman siya at tiningnan ako.

"Kayo na ba ni Jungkook?" Natawa ako ng konti sa sinabi niya.

Bakit? Ano ba ang mapapala niya pag kami na ni Jungkook? Pero hindi pa naman kami eh. Mabiro nga tong pandak na to.

"Oo eh." Nakangiti kong sabi

Tiningnan ko siya at para siyang binagsakan ng langit at lupa sa mukha niya, ano ba ang nangyayare sa kanya?

Wag kong sabihin sa akin na- na-

May gusto siya---

KAY JUNGKOOK?! Haluuugh!!

"Uy, bakit ganyan ekspresyon mo? Wag na wag mong sabihin sa akin na gusto mo si Jungkool at nagseselos ka sa akin" sabi ko sakanya kaya tiningnan niya ako ng natatawa

"Seryoso ka na diyan rose? Si Jungkook? Hahaaha! Hindi ako bakla no!" Sabi niya at tumawa

Bipolar na bata nga naman talaga itong isa to.

"Eh bakit ka ganyan maka react nung sinabi kong kami na?" Tanong ko

"Uhmm... Eh, kasi.. Mas nauna nang mag girlfriend si maknae kaysa sa akin! Oo tama ganon! HEHEHE." Sabi niya at tumawa, hindi naman siya halata na kinakabahan no?

"Makakahanap ka rin ng para sa'yo Oppa!" Masayang tugon ko sakanya

"Ikaw naman ang nagpapasaya sa akin eh."
Ano daw? Sorry pero hindi ko narinig eh.

"Ano? Hindi kita narinig, pakiulit."

"Wala naman akong sinabi ah?!"

"Meron eh! Yung isa, sige na nga ano ba yun?!"

"Walaaaa!"

Tumigil nalang ako dahil alam ko namang talo talaga ako diyan sa pandak na yan. Humanda lang talaga siya sa akin BWAHAAHAHA.

"Jimin! Rose! Halina kayo sa cottage handa na ang pagkain!" Sigaw ni Jin oppa galing doon sa entrance ng pool.

"Susunod na po kami hyung!" Sigaw pabalik ni Jimin

Tiningnan niya ako

"Hali ka na?" Tanong niya sa akin pero umiling lang ako.

"Wag na muna, hihintayin ko pa si Jungkook eh." Sabi ko

Sabi kasi sa akin ni Jungkook bago siya umalis ay babalik siya. Mag swi-swimming pa kami diba?

"Ganon mo ba talaga siya kamahal?" Kita sa mukha niya na dismayado siya, nadala narin ako sa mga tingin niya at hindi ko alam ang pinagsasabi ko

"O-Oo." Asang lumalop kaya yan nanggaling?

"Sige, una nalang ako. Sunod na kayo." Mahina niyang sabi kaya tumango lang ako.

Feeling ko may problema si Jimin eh, ang bigat ng nararamdaman niya.

Umupo ako sa gilid ng pool at hinayaang mabasa ang paa ko sa tubig

Liningon ko ang orasan sa counter.

5:48 pm

Teka, eh nung umalis siya 1:00 pm pa yun eh, bakit kaya ang tagal tagal niya?

Bahala na nga, maghihintay parin ako. Baka traffic lang talaga kanina eh.

Lumipas ang dalawang oras at palagi akong nagnanakaw ng tingin sa orasan pero wala paring Jungkook na dumadating.

*kruuuu*

Nagugutom na ako, pero naisipan kong kumain nalang kasama si Jungkook. Asan na ba yun?

Binuksan ko ang phone ko at kahit isang message galing sa kanya ay wala akong na recieve

To: Jungkook
Asan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito.

Sent!

Tinitigan ko ang cellphone ko at naghihintay ng reply pero umabot nalang ng isang oras ay wala parin akong na re-recieve.

Time check: 8:45 pm

Gusto ko nang kumain, gutom na gutom na talaga ako, plus pagod ako galing sa swimming.

Ang lamig lamig pa ng panahon

Umahon ako sa tubig at umupo sa mini cottage dito sa pool.

Naghihintay parin kay Jungkook.

Asan na ba yun? Promise ang tagal tagal niya talaga.

8:50pm

9:10 pm

9:45 pm

9:57 pm

10:30 pm

10:45 pm

Naiiyak na ako, ilang oras na akong naghihintay dito at wala paring Jungkook na nagpapakita.

Sbai niya babalikan niya ako diba? Naiinis ako sakanya.

Napa crouch ako at niyakap ang tuhod ko, ang lamig lamig, naka swim suit pa ako.

Maya maya ay may naramdaman akong jacket sa likod ko, tumingala ako at halos maiyak na ako.

Kinain ko ang lahat ng sinabi ko.

"Jimin." Bago ko siya niyakap at sakanya ako umiyak ng umiyak.










>>>
Pagalitan niyo ako! Late update na nga short pa HUHUHUHU aym so sorry! Marami pa kasi akong stories at hindi ko naman dapat yun baliwalain kaya peash shayuuu

4K na! Yeheeeet!

Love you all :*

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Where stories live. Discover now