T W E N T Y

537 30 5
                                    

T W E N T Y



Rose's POV

Pagkatapos naming magusap ni Jimin ay umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan si Jimin sa Garden, naiinis lang ako, take note, mag pinsan kami, PINSAN. Cousins. Pero may gana pa siyang manghalik sa akin? Ugh!

Ano ba talaga tong nararamdaman ko? Basta ang alam ko, naiinis ako, inis na inis! Ugh!

Pagka-akyat ko ay nakita ko si Jungkook sa loob ng kwarto ko, nakahiga siya sa kama at nakatingin sa Tv, wait whut?

"Oy! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko sakanya kaya napatingin naman siya sa akin.

Imbis na sagutin niya ako ay nginitian niya lang ako at tinapik ang gilid ng kama na parang sinasabi na ' umupo-ka-dito' kaya tumungo naman ako doon sa tabi niya at humiga kasama siya.

Pinatay niya ang TV sa loob ng kwarto ko at hinawakan ang kamay ko na sadyang kinagulat ko, bakit parang may kuryente na ewan? Ugh.

Tinitigan ko lang siya habang nilalaro niya ang kamay ko habang ini-interwine ito sa kamay niya.

"Hindi parin akong makapaniwala na nakita kita, ang saya ko, pero..... Malungkot rin." Sabi niya at tiningnan ako ng seryoso.

"bakit ka naman malungkot?" sabi ko.

"kasi, Hindi mo ako nakikilala." sabi niya kaya nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, alam kong nasasaktan siya, sorry.

"S-Sorry Jungkook" sabi ko at ako na ang humawak sa kamay niya ngayon. kaya nakita kong nabigla siya.

"Okay lang, basta tutulungan kita ah?" sabi niya at sumandal sa headboard kaya medyo mataas n a siya sa akin at hinalikan niya ang ulo ko habang nakahawak parin ang kamay naming dalawa, ang sweet niya, kaiyak bhe ;;

"Salamat Jungkook." sabi ko at yumakap sakanya.

"dapat si Hyung din pinapasalamatan mo, dahil kinupkop ka niya habang nagkasakit ka kahit hidi naman kayo related sa isa't -isa." sabi ni Jungkook kaya pumiglas ako sa yakap niya.

Teka? hindi niya kilala si Jimin? Hindi niya alam na magpinsan kami?

"teka, hindi mo alam?" sabi ko sakanya at napakunot naman ang noo niya.

"alam ang ano?" tanong niya, ay hindi niya talaga alam. Hindi ba kinukwento ni Jimin sa mga kaibigan niya ang pamilya niya?

"Mag Pinsan kami ni Jimin, Jungkook." sabi ko kahit labag sa damdamin ko, dahil ibang sparks ang naramdaman ko ning hinalikan niya ako, kahit smack lang yun at para mapatahimik lang ako, halik parin yun. nagka dikit parin ang mga labi namin dfq.

"weh? wag kang magbibiro rose." sabi niya at umaktong tumatawa.

"bahala ka." sabi ko at akmang tatalikod sa kanya pero hinarap niya ako at pinisil pisil ang pisnge ko

"cute, cute talaga ng Girlfriend koo~" sabi niya, so kami parin? pero hindi ko ngang makayang masabihan siya ng i love you too.

"so totoo?" dagdag niya at tumango lang ako.

"Wow! hindi manlang pinakilala sa amin ni hyung na may magandang maganda siyang pinsan na mahal na mahal ni jeon jungkook." sabi niya at yinakap nanaman ako ulit, yung totoo? teddy bear ba ako?

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon