F O R T Y - S I X

245 22 6
                                    




Rose's POV

Tulala akong nakatingin sa baso ko.

Apat na araw na simula nung umalis si Jungkook, gusto ko man siyang pigilan pero ayaw kong maging selfish sa ikinabubuti niya.

Hindi rin naman kasi inakala na basta basta nalanh siyang susuko.

"Matutunaw ang baso niyan." Natauhan ako nung nagsalita si Jin.

Tiningnan ko siya ng walang ekspresyon sa mga mata ko.

"Ah?" Tanong ko sakanila.

Napa face palm nalang ang iba at ang iba naman nag sigh lang.

Nasa dorm ako ng barkada, madalas na ako dito eh.

Bumalik sila sa kanya kanya nilang gawain nang lumapit sa akin si Jin.

"Bakit all of a sudden, hindi ka na masyado kumikibo Rose? Madalas ka ring tulala. Ok ka lang ba?" Tiningnan ko siya, tumawa ako ng pilit, rason kung saan napatingin sa akin ang lahat.

"Hahahaha! Ano ka ba naman, siyempre ok lang no! Hahhahaaha." Hiyaw ko, ang sakit parin sa dibdib, na may napa alis kang tao.

Lumapit sa akin si Taehyung.

"Hindi ko alam, mas saltik pa pala ang ulo mo kesa sa akin Rose!" Proud niyang sabi at tumawa, ngumiti lang ako.

"Ok lang ako, o-ok lang!" Napa sigaw ako.

Lumapit si Namjoon sa akin at ponat ang likod ko. Tumawa nanaman ako ng mahina.

"Wala kang maloloko dito rose, alam kong may saltik rin ang mga utak namin paminsan minsan, pero parang mas malakas ang tama nyang sa'yo eh, tumatawa ka, sabay iyak? Yung totoo?" Tiningnan ko ailang lahat, nakatingin sila sa akin.

Si Jimin, halata sa mga mata niya na nalulungkot siya.

Si Taehyung, Hoseok, Suga at Namjoon alam kong nag aalala na sila kagaya kay Jin Oppa.

Umupo na silang lahat sa sofa at ako itong nakatingin lang sakanila habang nakaupo sa counter bar.

Kinuha ni Jin ang cellphone niya at may tinawagan.

"Wala pa rin eh." Sabi niya.

"Asan na ba yun si Jungkook? Bakit pabigla bigla nalang siyang umaalis?" Proclama ni yoongi.

Tinitingnan ko lang sila, not uttering a word

Na gui-guilty ako, dahil sa akin pari ang tinuring niyang pamilya iniwan niya.

"Sabihan na kaya natin si Ms. Jeon?"

"Wag, alam mo namang OA rin yung eomma ni Jungkook, baka tayo pa ang akusahin."

Nakaramdam ako ng likido na tumulo sa kaliwa kong mata, dahil sa akin naghihirap silang hanapin si Jungkook.

Kasalanan ko ito lahat eh.

Pinahidan ko kaagad yun, sakaling makita nila akong nagkakaganito, ayaw ko silang mag alala.

Napa sigh silang kahat at binagsak ang mga katawan sa sofa

Humarap ako sa mesa at doon ako nanghina nang may nakita akong papel na nakadikit sa gilid ng counter.

Kinuha ko yun, at binali ang tingin ko sakanilang pito. Nakapikit sila na para bang nas-stress na sa mga nangyayare.

Hindi ko silang gustong ma alarma sa tawag ko kaya binasa ko na kaagad ang letter sa harapan nilang lahat.

"Hyung,"
Simula ko kaya napabangon silang kahat at nakatingin sa akin, tinabunan ko ang mukha ko gamit ang papel para hindi maiyak.

"Salamat sa lahat lahat! Lalo na ka Jin hyung, gustong gusto ko yung mga niluluto mo eh. Aalis muna ako saglit ah? Kasi tinawag ako ni Appa sa Canada, bonding bonding rin kami ng kapatid ko doon, babalik ako hyung! Wag kayong mag alala. Oy Jimin nognog huwag mong pakialaman ang vitamins ko na ginagamit ko pangpatangkad, baka habang buhay ka na ganyan hyung, wag ka nang umasa na tatangkad ka pa. Mahal ko kayong lahat! See you soon!" Naiyak na ako at tinabunan ang mukha ko gamit ang kamay ko.

Naramdaman ko nalang isa isa silang kumapit sa akin at hinagod ang likod ko, si Hoseok, kinuha ang letter at binasa yun ulit.

"Hindi ko naiintindihan kung bakit ka umiiyak Rose, dahil ba wala si Jungkook dito o dahil hindi na tatangkad si Jimin." Binatukan naman ni Yoongi si Taehyung sa mga pinag sasabi niya.

"Gago ka talaga, umiiyak siya fahil wala kayong mga swaeg." Si yoongi nanaman ang naka tanggap ng batok kay Jin.

Tumayo ako at hinarap silang lahat, nakatingin sila sa akin na para bang hindi alam anh gagawin

"Pasensya na, k-kailangan ko nang u-umuwi." Humihikbi kong sabi at tumakbo palabas ng dorm nila.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa wala na akong naisip na gawin kundi hawakan ang magkabilang tuhod ko habang humihingal at ang mga luha ko ay isa isang pumapatak.

Sabay sa mga luha ko at nagsimula na ring lumuha ang langit.

Napaupo ako habang umiiyak, nakikisabay ang hikbi ko sa ulan.

"Kung hindi dahil sa akin, nandito pa sana si Jungkook, kung hindi dahil sa akin, hindi nasasaktan ang mga kaibigan niya ngayon." Bulong ko, na akong lang ang nakakarinig.

Ilang sandali ay naramdaman kong, hindi na ako nababasa sa ulan kaya tumingala ako, at nakita ko ang payong na nasa taas ko, tumayo ako at hinarap si Jimin.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinundan?" Cold kong sabi.

Imbis na sagutin niya ako ay hinila niya ako papuntang waiting shed, malapit sa sakayan ng Jeep.

""Bakit ka ba nagpapaulan kung malapit lang naman ang shed dito?!" Giit niya

Hindi ko lang siya sinagot at nakatingin lang sa langit na patuloy paring umiiyak. Umuulan.

"Rose sagutin mo ako!" Sabi niya at hinarap ako sakanya, pero tiningnan ko lang siya

"Wag ngayon Jimin." Bulong ko at binaling ang atensyon sa iba.

Wala akong ganang pag usapan ang nangyari, baka kung ano pa ang magawa ko sa sarili ko.

"Bakit ka ba nagkakaganyan simula nung nawala si Jungkook ah?!" Napasigaw na siya, sabay sa sigaw niya ay may napadaan na sasakyan kaya nakisigaw rin ang talsik ng tubig

Napa pikit ako ng mariin at hinawakan ang ulo ko.

"Ayaw kong pag usapan to Ji" napatigil ako.

"Putangina Rose! Ano ba?! Hindi ka na namin naiintindihan! Nireject mo si Jungkook pero eto ka ngayong, nagluluksa sa pagkakawala niya!" Tiningnan ko siya ng masama.

"Wala kang karapatan para pag husgahan ang mga nararamdaman ko Jimin, hindi mo alam ang nangyare."

"Hindi ko alam dahil wala ka namang sinasabi! Ipaintindi mo ako Rose! Pagod na rin ako! Hindi ko na alam kung ipaglalaban kita dahil sa nakikita ko mahal mo si Jungkook!" Galit niyang sigaw sa akin.

Mabuti nalang at malakas ang ulan kaya hindi kami naririnig ng iba.

Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa mga sinabi niya, susuko na ba siya?

Bakit ngayon pa?

" Sabihin mo sa akin Rose king susukuan na kita dahil napapagod na ako! Nagpapaka tanga akong mahalin ka kung alam kong malaki ang pag asa na hindi mo ako mamahalin pabalik!" Sigaw niya, nakatingin lang ako sakanya

"Sumagot k-" hindi ko na siya pinatuloy sa mga sasabihin niya nang niyakap ko na kaagad siya.

"Wag kang sumuko, wag ngayon Jimin na nagugustuhan na kita."








>>
Wag ka nga Jimin, sa sala ka matutulog mamaya! Yoonkook ako eh HAHAHAHAHAHA. Lol.

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Where stories live. Discover now