T H I R T Y - O N E

271 21 2
                                    



Rose's POV

habang hinihintay si Jungkook ay nakatunganga lang ako sa kisame ng kwarto ko at nag isip isip.

Paano kaya kung hindi ko talaga pinsan si Jimin? Papayag ba ako na mahalikan niya ako? Hahalikan ko rin kaya siya pabalik?

Bakit parang wala namang nakwento si kuya at si bambam sa akin tungkol sa mga pinsan ko?

Kung hindi ko kaya siya pinsan nadevelope kaya feelings ko para sakanya?

Ano? Erase erase erase hindi ko yun sinabi!

Eto nanaman tayo rose eh! Pinapangunahan mo nanaman sarili mo! Puro what if's nanaman ang sinasabi mo eh, alam mo namang hindi yung ganon.

Napa buntong hininga ako at tinakpan ang mukha ko, sana makatulog ako, at pag gising ko nakaka alala na ulit ako, ang saya siguro nun no?

Inalis ko na ang pagkatakip sa mata ko at tumingin sa gilid, kinuha ko ang cellphone ko at nag compose ng new message.

To: Kuya Mark

-Kuya sino po ang mga pinsan ko na nasa korea?

Alam kong hindi niya pa yun mababasa dahil nasa eroplano pa siya ngayon kaya nag leave nalang ako ng message.

*knock knock knock *

Tumayo naman kaagad ako para buksan ang pinto ng kwarto ko at nakasalubong ko si Manang

"May problema po ba Ma?" Nagsimula narin akong tawaging mama si manang.

"Nasa baba na si Jungkook nak."
Sabi niya kaya napangiti ako at kinuha ang bag ko sa kama.

"Ikaw nak ah, hindi mo sinasabi sa akin, kayo nanaman ba ulit ni Jungkook?" Tanong sa akin ni Manang kaya napatawa ako.

"Ikaw naman manang, siyempre hindi"

"Sige na nga alis ka na, hinihintay ka na ni Jungkook, mag ingat ka nak ah?" Ngumiti ako bago siya yinakap ng mahigpit.

"Oo naman po ma, ako pa ba?" Sabi ko at tumawa ng konti bago pa ako bumaba at pababa palang ako ay nakita ko na si Jungkook na naghihintay sa sala.

"Uy Jungkook, ano? Halika na?" Tanong ko kaya tumayo na siya at nilahad ang kamay niya sa harapan ko kaya nasapak ko siya ng konti sa palad niya.

"Wag ka nga masyadong pormal, hindi bagay sayo eh." Sabi ko na natatawa

"Sayo lang naman eh." Sabi niya atsaka na kami lumabas ng bahay pero bago pa kami sumakay sa kotse niya ay sumigaw muna ako

"Bye ma!" Sigaw ko atsaka na ako tuluyang pumasok sa kotse ni Jungkook, hindi ko na hinintay ang sagot niya eh haha.

"Asan tayo pupunta kookie?" Tanong ko sakanya habang nag dri-drive siya kaya napalingon siya ng konti sa akin pero nasa daan parin ang focus niya.

"Ikaw? Asan mo ba gustong pumunta?"

"Kahit saan lang."

Nag drive na siya ulit hanggang sa makadating kami sa pupuntahan namin.

Ako na ang kusang bumaba at tiningnan ang lugar, hindi ko to alam ah?

Parang nasa picnic area kasi kame, walang tao, kami lang. At malamig ang hangin, hindi pa naman masyadong madilim ngayon.

Liningon ko si Jungkook sa may kotse at nakita ko siyang dala dala ang picnic basket kaya nginitian ko siya at tinulungan mag bitbit sa mga gamit.

Nilapag niya ang lampin sa may damo at doon kami umupo. Binuksan niya ang basket na dala niya at doon ko nakita ang pagkain na dinala niya, ang dami!

❄️ Amnesia Baby || yoona。[HIATUS]Where stories live. Discover now