Kinalumutan ko na siya dahil sa lalaking nasa harap namin, or should I say 'ang malaprinsipeng lalaki' sa harapan namin. Tiningnan ko lang si Steff, hindi nagbabago ang posisyon niya kanina pa. At halos nakatitig lang talaga siya sa harapan. Feeling ko malalim iniisip nito.
"Uy 'bal, okay ka lang?" sabi ko matapos ilapit ang ulo ko sa kaniya at yumuko para bumulong, sorry mas maliit kasi siya eh kaya yumuko nalang ako sa kaniya. Charr ulit!
Habang nakatitig ako sa kaniya, bahagyang lumaki ang mata niya. Nilingon niya ako at halata ang gulat sa mukha niya. "Ha? Oo naman, bakit?" pahayag niya.
Kanina pa siya ganyan simula nung pumasok kami ng classroom eh, nakakapagpabagabag lang kase sa loob.
[A/N: Alam kong hindi mo masabi yang nakakapagpabagabag na yan! At mas alam ko rin na hindi mo rin nabasa ng maayos kaya inulit mong basahin! Hahahaha, aminiiiinn!]
"Ah wala, kanina ka pa kasi tahimik dyan eh." tinapik ko ang balikat niya. "Tulala ka pa, nagaalala lang ako bal."
"Hahaha, baliw." aba, at natawa pa! "May iniisip lang ako. Nacucurious lang about something bal."
"At ano naman yun? I-chika mo na teh!"
"Iniisip ko lang kase kung bakit nanganganak ang mga lalaking seahorse." ahh, yun lang naman pala-- teka!
"Nanganganak ang mga lalaking seahorse!?"
"Shhhhhhh!" napalingon ako sa likuran at sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling yun.
Nakita ko si Chean na nakatingin sa akin at itinapat sa kanyang bibig ang index finger para sabihin sa akin na wag maingay.
Pagkatapos kong sumang-ayon kay Chean, napatingin naman ako ngayon sa paligid. Nakita kong nakatitig din sa akin ang mga ibang estudyante.
Shemay, nakakahiya!
Napalakas ata ako sa sinabi ko. Lintik kasi na mga seahorse na yan eh! Bakit kasi sila nanganganak!? Kung hindi nangyari yun, hindi sana naisip yun ni Steff at hindi ako mapapahiya ngayon dito!
Pero alam ko na hindi ayun ang iniisip ni Steff kanina, may iba siyang rason at alam ko yun. Itatanong ko nalang mamaya sa kaniya kung ano man yun.
***************
Justin's POV
"Okay Mr. Aguas. Your question is," she kindly unopened the piece of paper I've selected for the second time. "What sports do you play? And why?" she interrogated with a smile.
I sighed in relief. Akala ko mahirap na naman ang tanong na nabunot ko. And I swear, kung sinagot ko man ang tanong ko ay mabubuking kaagad ako. Kaya I assure myself na tama lang ang pinili ko na wag sagutin at magskip.
"Uhmm," I thought. "My favorite sport is badminton, but I admire swimming more." mabuti naman talaga ay hindi mahirap ang tanong. Pero sa 'why' na sumunod ay dun na ako nagdalawang isip sumagot.
"And why?" she asked.
"Uhmm," sasabihin ko ba talaga? Oo, sige tama lang 'yan. Basta wag na lang ako magbanggit ng pangalan. "Because since I was an eight-years-old boy, I had a bestfriend. She's a girl indeed. We were at the edge of a pool, sitting and talking beside each other." I cut the statement and tried to look at her.
"And while we're hastily playing and teasing, she accidentally slipped beside me. She fell of the pool. I don't even know what to do 'cause we're only the people inside. Hindi pa siya marunong lumangoy." yumuko ako. "I thought to myself that I know how to swim, so I saved her." iniangat ko ang ulo ko at ngumiti ng kaunti. "Fortunately, she was saved succesfully. And from that time, I had an interest in swimming." I finished my statement.
"So nasaan na siya ngayon?" tanong ng isa kong kaklase.
"We had to keep distance from each other after the incident happened. Nagalit sa akin ang parents niya at napagpasyahan nila na wag muna kami magkita." again, I smiled a bit.
"Nagkita na ba kayo?" tanong naman ng isa ko pang kaklase sa harapan.
.
.
.
.
.
"Ngayon lang ulit."
***************
A/N: Pak! Ganern! Sino kaya sa tingin ninyo ang bestfriend niyang sinasabi dun? It was a girl indeed! It could be any girl!!
At ano kaya sa tingin ninyo ang iniisip ni Steffani Jane Perilla kanina? Hindi yung lalaking seahorse ha! Iba yun!
Nakakapagpabagabag talaga sila!
Hayy, ang dami niyo pang malalaman dito sa story!
Sorry ulit sa 2-week-no-update ko! Thank you for reading guys! Keep going on!
BINABASA MO ANG
The Only Exception
Teen FictionJamie Allison, a typical highschool student whose surprisingly left by special someone in her life three years ago. She shed tears, became depressed and cried like a little girl she was before. But after years of coping up with the help of her loyal...
Exception ♥ 6 - The Who and The What?
Magsimula sa umpisa
