Hindi mapakaling ngiti ang naibigay niya sa akin at kumamot lamang siya sa kaniyang ulo.

"Ang galing naman pala. Mukha kang taga ibang bansa pero marunong ka ng wikang ito?" tinanong niya iyon sa akin saka niya pinunasan ang labi ko na nagkaroon ng kaunting tsokolate dahil sa cookies na ibinigay niya.

Tiningnan ko siya sandali hanggang dilaan niya ang hinlalaki niyang iyon para ubusin ang tsokolate. Habang ako nama'y kinuha ang daliri niyang iyon at hindi nagpadaig dahil gusto ko rin ng tsokolate. Napakurap siya sa ginawa ko at parang nagtaka kaya naman nagsalita na ako.

"Gusto ko ng tsokolate." Panimula ko at hindi naman siya makapagsalita dahil hawak ko pa rin sa labi ko ang daliri niya't kinukuha ang tsokolate doon. Lasa ring tsokolate ang kamay niya kahit pa wala ng natitirang tsokolate doon. Nang matapos ako'y saka ko sinagot ang huling mga sinabi niya. "Dito ako ipinanganak at tinuruan ng aking ina, ang sabi niya dalwang taon lang akong nakita ng aking ama at iniwan na niya kami. Tatlong taon ring nagtrabaho si mama Anna sa iba't-ibang kaibigan niya hanggang sa narito na kami, sa lugar nina Mrs. De Mesa."

Dinilaan ko na rin na parang pusa ang mga daliri ko saka ako nagwika ng pagpapasalamat sa kaniya at tumango naman siya doon.

"Totoo nga ang hinala kong cute ka." Pahayag niya na ikinatingin ko sa kaniya.

"Bakit naman?" ganti kong tanong na ikinatawa niya ng kaunti.

"Hindi ka ba nag-aalala na isa akong lalaki?"

"Dapat ba? Isa pa bata ka lang ding tulad ko kaya wala kang magagawang masama sa akin. Sa payat mo ring iyan mas matatalo kita sa takbuhan. At kung susubukan mo naman akong saktan, marami akong putik na maitatapon sa mata mo kaya matatalo pa rin kita."

"Bakit mo sinabi sa akin ang strategy mo? Edi matatalo na kita niyan dahil alam ko na ang mga gagawin mo." Natatawa siya ng sandaling iyon pero hindi pa rin ako nagpatalo.

"HA! Ako kaya si Zenki. Sa kapangyarihan ng mga bituwin magagawa kitang talunin." Mapanghamon ko siyang tiningnan at tumayo pa ako sa kaniyang harapan.

"Zenki? Talaga? Nanunod ka noon?"

"Oo naman. Boy, kung alam mo lang kung gaano siya kalaki kapag tumatanda siya at kahit pa maliit siya kaya niya pa ring maging malakas para ipagtanggol ang babaeng nagpapalaki sa kaniya. Ako naman, ipagtatanggol ko si mama Anna sa lahat ng pagkakataon lalo na kung si papa ang masamang tao na iyon."

Inilihis ko ang tingin ko ng maalala kong si papa ang kinaiinisan ko at siya rin ang dahilan kaya ako tumakbo mula sa mansyon papunta rito. Dumating kasi siya kasama ang isang magandang babae na mahaba ang buhok. Narinig kong tinawag ni mama na asawa ni papa ang babaeng iyon na nakasuot ng panlalaking kasuotan. At dahil may mga alam ako sa mga bagay-bagay naintindihan kong hindi ako prayoridad ni papa dahil may asawa siya. Pangalwang pamilya lang niya kami ni mama at nasasaktan ako't naiinis sa mga kaganapang nangyari sa aming buhay na dapat ay kasiyahan lamang dahil bata pa ako, matatanda na sila at kailangan ko ng gabay ng isang ama at ina. Subalit kahit anong hiling ko, hindi ko na makukuha pa.

"Ganoon ba? Wala naman akong kilalang Zenki na gulagulanit ang damit. Mas astig pa rin naman ang mga power rangers kesa kay Zenki, pare." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Oh boy, umaasta kang matanda kahit pa bata ka pa. Sige ka magiging kalaban ka ng Magic Knights Reyearth." Biro ko kaya tumawa siya ng mas matindi.

"Pambabae 'yon ah! Bakit pinapanuod mo!"

"Hindi porket mga babae ang bida, pambabae na." Natigil siya sa kaniyang pagtawa dahil sa sinabi ko. Parang inisip niyang mabuti ang mga sinabi ko't may kung ano akong nagawa sa kaniya ng sandaling iyon. "Kung papapiliin nga ako, mas gusto ko pang naroon sa mundo nila. Sa mundong puno ng aksyon at labanan. Magagawa ko pang ipagtanggol ang aking ina sa bruhang asawa ni papa at maipagtatanggol ko si James sa lahat ng oras."

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now