Kami lamang ngayon(till it happened to you)

155 5 0
                                    

Hatid-Sundo

-'Till it happened to you

Kami lamang ngayon

James De Mesa

I sigh looking at the blue sky in this country. The sky was perfect thing to look at, it was so pure and lovely not like the people around this place. The people are more perverted the one at home, they are cruel and like a crab on a basket who wants to get out. Spitting cruel things about a person behind his back and as they say, family is the most important thing in this place making friends and others not worthy of their sympathy and forgiveness.

Ganoon silang klase ng mga tao. Mga hayok sa kapangyarihan at gagawin ang lahat para umangat lamang, ang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan para sa kanilang pamilya kahit pa makasira sila ng damdamin at kabuuan ng isang tao.

Masama ang mga tao, lahat sila'y walang pinagkaiba. Walang kahit anong magpapatunay na unique ang bawat isa dahil lahat may common dinominator at iyon ay ang kasamaan. Kasamaang hindi matatanggal ng pagiging banal at ng holy water.

Freedom is a vertue, pero hanggang hindi natitigil ang pagmamalakasan sa kapangyarihan, katayuan sa buhay at pananaw walang kapayapaan, walang kalayaan.

Masakit mang aminin pero isa ako sa mga demonyo ng kalikasan. Gusto kong tumalon mula sa punong ito kung saan sa sanga ako nakaupo at nakahilig ang likod ko sa katawan ng mismong puno habang nakatingin ako sa itaas at nakaunan ang ulo ko sa aking mga palad. Umiihip ang hangin kahit na papatakip-silim na't kailangan ko ng umuwi. Malamig na rin ang hangin pero gusto ko pa ring manatili dito, gusto ko pang nakikita ang asul na kalangitang unti-unting nagiging kahel at tuluyang magdidilim.

I love this home, this hometown but I can't live here knowing that everybody hates me for what I've done in the past.

Palagi namang ganoon ang nangyayari. Even if you try hard to make yourself worthy of people's trust they'll just see the other part of you that you keep fighting and hidding at the back of yourself. Sasabihin lang nilang, 'Ay ang galing niya pero alam mo ba noon mas magaling siya diyan tapos may masama siyang nagawa kaya ganiyan na lang siya'. Those words of pity and hatred kills me. They are judging me at my past not what I've done in this present time.

"Hindi nila ako maintindihan. Hindi nila makita ang kabutihan ko. Bakit kailangan kong tuluyang masaktan?" inihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha saka ako bumaba ng puno.

Nang sandaling iyon, nakita ko sa kabilang building si Jerwin Alcala. Malungkot at halos hindi nagbibigay pansin sa paligid niya, kahit pa wala ng ibang tao dito maliban sa aming dalwa. Malayo naman ako sa kaniya pero nagawa pa niya akong mapansin at noon ko lang naman siya nakita parang nahimasmasan ng makita niya ako.

Awa.

Iyan ang nararamdaman ko ng mga sandaling ngumiti siya sa akin. Akala ko lalapitan niya ako pero hindi ginawa kaya sinundan ko na lamang siya ng tingin papalabas ng eskwelahan. Umiling na lang ako para mawala ang nakita ko saka ako lumakad papunta sa classroom para sana kunin ang bag ko pero ng makarating ako doon, sarado na.

Naisipan ko na lang na umuwi ng makita ko si Noel Jhon na naglalakad papunta sa soccer field, kakausapin siguro ang kapatid niya kaya hinayaan ko na lang kahit na napansin kong namumula ang ilong at mata niya.

Gusto kong lumapit sa taong noon ko pa pilit na inililigtas sa kasamaan ng mundo pero alam kong maling lapitan ko pa siya dahil sinabi na niya sa akin nitong nakaraan.

Nagawa na niyang ipinamukha sa akin kung gaano ako kasamang tao para sa kaniya, kung gaano ko nilapastangan ang pagkatao niya. Hindi niya ako hinayaang magpaliwanag tungkol sa sarili ko at kung magkakaroon man ako ng pagkakataon, mas makabubuti pang wala na lang siyang alam.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now