Kakaibang Pakiramdam

192 7 0
                                    

Another Hatid-Sundo

Alien's PoV

Kasalukuyan akong nasa Otaku Fandom Club room, gumagawa ng mga sketches para sa bagong members ng club. O yung mga Otaku people ko. Mga normal na tao na hindi naman cosplayer pero may potensiyal maging isang anime human dahil sa kamukha nila ang isang anime. At itong apat na taong ito ang bago kong project.

"Girl, magugustuhan mo 'to kulay pink." Saad ng isa sa kanila na mahilig sa fashion at dilaw ang buhok.

"Ay Oo nga ang ganda niyan. President pwede bang ito ang gawin kong ribbon hindi yung kulay pula?" tanong niya sa akin pero umiling ako.

Mga normal na uniform na panlalaki ang mga suot nila pero mga fit ang mga ginusto nilang size ng uniform kahit na medyo may pagkamalaki ang katawan nila lalo na yung isa. Pero kung pagtatabi-tabihin naman sila, pasado naman sila sa bawat isa dahil magkakasing laki nga ang katawa nila at kung anime features din naman ang titingnan, o gagawin anime ang sizes nila, pasado pa rin sa orihinal na size.

"Blossom, Bubbles mabuti pang maupo na lang kayo." Saad ko at tumango naman sila saka umupo sa tabi nina Buttercup at Princess Morbukcs. "Asan na ba kasi si Jerwin?" asar kong sabi dahil hindi ko naman talaga kayang magdrawing. Magkukulay lang ako ng mga drawings niya hanggang doon na lang ang kaya ko.

"Yo." At nagdilang anghel ang pagiging demonyo ko. Dumating na nga si Jerwin pero may kasama siya. "Ah, siya ba? Si Katherine Tachibana. Kaibigan ko nung nasa Japan ako." Nakangiting sabi niya na tinanguan ko na lang ng sikuhin siya nung Katherine. Kahapon lang siya ulit dumating galing Japan.

"Kath ang pangalan ko. Masiyadong babae yung Katherine." Usal nito at kung di ako nagkakamali, straight ito. "Alis na ako boss tingingnan ko lang tong Otaku club ninyo." Kumaway lang siya tapos umalis na rin.

"Ay ang chaka. 'Di man lang kami nakita." Sabi iyon ni Princess morbucks.

"Ah, kayo ba yung mga bagong cosplayer namin?" tanong agad ni Jerwin at lumapit sa kanila. Napangiti yung mga gays at saka nakipagkamay sa kaniya.

"Huwag ninyo na yang pagnasahan, may mahal na yan." Bulong ko. Pakiramdam ko kasi dapat ko siyang ilayo sa mga ito. Andun iyong pakiramdam na gusto kong ako lang ang tingnan ni Jerwin dahil ako ang bestfriend niya at wala siyang karapatang tumingin sa iba kahit na alam kong mali ang ganoong kaisipan.

Oh Boy, nagiging possesive na ba ako sa kaibigan ko? Bakit gusto ko ako lang? Bakit hindi pwedeng yung iba rin? Dahil ba nasabi niyang mahal niya ako at kung anu't-ano man ang mangyari kay Ryan ay may magmamahal pa rin sa akin?

Oh boy, bakit ganito? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Si Ryan ang mahal ko at kaibigan ko lang si Jerwin kaya wala akong karapatang magsalita ng ganoon, na parang nagseselos na karelasyon. Anong nangyayari sa akin?


"Noe, easy ka lang. Nagpa-Panic Attack ka." Napatunghay ako kay Jerwin. Nakahawak siya sa balikat ko't bahagya niya iyong pinisil. "Sabayan mo ang panghinga ko. Inhhhaaaaaalllleeeee.. Exaaaaaalllleeeee." Inulit-ulit niya ang mahabang inhale-exhale niya at sinabayan ko naman iyon kahit na hindi ako nagha-hyperventelate o kinakapos ng hangin.

"President ayos ka lang?" Blossom

"Hindi na namin siya gagalawin pangako." Bubbles.

"Promise 'yon. Pinky promise." Princess Morbuckcs.

"Gusto mo bugbugin ko pa lalapit dito eh." Buttercup.

Umiling lang ako matapos kong ngumiti. Mahal talaga nila ako, ako ata ang fandom nilang apat.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now