White Deer

508 13 0
                                    

Hatid-Sundo

-17 Love me like you do

White Dear

Alien's PoV

May tumawag sa phone ko kani-kanina lang. Nakakagulat pero agad ko rin namang sinagot ang unregestered number. Nakasakay na kami sa bus noong may tumawag sa amin at sa kalokohang nagaganap, dahil sa pagbubunutan ng mga makakatabi sa upuan, kami ni sir Matt ang magkatabi ngayon sa upuang ito. Ang kapatid kong si Nathan ay katabi ni Ryan at ang kanina pa nagpapalingon-lingon sa gawi nila na si Jestoni ay katabi si James.

Alam kong gagawa ng paraan si James para makasama talaga at sa tingin ko siya ang dahilan kung bakit hindi nakasama ang isa sa kaklase namin. Kanina pa rin weird ang tingin sa akin ni Nathan siguro dahil kaninang umaga pa ako nakangiti at hindi mawala ang ngiti ko. Nakangiti ako dahil ayokong maramdaman nila ang takot na nararamdaman ko sa pwedeng mangyari ngayon. Ngayong kasama namin si James sa byaheng ito.

Ilog naman yung pupuntahan namin pero may aakyatin kaming bundok bago pa makarating sa magandang ilog na iyon na tinatawag ng mgatagaroon na Busai. Malalim daw at malamig ang tubig pero nakakarelax ng muscles kahit na malamig ang tubig na nanggagaling doon.

Mabalik naman ako sa tumawag sa akin, kinausap ko na siya at nagulat ako kung sino ang taong iyon.

Isang taong may koneksyon din sa aking nakaraan bago ang aksedente.

"Hello? Sino po sila?" tanong ko sa tumawag sakin.

"Noy-Noy!!! Hayup ka! Hindi ka man lang nagparamdam tapos ihu-hu yu mo 'ko?!! Si Katrina ito! Alam ko kung nasaan ka. Iniresearch ko. Pupuntahan kita sa inyo mamaya. Hintayin mo ako kundi sasapakin kita ng isa." Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ng isang babaeng hindi ko pa mawari kung sino.

"Uhmm.. sinong Katrina?" kinakabahan ako dahil baka magalit siya. Ayaw pa naman ng mga babae na nakakalimutan sila. Ano ba namang magagawa ko? Naaksedente ako.

"OH My.. Gee.. Naging Alien ka na nga! Huhuhu.. Paano na ang Yaoi Fakku Fanlife ko? Huhuhu.. sasapakin ko talaga si James sa ginawa niya sa'yo mahal kong Noy-Noy. Huhuhu.." Oh boy, nakilala ko na siya.

Siya ang babaeng kapitbahay ni James at palaging nagpupunta sa kanila para guluhin ang sexlife ni James. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakaligtas minsan kay James. Nawawala sa mood si James kapag dumadating si Katrina at natitigil na siya sa paggalaw sa akin. Kaya siya ang itinuturing kong bestfriend slash only friend noong hindi pa ako naaksedente.

"Oh Boy. Dre, maari bang maging alien nga ako ng tuluyan? Oo nga't alien na ako pero nakalimutan lang kita dahil sa isang aksedente." Wika ko na lang.

"Aksedente? Naaksedente ka Noy-Noy? Whhhaaaaaa.. Nnoooooo!! Nasan ka?! Pupuntahan kita. Wala ka dito sa inyo! Nag-aalala na ako!!" sigaw niya mula sa kabilang liniya kaya napalayo ako at medyo natatawa itong si sir Matt sa nakita niyang reaksyon ko habang nakatingin sa cellphone ko.

"Pwede ba. Ang lakas ng boses mo. Wala ako sa bahay dahil may tour kami. Bukas ng hapon ang balik namin. Kasama ko ang kapatid ko kaya wala kang dapat ipag-alala." Kamuntikan ko ng masabi ang tungkol kay James mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Kung hindi ay baka tumalon na yan sa building para lumipad papunta sa kinaroroonan ko para patayin na talaga si James.

"Ay ganun? Saan tayo kakain pagdating mo?" naks, magpapalibre lang pala ito.

"Saan ba? Sa likod na lang kaya ng MOA?" tanong ko pero walang nagsalita sa kabilang liniya.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now