Ang CD ni Jes? It's a TRAP

1.2K 30 9
                                    

Hatid-Sundo

-06

It's a Trap

Alien's PoV

Matapos kong magbihis ay bumaba na rin ako at saktong pagbaba ko paalis na ang mga mokong.

"Alien, pigilan mo nga itong mga kaibigan mo. Dito na sila maghapunan 'kamo." Nagroll eyes na lang ako sa sinabi ni mama.

"Dito na kayo maghapunan." Utos ko na sinunod nila.

Ngumiti ako kahit na wala akong pakialam sa gusto nilang gawin. Agad naman silang nagtanggal ng bag at itinabi sa pader ng bahay namin.

Pareho nilang hinawakan ang kamay ko. Medyo nagulat ako doon pero nakangiti ang mga mokong. Sakto namang pagbaba ni Nathan nakasuot din ito ng pambahay. Isang V-neck shirt na may stripes habang nakataas ang isang kilay at nakatingin sa akin. Agad kaming napatingin ni Jes sa taglay na kakyutan ni Nathan pero hindi tumingin sa kaniya si Ryan.

"Thanks Honey A. Akala ko papaalisin mo na kami dahil sa nangyari kanina." Nakatingin parin siya sa akin ng mapatingin ako sa kaniya pero inalis ko na ang paghawak nila sa kamay ko at dumeretsyo na ako sa dinning area at naupo sa dati kong pwesto.

"What? Why are you staring at me back there?" inis na sabi ni Nathan at naupo na sa tabi ko.

Kasunod lang niya si Jes na pumunta naman sa tapat ko. Katapat naman ni Nathan si Ryan at sina mama at papa ay nasa magkabilang kabisera.

"As if you we're cute like Noe. Noe is the cutest." Ngumiti sa akin si Jes na lalo ko pang ikinainis.

Agad nahagip ng kamay ko ang dinner knife at itinuro ko sa kaniya.

"Ah cute pala ha. Kung maging ako si chaka doll at itarak ko to sa lalamunan mo cute pa ako? Ha? Pre gwapo ako, gwapo!" bahagyang natawa si Ryan doon. Nakataas naman ang mga kamay ni Jes ng lalo ko pang inilapit sa kaniya ang hawak ko.

"Oo nga. Gwapo si Honey A. Walang makakatalo sa kagwapuhan niya." Natatawa pa ring sabi nito.

"Isa ka pa!" Inis kong baling kay Ryan na labis-labis din naman ang pagngiti. Ibinaba ko na lang ang hawak kong kutsilyo at hinayaan sila. "Oh boy, nagsisisi na ako na inalok ko kayo ng hapunan."

"Haha. Hindi kaya ikaw ang nang-alok kundi si tita. 'Di ba tita?" sarap lang tampalin nitong si Jes kaya lang tumango ng tumatawa si mama kaya talo na ako.

Hihingi pa sana ako ng tulong kay Nathan pero umiinom ng juice ang g@g0 at nakapikit pa na parang walang naririnig. Deft mode?

"Oh, idinamay mo pa ako d'yan." Natatawa ring sabi ni mama kahit na tumango siya kanina at ngayon ay naghahanda sila ni papa ng pagkain.

"Ma? Sinong nagluto nito? Ang alam ko hindi mo kayang gumawa ng ganito." Puna ko. Masarap kasi iyong mga inihanda nila.

Hindi ko pa rin kasi nakikitana ganito ka-saucy ang adobo sa toyo ni mama.

"Ang papa mo. Masarap yan pwede yan sa panlasa mo. Natikman ko na." Abot tenga naman ang ngiti nitong si mama. Akala mo may cosplaying bukas at siguradong mananalo siya.

"Oh boy/ Man." Sabay naming sambit ni Nathan at nagkatinginan pa kami.

"Bakit Nat? Hindi mo ba gusto ang luto ng papa mo?" tanong ni mama sa kaniya.

"It's because I'm used to it and I don't want it anymore." Nagcross arms pa ang kapatid ko.

Isa pa itong parang bata.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now