Pagka-awa

351 8 0
                                    

Hatid-Sundo

-24

Pagka-awa

Alien's PoV

Ano bang problema?

Nagawa ko na ito. Nasabi ko na ito pero ano ba talaga ang problema nila? Bakit kailangan nilang paabutin sa ganito. Ang isang attempted rape amin ng kapatid ko? Gaano kalaki ang kasamaang nasa kanila para gawin ang bagay na iyon?

Mabuti na lamang at dumating si sir Matt para iligtas ako. Kung hindi dahil sa kaniya baka nagsisisi nanaman ako sa pangyayaring ito. Mahalaga nga siguro ako kay Sir Matt kung ganoon.

"Noel," si Nathan. Medyo alangan pa siyang pumasok sa loob ng silid ko. Bumabalik siguro sa kaniya ang nangyari kahapon. "kailangan mo ba ng kausap?" nangangamba siya. Halata ko sa mukha niya pero dahil nga magkapatid kami kailangang mawala iyon sa amin para palakasin ang loob ng isa't-isa.

"Hindi naman, pero kung hindi mo ako pagdadamutan mas kailangan ko ng yakap ng isang kapatid." Medyo ngumiti ako at nagulat ng biglaan niya akong yakapin. Hindi pa nagtatagal ang yakap niya sa akin ay naramdaman ko na ang mga luha niya.

"I'm sorry talaga Noel. Ako dapat 'yon. Ako dapat ang ginawan nila ng masama at hindi ikaw. Ayan tuloy may mga benda ka sa katawan." Bahagya na siyang lumayo sa akin at hindi ko napigilang himasin ang ulo niya para guluhin ang itim niyang buhok.

"No one.." panimula ko sa isang kataga na ako mismo ang gumawa. ".. can break the bond between brothers."

"Parang sina Sasuke at Itachi?" natatawang sabi niya.

Okay. Hinidi nga talaga galing sa akin pero nasabi ko naman ang punto ko 'di ba?

"Nanunuod ka rin non? Akala ko noon ayaw mo sa anime." Medyo gulat kong sabi at hinayaan na lang niya akong mahiga sa kama ko. Naupo lang siya sa may paanan ko at hindi na umiiyak.


"Magkapatid tayo. Itanggi mo man mas mukha tayong magkakambal kaya kung ano ang gusto mo ay siya ring gusto ko." Medyo natawa ako doon pero may naalala ako kaya nawala rin iyon. "Anong problema Noel?" muli niyang tanong at medyo lumapit pa.

"Tulad ni Ryan." Simpleng sabi ko at naintindihan naman niya.

"Sorry bro. Hindi ko naman mapipigilan ang sinasabi ng mga braincells ko na nagcocost ng kakaibang pakiramdam na kung tatawagin nila ay.." natatawa akong sumabay sa huling salita noon. "Love."

Pareho na kami muling napangiti at nagawa pa naming magguluhan ng buhok dahil sa cute na cute kami sa isa't-isa. Pinunasan ko rin ang mga natirang luha sa mata niya. Hindi ko kasi gustong nakikita ang kaparehas kong mukha na umiiyak dahil sa akin. ang wirdo lamang ng ganoon.

"Sons, I know that you love each other but Nathan, you knew that he had head injury." Pareho kaming natigil ni Nathan sa ginagawa namin at tumingin kay papa na nasa may pintuan. Nagkatinginan kaming muli at nagngitian.

May masama nanaman kaming binabalak.

"Pa, can you come here for a moment. We want to thank you." Derederetsyo kong sabi mula na naman sa accent ko na Scotish.

Lumapit na si papa at ng makaupo na siya.

"What is it son?" tanong niya at agad namin siyang kiniliti.

"Hindi ka pwedeng gumanti may mga sugat kami. Whahaha." Sigaw ko at patuloy lang naming kiniliti si papa.

"Haha. I never knew you we're this tickilish. Hahaha." Si Nathan naman iyon at nagtawanan kaming tatlo hanggang sumigaw si mama para pagalitan si papa.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now