First day with Nathan Jonnes

1.2K 28 1
                                    

Hatid-Sundo

-05

First day with Nathan Jonnes

Alien's PoV

Kinabukasan, lumipat na nga kami ng bahay. Malapit lang sa school yung bagong bahay kaya naman malaking pasasalamat na iyon para sa akin pero paano na si Ryan? Paano kapag pumunta siya sa dating bahay namin tapos walang tao?

Oh Boy, bahala siya. Magkikita naman siguro kami sa lunes?

Siguro.

"Hey, do wanna play?" napatingin ako sa kapatid ko daw na may hawak na soccer ball.

"No. I don't know how to play that I'm in the American football, though." Napasipol naman siya doon.

"You're too skinny for that, aren't you?" nagpaikot muna ako ng mata bago sumagot.

"I'm the runner of the team. I supposed to be skinny so I can fly to the goal." Sarkastiko kong sinabi.

Hindi naman talaga kailangang payat ang maglarong back runner sa american football o kung tawagin dito sa atin ay rugby. Mas masasaktan ang mga katulad ko ang katawan kung normal na tao lang ang maglalaro nito di katulad ng mga may muscles pero kahit payat ako, napapakinabangan naman nila ako sa takbuhan. Kasali rin ako sa track 'n field pero mas gusto kong ipagmayabang sa kaniya na rugby player ako.

"Good for you. Do you want me to teach you? Then you'll teach me that american thing." Natawa ako ng konti doon. "Bakit ka tumatawa?" agad akong napatingin sa kaniya.

Marunong pala siyang magtagalog? At ang pinagkaiba lang namin, hindi tuwid ang pagtatagalog niya. May halong scotish pa rin kahit marunong siyang magtagalog.

"Gulat ka?" tanong ulit niya na ngayon ay nilalaro sa tuhod niya yung bola.

"Medyo lang." Sagot ko naman tapos ibinato niya sa akin yung bola. Agad ko namang nasalo iyon ng dibdib ko at nakipag laro na nga ako sa kaniya dito sa may gate ng bahay namin.

Ang isang katulad kong may lahi ni papa, siguro pwedeng sabihing marunong ding magsoccer hindi ba?

"Woah. I taught you don't know how to play this?" nakangiting sabi niya habang patuloy kami sa pag-aagawan ng bola.

"I never said I don't know how to play, I just say I prefer american football." Naglaro pa kami hanggang sa tawagin kami ni mama para sa tanghalian.

Ang tagal din pala naming naglaro. Nakakatuwa din pala itong kapatid ko daw kahit papaano. Sana lang okay lang din siya sa anime dahil kung hindi magkakapatayan kami.

Kinabukasan, lunes na at tulad ng sinabi ni papa sa school ko siya mag-aaral. Marunong naman siyang umintindi ng tagalog kaya hindi ako nag-aalala para sa kaniya. Pero magkaroon kaya siya ng kaibigan? Ako kasi hirap magkaroon ng kaibigang lalaki dahil ayaw nila sa akin.

Oh boy, bahala na nga.

Nauna akong pumasok sa classroom. Pinapunta muna kasi siya sa opisina ng punong guro. Wala pa si Jestoni kaya ang mga kakwentuhan ko ngayon ay lahat ng girls. Nagtataka daw sila kung bakit ang agap ko at kung bakit wala akong kasama pagpasok. Kung nagkaaway daw kami nung palaging naghahatid-sundo sa akin at kung may away daw kami ni Jes kaya hindi pa rin ito pumapasok. Mas nauuna kasi sa akin si Jes sa kahit na anong paraan.

"Uhmm.. Girls, lumipat kami ng bahay at walking distance na lang kami." Nakangiti kong sabi sa kanila.

Nakuha ang atensyon naming lahat ng may scotish accent na nagwawala sa labas.

"Get your hands off me! You dimwit! Get off!!" sigaw ni Nathan. Sigurado akong si Nathan yun.

"Ano ka ba naman A, tinakasan mo na nga ako kahapon ayaw mo pang magpahatid dito sa classroom mo?" si Ryan? Naku patay.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now