Future Holds (Blue Tear Gem)

500 10 0
                                    

Hatid-Sundo

-18 How to Love

Future Holds (Asul na bato)

Alien's PoV

Ilang segundo.

Ilang segundo rin kaming nanghintay sa pagdating ng usa pero tulad kay James hindi ito nagpakita at upang hindi mapahiya ay agad kong niyakap si Ryan.

"Anong.." inis na si James ng sabihin niya iyon alam kong iniisip niyang nakita namin ang usa pero ang totoo'y wala.. wala kaming usang nakita.

Wala kahit anino man lang noon. Naiiyak ako. Gusto kong umiyak dahil hindi ko makita ang usa kasama si Ryan. Ibig-sabihin hindi kaming dalawa ang para sa isa't-isa. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, naiiyak na ako. Niyakap ko lang si Ryan hanggang sa bigla na lang umulan at nagsitakbuhan kaming lahat papunta sa malapit na kuweba.

Hawak niya ang kamay ko ng sumilong kami sa isang malaking puno.

"Pasensiya na kayo sa panahon ngayon. Paiba-iba na ang panahon pero mamaya mawawala rin yan." Sabi noong tour guide.

"Okay lang." Sabi naman ni sir Matt at lahat kami'y naupo lang doon. Kinuha naman ako ni Nathan sandali at may tinanong.

"Nakita nyo ba talaga yung usa?" tanong niya sa akin sa russian language. Ewan ko ba pero natutunan na talaga namin ang lengwaheng iyon dahil kay papa.

"Oo naman." Pagsisinungalin ko na pinaniwalaan niya. Ngumiti siya sa akin.

"I'm Happy for you." Sabi pa niya at tumango ako.

Kasunod na lumapit sa akin ay si sir Matt at inabutan ako ng ham and egg sandwitch. Iniulwat ko pa ang ulo ko para lang makita ko mula sa katangkaran ni sir ang mga kasamahan namin na kumakain na kahit si James kumakain na rin. Siguro sa sobrang inis niya nagawa na lang niyang kumain at tapunan paminsan-minsan ng masasamang tingin si Ryan.

Samantalang ang mahal ko naman ay nakangiti subalit sa loob niya'y katulad ko rin, nasasaktan dahil hindi namin nakita ang usa.

"Hindi mo kailangang maglihim sa akin Noel McGeorge. Alam kong nagsisinungaling ka sa sinabi mo kanina." Bulong iyon ni sir sa akin na may halong pangungutya at tila nasisiyahan siya sa nangyayari ngayon.

Ngumiti lang ako ng pilit. Hindi ko din naman alam kung anong trip nitong si sir.

Oh boy, kung alam ko lang na ganito siya magiging kakulit hindi ko na lang sana siya niyayang sumama. Dre alam mo yung akala ko may something na nangyari sa pagitan nila ni Nathan tapos biglaang close na close sina Nathan at Jestoni. Nakakapagpaasa lang talaga.

"Sir, may ginawa ba kayo sa kapatid ko kaya ang laki ng galit niya sa inyo nitong nakaraan?" tanong ko sa kaniya habang siya'y nagsisindi ng sigarilyo. Tiningnan ko yung sigarilyo at parang iyon pa ang naintindihan niya kesa sa tanong ko ngayon-ngayon lang.

"Ito ba? Lalaki rin ako kaya ako naninigariliyo." Napailing na lang ako sa sinabing iyon ni Sir at tumingin sa harapan ko. Hindi ko naman pinaghihinalaan ang kasarian niya, pero kung iisiping mabuti, bakla ang pakilala ng kapatid kosa kanila kaya madali lang isipin para sa kaniyang iyon ang ibig kong sabihin sa pagtingin ko lang sa sigarilyo niya.

Bumubuhos pa rin ang ulan. Hindi naman kalakasan pero mababasa naman kami kapag lumabas kami. Mula sa kinatatayuan namin ni sir kita din yung batuhan at nasa gilid namin yung daanan kung saan daw magpapakita yung usa.

"Masasabi kong meron nga pero hindi mo na kailangang malaman Noel. Malaki lang talaga ang galit niya sa akin pero sa makikita mo naman, tapos na ang lahat ng iyon. May bagong tao ng nagpapasaya sa kaniya." Napatingin ulit ako sa kaniya ng sabihin niya iyon.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now