CHAPTER TWENTY-SEVEN:

Start from the beginning
                                    

"O bakit hindi mo ituloy ang sasabihin mo?" galit na tanong ko. "Daig ko pa ang isang puta kung manamit at makipaglandian diyan sa labas. Yun ang gusto mong sabihin diba?"

"George huwag mo nalang pansinin si Keede" mahinahong sabi ni Granny pagkalapit nito sa akin.

"Okay lang ho Granny." nakatingin parin kay Kaede na sabi ko sabay punas ng mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak.

Napaiwas agad siya ng tingin. O ngayon bakit hindi niya ako titigan sa mata at sabihing para akong isang puta?

"Sanay na sanay na ho ako sa ganiyang pag-uugali ng apo niyo. Sanay na ho akong pinag-iisipan niya ako ng masama." humihikbing sabi ko pa saka ako nagmadaling lumabas ng bahay habang patuloy sa pag-iyak.

"George, saan ka pupunta?" narinig ko nalang na tanong ni Tito Leo.

"Magpapalipas lang ho ako ng oras." humihikbing sagot ko ng hindi sila nililingon.

Tangina niya. I hate him so much. Hindi ko akalain na ganun ang pag-uugali niya. Ang kapal ng mukha niyang pagsalitaan ako ng ganun at husgahan ako dahil lang sa pananamit ko.

Ang gago niya.

Ang gago-gago niya.

Of all people hindi ko akalain na siya pa ang gagawa nun sa akin. I thought he was a goodguy. Akala ko maiintindihan niya ako. Akala ko hindi niya ako pag-iisipan ng masama pero akala ko lang pala yun dahil isa siyang malaking gago.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa swing na nasa playground ng subdivision. Ayaw huminto ng mga mata ko sa pag-iyak lalo na at naaalala ko ang mga pinagsasasabi ni Kaede.

Ayoko munang bumalik sa bahay nila pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Wala naman si Darius sa bahay nila. Ganun din si Stacie dahil nasa Batangas silang pareho kasama si Duane at ang mga anak ng mag-asawa. Ayoko namang pumunta sa apartment nila Art dahil siguradong kapag nalaman ni Cheska na umiiyak ako dahil kay Kaede ay baka sumugod yun dito. Nakakahiya naman kayla Granny at kay Tito Leo kapag nangyari yun. Ayoko din namang pumunta sa bahay nila Dominic dahil kapag nalaman yun ni Kaede baka kung ano ano na namang masasakit na salita ang bitawan niya sa akin.

Sa bahay nalang siguro namin sa Taytay ako magpapalpas ng gabi katulad nung minsang nagtalo kami. Magtataxi nalang ako papunta doon tutal may extra cash naman ako sa bag.

"George?" narinig ko nalang naboses ni Dominic pagkatayo ko kaya napatingin agad ako sa direksyon kung saan nagmumula ang boses niya.

Siya nga.

"Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya habang papalapit sa akin. "Anong nangyari?" tanong niya pa ng makita ang mukha ko kaya yumuko agad ako pero agad niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinarap sa kanya ang mukha ko. "Hey, why are you crying?"

Hindi ko na napigilang mapahagulgol saka ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin.

"Anong problema? May nangyari ba? Tell me." aniya.

"Wala Dom." humihikbing sagot ko. "Nalulungkot lang ako."

"What for? Kanina lang ang saya saya mo dahil sa bago mong TV show. Bakit ngayon--"

"George!" napabitaw agad ako sa pagkakayakap kay Dom ng marinig ko ang boses ni Kaede saka ko ito nakitang papalapit sa amin. "Baka naman pwedeng umuwi ka na?" inis na sabi niya.

"May problema ba pare?" kunot noong tanong ni Dominic.

"W-Wala Dom." mabilis na sagot ko dahil alam kong pagnalaman niyang umiiyak ako dahil kay Kaede hindi na naman siya makakapagpigil at baka magkagulo lang silang dalawa katulad ng ginawa niya kay Froid noong nalaman niyang nakabuntis si Froid ng ibang babae.

"Sige na, mauna na kami." saka ako naglakad palapit kay Kaede "Mag-iingat ka sa pag-uwi."

Hinawakan agad ako ni Kaede sa pulsuhan at isinama pauwi sa bahay.

I want to slap him for the second time. I hate him so much. Sa mga oras na ito pinagsisisihan kong nagpakasal ako sa kanya. Pinagsisisihan kong unti unti na akong naiinlove sa isang gagong katulad niya.

"Iniinis mo ba talaga ako?" galit na galit na tanong niya pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto. "Nananadya ka talaga no?!"

Sa halip na sagutin ko siya ay nagdirediretso nalang ako sa walk in closet namin at kumuha ng pantulog pero hanggang doon ay sinundan niya pa din ako.

"Sa tuwing may problema ba tayo sa kanya ka nalang lagi tatakbo ha? Bakit ba hindi mo mapigilang lumapit sa kanya?!" galit na tanong niya pa.

"Nagkataon lang na nagkita kami sa park." sagot ko.

Narinig ko naman siyang sarkastikong tumawa.

"Nagkataon? Ang galing naman pala talaga niyang tumayming at alam niya agad na nandun ka sa park kung nagkataon lang. Sinong niloloko mo sa palusot mong yan?"

"Edi huwag lang maniwala!" sigaw ko. "Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan!" saka ako lumabas ng walk in closet pero nakasunod pa din siya sa akin. "Tutal diyan ka naman magaling."

"Paanong hindi ako magagalit eh para kayong may relasyon na dalawa dahil lagi kayong magkasama. Sabihin mo nga sa akin George, may relasyon ba kayo ng lalaking yun?"

Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mapaiyak sa pinagsasasabi niya kaya humarap agad ako sa kanya.

"Wala kaming relasyon ni Dominic. Ilang beses ko bang kailangang sabihin na magkaibigan lang kami ha?!"

Bakit ba ginaganito niya ako.

"Ano bang ginagawa ko sayo para pag-isipan mo ako ng ganiyan, Kaede? Ano bang ginawa ko para pagdudahan mo ako ng ganiyan?!" napaupo nalang ako sa kama saka humagulgol ng iyak.

Habang siya nakatayo lang ilang hakbang mula sa akin.

"Akala mo ba hindi ko alam na inakala mo na ako yung french model na kabit ni Mr. Fritzgerald Sr. kaya mo ako isinama sa party niya?" hindi ko na napigilang sabihin. "Akala mo din ba hindi ko alam na inisip mo din na baka naging kabit ako ng tito mo kaya ayaw ko silang makita ni Ynah nung gabi ding yun?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Alam ko na iniisip mo ang mga yun kaya ilang beses na biglang naging malamig ang pakikitungo mo sakin. Nung gabi ng fashion show, diba inisip mo din na nakikipaglandian ako kay Nick kaya tayo nag-away tapos ngayon si Dominic naman." humihikbing sabi ko. "Sinong sunod ha, Kaede? Iniisip mo din ba na may relasyon kaming Daddy mo? O kaya ng driver niyong si Mang Boy? Ano bang ginawa ko para magmukha akong malandin babae sa paningin mo?"

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin ng titigan ko siya sa mga mata kaya tumayo agad ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko agad ang magkabilang pisngi niya at pilit siyang hinarap sa akin.

"Tell me!" mahinahong sabi ko. "Tell me what did I do for you to do this to me?!"

Inalis niya agad ang mga kamay ko sa mga pisngi niya saka umatras at muling umiwas ng tingin.

"Ano bang tingin mo sakin?" umiiyak na tanong ko. "Tingin mo ba basta basta nalang akong bubukaka sa mga lalaking nakikilala ko ha? Tingin mo ba para akong isang puta na basta nalang makikipagtalik sa kung sinong lalaki diyan, Kaede? Dahil ba sa pananamit ko kaya mo iniisip ang mga yun ha?" sabay punas ko sa luhang muling bumagsak mula sa mga mata ko. "Yun ba ang tingin mo sa akin ha, Kaede? Sagutin mo ko."

Nakayuko pa din siya habang nagsasalita ako at pilit na nag-iiwas ng tingin.

"Siguro nga mukha akong malanding babae dahil sa paraan ko ng pananamit at sa kilos at pananalita ko pero eto ako Kaede eh. Ito yung ako." umiiyak na sabi ko. "Bago mo pa ako pinakasalan alam mong ganito ang paraan ko ng pananamit. Alam mong liberated ako kumilos at liberated ako magsalita. Sana hindi mo nalang ako pinakasalan kung ayaw mo pala sa ganito." sabay muli kong punas sa pisngi ko. "Alam mo ba, sa mga oras na to, wala akong ibang maramdaman kung hindi pagsisisi na pumayag ako sa gusto ng lolo ko na magpakasal sayo."

KAEDE (Way Back to Your Heart)Where stories live. Discover now